Unang litrato na nasundan pa ng marami
Unang lalaki na aking ipinagmalaki
Siya ang dahilan ng mga ngiti sa aking labi
Siya din ang dahilan ng pag iyak tuwing gabi
Ngunit sa kabila ng lahat ng pinagdaanan
napatatag nito ang aming samahan
Samahan na puno ng tawanan
Samahan na kahit kailan hindi ko pinagsisihan
Sinubok man ng malalakas na hampas ng alon
Ngunit alam kong kami ay makakaahon
Makakaahon sa dulot ng masamang panahon
At mapupunta din sa tamang pagkakataon
Salamat at ika’y dumating
Salamat at natupad na din ang isa sa aking mga hiling
Wag kang mag alala andito lang ako lagi sa iyong likuran
Upang suportahan ka sa iyong mga kagustuhan
Sana ito na yung tamang panahon
Sana ay maayos na ang gusot ng nakaraan
Upang makapagsimula tayo ng bagong istorya
Kung saan tayong dalawa naman ang bida














