Hindi ko alam kung bakit ko to sinusulat pero out of nowhere pumasok na lang sa utak na sumulat para sayo. I am 16 years noong sinulat ko to. By this age, lagi kong tinatanong sarili ko kung kailan ka dadating. Nakakabitter kasi yung mga may forever sa facebook at twitter. Syempre babae rin naman ako, ayokong forever fictional character na lang yung mamahalin ko aside sa KathNiel, friends & family ko. I’m dying to meet you! Pwede pag dumating ka ikaw na yung lagi kong itetext kapag nagugutom ako tapos in a minute dadalhan mo ko ng pagkain. Kapag nalulungkot ako nandyan ka lang. Kapag may problema ako, hindi na tumblr ang tatakbuhan ko. Ikaw na. Tapos gusto ko sasabayan mo ko sa pagpupuyat. Nocturnal kase ako. Gusto ko rin lagi tayong magroroadtrip. Iyong tipong magpapaka-Dora tayo para kung saan-saan tayo nakakarating kasi for sure ang saya non. Gusto ko ikaw yung magiging taong hindi magsasawang intindihin ako. Sasabayan mo ko sa lahat ng trip mo. Papakiligin at mamahalin mo ako. Tapos ittreat mo ko na parang prinsesa ng buhay. Gusto ko kapag dumating ka sa buhay ko, iyong tipong magical at kahit kailan hindi ko malilimutan.