Cosimo Galluzzi
Lint Roller? I Barely Know Her
Show & Tell
Jules of Nature
Stranger Things

❣ Chile in a Photography ❣
No title available

ellievsbear
almost home
ojovivo
todays bird

JVL

roma★

Discoholic 🪩
we're not kids anymore.
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year

JBB: An Artblog!

No title available
🪼

Kaledo Art
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Malaysia
seen from Nepal
seen from United States

seen from France
seen from United States
seen from India
seen from Spain
seen from United States
seen from Chile
seen from United States
seen from United States

seen from Indonesia

seen from Malaysia

seen from France
seen from Brazil
seen from United States
seen from Romania

seen from Pakistan
@eminemscruz
May sakit nanaman yung anak ko. And, the way they blame us dahil hindi ko daw/namin mabigyan ng security yung anak ko is really hurting me. Akala nila hindi open sa amin si Pikay. Hindi expressive. Little did they know, open siya sa amin.
Ang hirap pala maging Magulang. Tapos, walang supporta. Parang lahat ng desisyon namin mali. Walang guidance.
You know what's funny, yung nangjajudge sa parental skills namin is walang anak. They keep on insisting na akala nila alam nila lahat. But, they don't. Gusto ko na lang mag shut down right now. Kahit na mag work, wala ako gana.
Sana ang tao pwede din mag shut down pag napapagod na.
Ayoko talaga nang buwan na 'to. Kasi, araw-araw ko naaalala na sa huling petsa ng buwan na' to, iniwan ako nang isa sa mga pinaka-malapit na tao sa akin. It's been 8 years na pero bakit pag dumadating ang buwan na 'to, parang kahapon lang nangyari ang lahat? May mga pagkakataon na nag iiscroll pa din ako nang convo namin. Hanggang scroll na lang kasi alam ko naman na hindi ko na siya makakausap ulit. Kahit na ano gawin ko. Payakap naman ako. Kahit sa panaginip lang. Miss na miss na kita. Sobra. 😞😭😢
May gumagamit pa ba ng tumblr? Dati, eto ang safe heaven ko.
Pikaykay will be turning 3 years old this year. How time flies. Noon, naiiyak lang ako dahil sa sobrang pagod at puyat kasi halos wala akong tulog. Ngayon, naiiwan ko na siya sa Antipolo para magkaroon ako ng “Me Time” or makapag date kami ni Allan. Ang bilis pala talaga nila lumaki na hindi mo namamalayan. Next school year, meron na ako estudiyante. At, parang hindi pa ako ready. Hindi pa ako ready na papasok na siya. Yung pakiramdam na she’s no longer a baby na talaga. Kailangan talaga natin i-cherish lahat ng moment na kasama natin sila. Kasi, sa isang kurap malaki na sila. Hindi na sila yung baby na panay lang ang iyak. Bukas makalawa, nag lalakad na sila. Nagsasalita na sila. Nag-aaral na sila. Waaaah.
Pagod na din ako.
Ang hirap. Ang hirap pag wala ka mapag sabihan nang mga gusto mo sabihin. Yung wala ka mapag sabihan nang sama nang loob. Kasi, walang may favorite sayo. Walang nangangamusta sayo. Ang hirap sarilinin nang lahat. Yung tipong kahit sasabog ka na, mas pipiliin mo na lang na solohin kasi wala eh. Wala naman gusto makinig sayo.
Eto yung mga panahon na gusto ko bumalik si Mae sa buhay ko. Kasi, alam ko na siya lang yung makikinig dito sa nararamdaman ko na hindi ako ijajudge. Hirap na hirap na ako. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Putang ina. Kailangan ko mag trabaho para sa pang gastos ko sa anak ko. Putang ina kasi pakiramdam ko ang sama ko kasi wala akong oras sakanya. Putang ina kasi imbis na sa akin siya malapit, hindi ayun ang nangyayari. Ako lang yung gumagastos pero hindi ako yung lagi niyang hinahanap.
Pasensiya na anak, kung lagi akong busy. Kung mas mahaba pa oras ko sa trabaho kesa mag-alaga sayo. Dito kasi tayo kumukuha nang pera para mabigay ko yung pangangailangan mo e. Pagod na pagod na ako pero hindi ako pwede tumigil. Hindi ako pwede mapagod kasi para sayo 'to. Kaya kahit na alam ko na lumalayo na loob mo sa akin, titiisin ko. Wag mo lang maranasan yung naranasan ko noon.
Sobra ko na namimiss ang magbasa nang libro. Simula nung nagkababy ako, nawalan na din ako halos ng oras magbasa. Kaya ngayon, pag natutulog yung anak ko na maganda sinusulit ko yung oras para makapag-basa ako. 😊
Me time. 😍
October na. 2 months na lang pasko na. Pero, bakit parang nakakatakot? Nakakatakot kasi sinasabi nila na hindi na maganda ang lagay niya. I know, hindi na ako nagpupunta sakanya simula nang magkatrabaho ako. Kasi, nabusy na din ako. I know, na matanda na din naman siya pero bakit parang hindi ako ready mag let-go? 😭 Haaaay. Sana hindi pa ngayon. Not now, Lord. Please?
Now, you get the point why I distance myself from most people now. I often talk, I avoid deep conversations - unlike the way I used to. Because most people are the same. They will slowly ignore you once they met more and more and more people. And will forget you, eventually.
Dear Eight-Year-Old-Me,
Hi. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan 'to. Ang hirap pala kausapin nang batang ikaw. So let me start sa pangangamusta. Kumusta ka na nga ba? Okay ka ba? Masaya ka ba sa narating mo at kung anong meron ka ngayon? Sana, okay ka. Okay ka sa lahat nang meron ka sa ngayon at masaya ka. Sana kuntento ka sa meron ka ngayon. Or, kung hindi ka kontento, sana tulungan mo yung sarili mo na abutin yung mga gusto mo. Namimiss na kita, 8 years old me. Sobra. Yung mga panahon na masaya ka pa sa simpleng bagay. Yung mga totoong ngiti mo kahit walang camera. Yung, marunong ka ngumiti kahit na walang-wala kayo noon. Alam mo ba na sobrang nakakaproud yung narating mo. Kasi, kahit na ilang beses mo na gusto sumuko, umayaw, mawalan nang pag-asa, eto ka pa rin. Pinipili ang lumaban. Kahit na hirap na hirap ka na.
Naaalala mo pa ba nung 12 years old ka, nung mawala ang lito? Sobrang nalungkot ka nun. Kasi, kapag may pasok dadaan ka muna sa kwarto niya para magpaalam, tapos hihintayin ka niya umuwi para sabay kayo kakain nang lunch. Tapos, bago siya mawala sinilip mo pa nga siya sa kwarto niya. Sabado yun ng umaga e. Sinilip mo siya sa kwarto kasi tatanungin mo siya kung magpapabili ba siya nang diyaryo niya. Nakita mo pa siya na humihinga, natutulog nang mahimbing. Hanggang sa tinawag ka ni Auntie Pok kasi hindi na daw humihinga ang lito. Alam ko, hanggang ngayon pag naaalala mo yun nasasaktan ka pa din. Sinisisi mo pa rin yung sarili mo na sana ginising mo siya para hindi pa siya nawala. I'm sorry, 12 years old self kung wala ka nagawa at hindi mo siya ginising nun. Sorry, kasi hanggang ngayon, dala mo pa din yung sakit nung araw na yun.
Eh, nung 13 years old ka, nung nawala si Butchokoy? Tapos, ilang buwan mo pa lang siya nakasama kasi umuwi sila nang Samar. Hindi ba, pinakita mo na matatag ka nun? Na hindi ka iiyak? Pero, nung nailibing siya ilang taon nga ba yung lagi ka umiiyak dahil sakanya? Hindi mo na matandaan? Kasi, tinago mo lahat. Hindi mo pinakita na sobrang nasaktan ka sa pagkawala niya. Mas pinili mo na sarilinin yung sakit na nararamdaman mo. Sorry 13 years old self, kasi hindi mo mailabas yung sakit na nararamdaman mo nung nawala si Butchokoy. Sorry kasi hindi mo kaya umiyak sa harap nila kahit na durog na durog ka nun.
Eh, nung 15 hanggang 16 years old ka? Yung time na hinayaan mo yung sarili mo na saktan nang sobra ng isang tao? Yung hinayaan mo na magkaroon ka ng trust issues kasi hinayaan mo na magsinungaling siya nang paulit-ulit sayo at pinipili mo pa din na mahalin siya? Hanggang ngayon tuloy dala mo yung trust issue na binigay niya sayo. Hirap ka pa din magtiwala sa kahit na kanino. Na pakiramdam mo iiwan ka nang lahat katulad niya. I'm sorry, self. Sorry kasi hinayaan mo siya na gawin ka niyang ganyan.
Eh, nung 19 years old ka? Yung unti-unti ka na hindi naniniwala nanaman na may nakikinig sa mga sakit na nararamdaman mo kasi same year namatay yung tao na nakakaintindi sa mahirap mo na ugali? Kasi, namatay yung BFF mo nang college na may tampo siya sayo? At the same year, namatay din yung pinsan mo sa Father side. Hindi ba pakiramdam mo na sinasaktan ka ni Lord? Na, pakiramdam mo hindi mo na kakayanin yung sakit kasi quota ka na? Sorry 19 years old self, kung pakiramdam mo na sinasaktan ka ni Lord. Sorry, kasi hirap ka mag let-go nang mga importante na tao sa buhay mo. Sorry kasi hanggang ngayon nag brebreak down ka pa din.
Pero, sa lahat nang masasakit na bagay na yan, tignan mo yung sarili mo ngayon. Kung nasaan ka? Meron ka na maganda na anak at pogi na soon-to-be-husband. Kaya, laban ka lang ha? Kailangan mo lumaban at mas maging matapang pa para sa anak mo. Para sa bubuuin niyo na pamilya. Mahal na mahal kita, self. At hindi ko na hahayaan na masaktan ka pa o hindi mo mapakita yung totoo mo na nararamdaman. Ipagpatuloy mo lang kung anong meron ka. Kasi, sobrang proud ako sayo. Sa mga nararating mo. Kaya laban lang.
Love,
24-years-old-self
Nakakaistress na mag-isip kung paano pa na pagtitipid yung gagawin namin para lang sa vaccine ng bb. Ang hirap pala nang ganito. May konti ka na ipon pero wala ka din naman utang. Hindi ko na alam kung paano at saan pa ako kukuha nang pera pambayad sa mga vaccine niya. Ubos na ubos na yung naipon namin. Hindi ko na kaya na sa sahod ko lang kukunin lahat. Sabi nila, dalhin ko na lang daw sa center para mura lang. Pero, bakit mo titipirin yung anak mo kung nagtratrabaho ka naman? ☹️ ang hirap hirap. Pero, kailangan namin magtiis. Para sa bb.
Lord, I know isa lang 'to sa mga pagsubok mo at still nagtitiwala pa din ako na magproprovide ka nang mga kailangan namin. Katulad nang pagproprovide mo nung manganganak ako. Alam ko na hindi mo kami pababayaan. Kakapit at kakapit pa din ako sayo kahit anong mangyari. Haaay Lord. Tulungan mo ako sa mga ganito na bagay ha? Salamat po. 😀
Dear Self,
Dear Self,
Kayanin mo lahat. Wag ka papaapekto sa sinasabi nila. Kasi, kailangan ka nang anak mo. Dapat matibay ka. Dapat matatag ka para na lang sa anak mo. Tandaan mo, hindi ka na mag-isa lang ngayon. Nararamdaman niya pag malungkot ka, stress ka, naiinis ka, masaya ka. Dapat lagi ka lang masaya. Matututunan mo din isang maging nanay. Yung wala ka na maririnig na hindi maganda. Laban lang. Kayanin mo. Dapat kayanin mo. Para na lang sa kanya. Kahit ang sakit sakit na nang sinasabi ng mga tao sa paligid mo. Kahit na pakiramdam mo wala ka kakampi o makausap nang personal. Kahit na walang kumakamusta sayo. 😊
Hi bibi. I'm sorry kung kailangan ni mama na mag work at iwan kita kanila lola mo para magbantay. I'm sorry kung sa gabi mo lang ako makakasama tuwing weekdays. I'm sorry kasi hindi ko pwede bitawan yung trabaho ko kasi para sayo din kaya mas pinili ko pumasok. Para mabilhan kita ng magagandang mga damit at laruan. Yung mga hindi second hand katulad ng naranasan ni Mama. Gusto ko, lahat ng vaccine na kailangan mo maibigay namin. Hindi na bale na wala kami pangbili ng luho basta para sayo ibibigay namin. Kung papipiliin lang kami, mas gusto na lang namin na mabantayan ka namin habang lumalaki ka. Pero, mas pipiliin namin kung saan ka mas mapapabuti. Ayaw namin na maranasan mo yung hirap nang buhay kaya mas pipiliin namin mag sacrifice kasi in the near future ang gusto lang namin is the best para sayo. Kaya, sana pag lumaki ka na at nagkaisip wag mo iisipin na hindi ka namin love kasi mas pinili namin magtrabaho. Promise, every weekend magbabonding tayo. No cellphones, no gadgets at all. Babawiin namin yung weekdays na nasa trabaho kami. Sobrang mahal ka namin ni papa mo. I know, magdadalawang buwan ka pa lang pero parang ang hirap na iiwan ka namin para lang mag work kami. Kung sweswertehin kami, pipiliin namin mag business na lang in the near future para makasama ka na namin araw-araw. Sa ngayon, konting tiis na lang muna ha?
My world. My love. My everything. 😍😘