Nakausap kita ngayon.. naging maayos ako oo.. pero ramdam ko naman na wala na talaga. Hindi ko naman pinagpipilitan sarili ko.
Pasenxa na kung andito pdin nangungulit. Ayokong mawala ka.
Nasabi ko sayo na nagseselos ako, naiingit, haist sana talaga kasama kita. Ndi ko alam kung reassurance ba yun, o in denial ka lang nagusto ka niya at gusto mo siya, o kaibigan lang talaga.
Sabi ko naman sayo yung kutob ko diba..
Haist.. ndi ko ba alam.. alam kong ayaw mo isipin ang lovelife pero masaya din naman na merong nakaalalay sayo..
I know you need friends, pero sa kanya parang ndi kasi
Ewan ko ba selos ko talaga
Tapos yung mga nasabi ko pa sayo, alam mong honest ako. Hindi din ako nagtatanong na hindi ako handa sa sagot.
Im trying to keep the convo light para ndi mabigat para sayo pero yung default honesty ko yung flaw ko.
I pray na bumalik tayo sa dati...
Bago ang lahat na masasakit na nangyari
Hindi ko hangad na magkabalikan tayo ngayon.. pero hindi ko sinasara yung possibility na yun. Ayoko magsalita ng tapos.
Saka sa ngayon, malakas padin yung nararamdaman ko para sayo, kaya ang lakas din ng sakit na nararamdaman ko.
Ndi mo na ako kinakamusta, ndi mo na ako ganun kinakausap, nakakaya mo na ndi ako kausapin ng ilang araw, may iba na mas gusto mong makausap.
Sana ganun din kadali para sakin, pde bang turuan mo ako? Hindi ko ba alam.
Nung tinanong ko kung anong dahilan at kinakausap mo padin ako despite na mapunta sa feelings yung usapan, sagot mo ewan, at sa totoo lang sapat na sakin un kasi ndi ka tumahimik lang. Alam ko nahihirapan ka sa words kaya laking pasalamat yun.
Sana ndi ako nakadagdag sa overthinking mo, sana kahit papanu, nagingn ok pakiramdam mo, kasi ako, kahit sa ganito nakausap ka, naging masaya ako.