Di ka na babalik... Nasaktan kita ng husto kung kelan ang sakit sakit ng mga bagay bagay. Kung kailangan mo ng kaibigan, itinanggi ko sayo. Pero masisisi mo ba ako? Nasasaktan din ako.
Akala ko makakatulong ako sa pananatili ko, pero hindi na nakakatulong. Patawad, naiisip ko na ideactivate lahat ng social media accounts ko. Para hindi na ako nag.eexist sa mundo. pero sa mundong ginagalawan mo, alam kong wala na ako.
Oo, wala na akong inintindi kundi ano ba ako sayo. Lalo pa ang dami mong iniintindi sa sarili mo.
Masisisi mo ba kung gusto kong iparamdam na andito lang ako sa tabi mo?
Pero nanghihina ako dahil hindi mo maramdaman ang presensya ko.
Nasasaktan ako, may kirot sa puso ko. Selos, inggit, gusto ko din matapos na.
Ipinagdarasal na sana lahat ng ito matapos na. Na mapatawad ang lahat, at maging payapa ang isipan. Upang hindi na nasasaktan.
Ang sakit lang din isipin na, ganito ba tayo magtatapos? Na ganito tayo magkakahiwalay? Na ang ala-ala na bitbit natin ay ang hindi magaganda at makakalimutan na ang masasaya? Sana pag ako ay naaalala mo, maalala mo ang pagmamahal ko, at hindi kung paano kita nasaktan.