Bakit Naghanap ng Other Woman si Mister?
“Akala mo perfect na ang relationship n’yo. Tandaan, kahit mahal ka niya kung may pumapapel nasisira ang isang relasyon.” Sabi pa nga daig ng "MALANDI ang MAGANDA" :o Minsan mahirap labanan ang tukso. Lalo na kung kusa itong lumalapit. Kaya nga may pamilyang nasisira dahil sa tukso my mga taong biglang darating para guluhin ang isang masayang relasyon. Madalas ang lalaki ang nagiging mahina dahil sa malakas ang karisma ni other woman. Grr! Malandi kasi.. Ang tanong, bakit nga ba naghahanap si Mister ng other woman? May nagkulang ba? oh sadyang may pumapapel? Alam n'yo ba na minsan may mga dahilan kung bakit nagloloko si Mister? Maliban sa likas na siyang babaero.. Ito ang ilang reasons kung bakit naghahanap ng other woman si Mister. Kung BF mo pa lang siya: Tandaan, hindi sa lahat ng pagkakataon, eh babae ang bida at kasalanan lagi ng lalaki. Minsan nakakagawa ng kasalanan si Mister kasi nagkulang din ang mga babae. Mapalad ka kung love na love ka ni Mister kahit may pagkukulang ka. oh eto n nga mga REASONS: 1. Sa umpisa pa lang ‘di ka na niya mahal. Nabuntis ka lang kaya ka niya pinakasalan. Ang sama ‘di ba? Pero nangyayari 'yan. Let’s face it! Totoo naman hindi lahat ng nagpapakasal, eh kagustuhan ng lalaki. Ilan sa kanila no choice lang. Kaya nga nahihirapan silang mahalin ang mga asawa nila dahil ‘di pa sila sawa sa buhay binata. Kaya ang ending, si Mister naghanap ng other woman. 2. Mahal ka niya pero nagbago siya. Bakit? Marami siyang nakita sayo na hindi niya inaasahan. Maaaring may nakita siyang pangit sa 'yo. Lumalabas kasi ang tunay mong ugali, talak ka nang talak o super selosa ka o di naman mas malakas ka pang uminom ng alak kaysa sa kanya. Hindi lang kasi babae ang naghahangad ng magandang katangian ng kanilang mapapangasawa. Ibig sabihin, baka may attitude problem ka. Kailangan mong baguhin ang masama mong ugali bago pa matangay ng iba si Mister. Minsan kasi kapag nawalan siya ng gana sayo diyan magsisimulang maghanap siya ng iba ung mas maalaga at mas malambing kaysa sayo. 3. Bilang asawa, di mo maibigay ang sexual needs niya. Lagi kang busy o pinaparamdam mo sa kanya na wala kang gana. Kaya ang ending, si Mister naghanap ng ibang pugad. Ouch! Masisisi mo ba siya? Nasaan ka ba noong panahong matigas ang ulo ng pagong? 4. Minahal ka niya noon kasi maganda ka. Kulang na lang ipagmalaki niya sa buong mundo na isang beauty queen ang napangasawa niya. Kaya lang, lumipas na ang kagandahan mo. Tinubuan ka na rin ng bilbil sa katawan. Masakit di ba? Kaya nga nagustuhan ni Mister si other woman kasi di hamak na mas bata o mas maganda ito kaysa sayo. Sakit di ba? Yung feeling na mas maganda si other woman kaysa sayo. Wawa ka Te! Kaasar noh, bwicit na mga makakati yan ahaha! 5. Mahal pa rin niya ang EX niya. Ikaw pa nga ang kontrabida sa love story nila. Kaya kahit kasal na kayo, eh di pa rin mabura sa isipan niya ang EX niya. Ang mas masakit yong matuklasan mong nagkabalikan na sila. Yung feeling na, ipinagpatuloy nila ang nasira nilang relasyon noon. Ang masakit pa, nakuha mo lang ang katawan niya pero hindi ang puso niya. Kaya ang ending, si EX ang other woman ng mister mo. Sure ako mahihirapan kang tanggapin yon. Isipin mo love pa rin niya ang EX niya kahit ikaw pa ang pinakasalan niya. NakakaLOKA! Beng! Marami pang reasons kung bakit nagagawa ni Mister ang maghanap ng iba. Minsan naman wala sa babae ang pagkukulang kasi likas na kay Mister ang manloko ng babae. Minsan nga hindi lang asawa ang biktima kasi may mga other woman na hindi nila alam na kasal na pala ang lalaki. Minsan naman, mahal ka talaga ng asawa mo pero yong tukso ang lumalapit sa kanya. Mahina lang si adan kaya nakukuha ng iba. Ano ba ang dapat gawin para tumigil na si Mister sa masamang gawain niya. Una, ipagdasal mo siya. Malay mo mabuksan ang puso niya at makita niya ang kanyang pagkakamali. Naniniwala kasi ako na mas tumitibay ang relasyon ng mag-asawa kung nasa gitna nila si God. Next, baguhin mo ang masamang ugali mo (ung meron man) baka ito ang dahilan kung bakit nawawalan ng gana si Mister sayo. Subukan mong kausapin siya kung ano ang problema niya. May nakita ba siyang pangit sayo? Mabaho ba ang paa mo o malakas kang humilik? At kung anuman ang dahilan kung bakit nilalamig siya sayo, eh tanggapin mo at subukang baguhin. Malay mo, di na siya maghanap ng iba. Dagdagan mo ang pag-care sa kanya. Baka kasi nakukulangan siya sa pag-aalaga mo. Minsan kasi gusto ni Mister ung nilalandi siya kaya bago pa dumating ang araw na iba ang lumandi sa kanya, eh unahan mo na. Dagdagan mo ng karisma ang pag-aalaga sa kanya. Babaero na ba talaga si Mister? Kahit anong gawin mo, eh hindi mo siya mapigilan. Siya pa ang galit kung tatanungin mo siya kung sino ang naka-date niya? Minahal mo siya ng tapat pero niloloko ka pa rin niya? Mahirap nga ang ganyang sitwasyon. Ung feeling na ginawa mo na ang lahat pero kulang pa rin. kpg ganun e na kay Mister na ang problema. Paano mo siya mapapabago? Huwag kang gaganti sa kanya. Hindi porket nagloko siya, eh maghahanap ka rin ng iba. Bad yun! Huwag kang matakot na sumbatan siya. Isampal mo sa kanya ang panlolokong ginawa niya. Dahil unang-una, wala siyang karapatang saktan ka, asawa ka niya, karapatan mong ipaglaban ang karapatan mo. Huwag mong ipakita na parang okay lang sa ‘yo kasi lalaki ang ulo niya. Ipakita mong matatag ka at matapang. Mahirap ang ganyang sitwasyon, gaya ng sabi ko kanina ipasa-Diyos mo na lang ang lahat. Mahirap talaga kung may ibang pumapapel sa buhay mag-asawa mo. Kahit ginawa mo na ang lahat, kahit mahal na mahal n'yo ang bawat isa, eh masisira dahil sa tuksong lumalapit. Mapalad ka kung nagagawa ni Mister na umiwas ng tukso. Mapalad ka rin kung sa kabila ng pagkukulang mo, eh faithful pa rin si Mister sayo. Yun bang love ka niya kahit may bilbil ka na. (y) Love ka niya kahit selosa ka pa. Love ka niya kahit minsan pasaway ka. yan yong tipong lalaki na maipagmamalaki mo. Pero kung naghanap siya ng iba, nasa iyo na iyon kung bibigyan mo pa siya ng other chance. Naniniwala kasi ako na hindi sapat ang isang pagkakamali para maghiwalay kayo, lalo na kung mag-asawa na kayo. Basta, ito lang ang masasabi ko sa ngayon. Naghanap si Mister ng other woman hindi lang dahil nagkulang ka, naghanap siya dahil may pumapapel (my lumandi,my makati). Naghanap siya dahil babaero na talaga siya mula noon pa, at higit sa lahat, naghanap siya kasi di ganon kalalim ang pagka-faithful niya sayo. Oh mga sis kong mahal , sana nabasa nyo bawat sinabi ko :) Ganyan tlga ang buhay hindi palaging masaya, my mga pagsubok tlga sa buhay na sobrang sakit. Pero ang mahalaga natuto tayo sa mga yun :) <3 THANK YOU <3












