hi, mahal kita
will byers stan first human second
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ

ellievsbear
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
KIROKAZE
AnasAbdin
hello vonnie

blake kathryn
Claire Keane
I'd rather be in outer space 🛸

@theartofmadeline
occasionally subtle

祝日 / Permanent Vacation
Lint Roller? I Barely Know Her
Misplaced Lens Cap

Andulka
🪼
Sweet Seals For You, Always
DEAR READER
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Romania
seen from Canada
seen from United States

seen from United States

seen from Germany
seen from Germany
seen from United States
seen from Brazil
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from France
seen from United States

seen from Singapore
@excerptofmythoughts
hi, mahal kita
boundaries. line. end
hindi ko alam kung na-post ko na rito ‘yung tinitipa ko ngayon pero kung hindi sana habang ginagawa ko ‘to biglang may sumagi sa isip ko na ideya para maintindihan ko.
isa sa mga bagay na nag-iiwan sa akin ng palaisipan tungkol sa pagmamahal at respeto ay yung linya. when we love someone, we love them despite their flaws. kaso laging sumasagi sa isip ko, hanggang saan ang linya na ginuguhit natin para patuloy na tanggapin ang isang tao. iba-iba kasi tayo, pwedeng kaya niyang lunukin ang pagkakamali na ito pero sa iba hanggang duon na lang.
what’s fair and unfair? saan ginuguhit ang linya sa pagkakamali nang hindi sinusugal ang respeto natin sa sarili natin? sa tuwing iniisip ko ‘to tapos nagkakaroon ako ng posibleng sagot, nadadagdagan lang din ako ng panibagong tanong.
ikaw ba, paano at hanggang saan mo ginuguhit ang linya?
dalawang araw ko na napapanaginipan college crush ko hahahaha share ko lang kasi kinilig me. ate mong trentahin sa ganito tsaka sa sweldo na lang kasi ngumingiti eh.
hay… kung hindi pa kayo registered voter sana maparehistro na kayo, at utang na loob.. parang awa.. bumoto nang matalino at ng matalino. kung hindi, walang magkakagusto sa inyo ever tapos hindi na tataas sahod niyo at mananakawan pa kayo nang mas malaki pa. kaya use your vote wisely!!!
i have a friend na hindi ko na nakakausap pero kapag birthday namin lagi kami nagpapadala ng something para sa isa’t isa. medyo nalulungkot na lang din ako kapag di kami nag-uusap, kahit normal sa amin hahaha. huling usap ata namin last year tapos birthday ko pa.
since nagpaplano na ulit ako para sa birthday niya bigla ko lang ulit na-realize kung gaano ko siya kamahal. yun lang yung alam kong sigurado at malinaw sa pagkakaibigan namin.
i’m only funny when it comes to inside jokes, duon mabilis utak ko hahaha. kanina nagpakuha kami ng dugo ng kapatid ko para malaman namin blood type namin (i know soafer late, random lang namin naisipan kasi hindi pa rin namin alam 😭). iniisip ko kanina mga type ng tests, paulit-ulit utak ko sa cbc. took it before, long story short, mababa kasi dugo ko kaya stuck sa utak ko yung term din. tapos as a bangkera, may term din kami na cbc sa work.
tapos habang nasa daan kami may nadaanan kami na yero lang tas may naka-spray paint na cdc 😭 natawa ako hahaha. kasi feeling ko nakikinig Siya sa paulit-ulit na cbc sa utak ko then He decided to join. moments like this really makes me realize na He really gets me lol.
soafer cute nung napanuod ko na clip na hinihintay niya yung partner niya sa train station lagi kasi nabanggit sa kaniya once nabanggit sa kaniya na dati nalilimutan siya sunduin. her partner looked so happy, why she said in the vid na it’s the proof why showing up matters.
naiyak lang ako kasi ako nga na tapat lang ng bahay yung preschool ko nalilimutan pa sunduin hahahaha. kaya tinatawid na lang ako ng mga teacher ko dati tas sila na mag-ddoorbell para makauwi ako. naisip ko lang bigla na gustong-gusto kong yakapin yung batang ako, kunin siya tapos ako na lang magpalaki sa kaniya haha.
sobrang cruel lang talaga ng mundo at mga tao sa mga bata, dahil lang wala silang laban. hindi nila maipagtatanggol sarili nila. samantalang hindi naman sila ang pumili na mabuhay sa mundong ‘to.
i’m prolly just sad in general
pero mas extra sad kasi first day ko sa practical driving lesson ko tapos may certain parts na nahihirapan ko, kaya ngayon pati ito inooverthink ko kung para sa akin ba hahahahaha. na baka kung merong mga tao na hindi para sa driving baka isa ako duon at kung hindi man uso yon o lahat naman kinakaya after practicing baka ako yung una hahaha tangina.
tapos inoovethink ko pa na baka hindi ko makuha yung full potential ko sa pagmamaneho, tapos hindi lang sarili ko makadamay pa ako ng ibang tao sa katangahan ko. knowing na minsan kapag pwede kong ikamatay hindi ko kinakatakot.
gusto kong ikalma sarili ko pero putangina kasi hindi naman na written exam lang ‘to na alam kong kakayanin ko ipasa basta mag-aral eh, life and death experience kasi (si oa pero true diba).
*tangina tumblr down ngayon lang na-post
nakakatakot
nabasa ko yung isang post ng dati kong teacher, magaling din siya magbitaw ng mga salita gawa na dati (🥺) siyang nagsusulat. ngayon may asawa’t anak na siya. sobrang lungkot na ng mga nababasa ko mula sa kaniya, mga sakripisyo at pagtitiis na ginawa niya at ginagawa pa rin niya.
sumali siya sa trend na nag-popost ng mahabang message na sinend mo tapos isang word na walang kwenta yung reply.
may comment duon na sana raw hiwalay na sila. tapos nag-comment din siya duon na siya rin daw ganyan sa mga posts na nakikita niya na gaya ng kaniya pero kapag daw ikaw na ang nanduon ang hirap na. sang-ayon ako duon, may mga paniniwala talaga tayo madalas na kapag mararanasan na natin hindi natin agad nagagawa kasi may mga iilang bagay pa rin tayong kinokonsidera. kaya nahihirapan tayong gawin.
ito talaga ang ayokong-ayokong mangyari sa atin. oa na kung oa pero kapag naiisip ko gusto ko na agad gilitan sarili ko, pakasagasa sa malaking truck. nagmamakaawa pa ako na wag na lang akong bigyan ng partner kung darating ako sa ganitong point. yung buong buhay ko sinisigaw ko na mahalin, respetuhin, at piliin ang sarili tapos darating sa punto na ako na sisigawan tapos magbibingibingihan ako.
iba na nga yung takot ko na mapatay, magahasa, saktan parehong pisikal at sa pananalita… tapos ganito pa.
grabe ano, dati lang lumilitaw na problema kapag tapos na ligawan eh. ngayon ang tibay, hinihintay makasal at magkaroon ng anak para mas lalong hindi sila iwanan. ang lala.
favorites
who would’ve thought na ma-titrigger ‘yung pakiramdam ng hindi paborito sa maliit na bagay lang hahahaha. isa siguro ‘to sa issues na dala-dala ko pa rin, na hanggang ngayon bubog ko pa rin mula bata hanggang ngayong matanda na ako.
sobrang liit lang na bagay talaga haha. medyo mahirap i-explain ‘yung setting (siyempre maarte ayaw sabihin ‘yung work lol) pero sa gist, may initiate na ginawa ‘yung supervisor ko sa ka-work ko na sa kaniya lang ginawa na hindi na niya ginawa sa akin. something na malaking tulong na in our part. then it hit me, bumalik lahat tapos sinapul ako haha. na people really do have favorites, not necessarily na pangit trato sa’yo tapos sa kaniya maganda. mabuti siya sa lahat, maayos at magandang pakikitungo pero kita o ramdam mo talaga na may paborito.
hindi ako nainggit, nasaktan ako para sa sarili ko—sa lahat ng mga naramdaman ko dati at kung bakit sa maliit na bagay ganoon ang naramdaman at naisip ko kahit wala namang maling nangyari.
it was obvious na paborito ng mama ko dati ‘yung kapatid ko, kahit mga pinsan namin nakikita ‘yon dahil napaguusapan namin dati. kaya hanggang ngayon maliit man o malaking bagay, ‘yung sakit kung paano ko tinanggap ito dati nararamdaman ko ulit. nahuhulma lang sa mga bago at ibang sitwasyon na pwede kong maramdaman ito ulit. kaya may tendency ako na kapag naiisip ko o nararamdaman ko na ayaw sa akin, o hindi ako gusto. ako na ang kusang lumalayo, hinihiwalay ko na agad ang sarili ko para hindi na ako masaktan. dumating sa point na mas komportable ako na hindi ako gusto kasi hindi ko na kailangan matakot na baka hindi talaga ako gusto o dumating ang araw na ayaw na sa akin kasi una pa lang talagang hindi na ako gusto at mailalayo ko na agad ang sarili ko.
this is one of the reasons why i didn’t want to a mother, hindi kasi alam ng karamihan na hindi natatapos sa komportableng kutson at busog na tiyan tatlong beses sa isang araw natatapos ang pagiging magulang. ‘yung simpleng pagkakaroon ng paborito, na hindi ka naman gumagawa ng ikababawas ng pagmamahal na pinapakita mo pero ‘yung may ginagawa kang “mas” para sa isa? hindi niyo alam na maliit na bagay at maaari pa ngang walang kwenta sa isip niyo pero namumuo ito bilang butas hanggang sa mauukit sa ibang paraan na siyang huhulma sa isang bata bilang tao. may isang beses lang na bigayan ng grades nuong high school ako, kinamusta ako tapos ang sabi sa akin ng teacher ko tawa ako nang tawa. alam kong hindi niya naman ibig sabihin na masama ‘yon, natuwa pa nga ako kasi napansin niyang masiyahin akong bata at gusto niyang malaman ng magulang ko ‘yon. pero may narinig ako sakanila na kinasakit ng puso ko. isa sa naisip kong dahilan bakit tuwing naglalakad ako, laging nakababa ang tingin ko. you finish the puzzle. mula sa paggamit sa mabigat niyong kamay, hanggang sa matutulis niyong dila. hindi lang sugat ang naiiwan, kundi marka na naglilimita.
ikaw ang unang magpupunan ng pagmamahal sa magiging anak mo, ikaw ang matuturo kung paano sila dapat mahalin para maintindihan nila kung paano sila tatanggao ng pagmamahal at kung paano rin nila ito ibibigay sa mga taong gusto rin nilang mahalin.
i probably look like a dont-have-a-kid-propaganda. pero sana, sana pag-isipan niyong mabuti. walang perpektong magulang, pero ang bawat hampas ng kamay at epekto ng salita ay kayang kontrolin. hindi kailangan aralin, kailangan lang matutunan kung ano ang makabubuti para sa magiging anak mo—hindi sa pagiging magulang mo.
for some reason kahit hindi ko alam kung anong petsa na, basta bigla na lang bibigat yung puso ko hanggang sa maiyak ako tapos maaalala ko si bella.
it’s either few days from the exact day she passed away o yung petsa mismo na iyon.
tulad ngayong araw, kaya pala mas extra yung sakit kasi ngayon ang pang limang taon na wala na siya. ang sakit sakit sakit pa rin. kasi bella, mahal ko, mahal na mahal kita. alam kong hinding-hindi na gagaan, pero alam ko rin na kung sakaling maging furmom ulit ako. kaya ko na ulit magmahal nang buo.
“i burn for you and you don't even know my name, if you asked me to i’d give up everything to be close to you.”
kailangan ko kumalma kasi nagkaka-crush nanaman ako, hindi ko na afford magkaroon ng crush ng ilang taon nanaman jusko po
survived but at what cost
maybe i’m meant to love people in a different way
being a pro-choice in this country is not for the weak
i have so many thoughts regarding this continuous debate. hindi talaga madali lalo na sa ginagalawan natin na hanggang ngayon ay sobra pa rin na konserbatibo.
may nabasa akong comment sa isang post about abortion—how people are just pro birth and not pro life. if we are to argue in this situation nga naman then why won’t these pro-life people won’t adopt children that are still living in orphanage. sobrang dami pa rin na pro-life pero sobrang dami rin ng mga nasa ampunan at mga batang namamalimos.
hindi lang naman ito isang sitwasyon lang kung bakit patuloy na ipinaglalaban ng kababaihan. laging argumento ng mga tao na pinili mong makipag-sex kaya dapat panagutan mo ang kahihinatnan… paano naman kung pwesa itong ibinigay sa kaniya? hindi lang nihahatol ang rape sa mga hindi karelasyon kundi mismo sa karelasyon. paano ang mga minor de edad na napilitan na mabuntis dahil wala silang laban hindi lang sa nang abuso sa kanila kundi sa mga tao sa paligid niya na pilit nagdedesisyon para sa kaniya. ang mga babae na piniling hindi mag-anak pero dahil sa mapwersang asawa ay nabuntis nang walang pahintulot.
nakakagagalit ba ang aborsyon? mas nakagagalit isipin ang mga isinisilang na bata na hindi mabibigyan ng magandang buhay, lalaki nang walang magulang, maipapalaki sa paraan na maaring ikasira niya.
kung ayaw mo nito maaari at malaya ka na wag gawin ito, pero huwag na huwag mo itong ipagkakait sa mga taong gusto ito.
na para bang kalapastangan ang ‘di ka ibigin
you know what also hurts other than experiencing shitty situations. it’s overthinking if it’s a you problem.
that’s the thing with recurring situations with different people. malalim man na sitwasyon o hindi pero parehas kang nasaktan. you question whether you’re just surrounded by that kind of people or you also have a problem that you can’t seem to know how to fix to avoid.