larawan: behance.com
Cookie Run:Kingdom Official!

ellievsbear

No title available

❣ Chile in a Photography ❣
taylor price
Sade Olutola
cherry valley forever
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
RMH
KIROKAZE
Show & Tell
YOU ARE THE REASON
Game of Thrones Daily

oozey mess
No title available

Product Placement
No title available

titsay
untitled

Jar Jar Binks Fan Club
seen from Colombia
seen from United States
seen from Vietnam

seen from Barbados

seen from Singapore

seen from United States
seen from Taiwan

seen from United States
seen from United States
seen from Türkiye
seen from United Kingdom
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from United States

seen from Australia
seen from United States

seen from Norway

seen from United States
@fili12jonel-blog
larawan: behance.com
Gunita: Sa Mundong Kinagagalawan Natin Ngayon (Blog 2)
Naniniwala ang pangkat na sinasalamin ng sining at panitikan ang karanasang kolektibo ng komunidad kung kaya’t maaari nitong husgahan ang mga mapanganib na kaugaliang nakasanayan na. Mula sa pahayag na ito, papatunayan ng pangkat ang kakayahan ng sining at panitikan na maapektuhan ang lipunan gamit ang tatlong punto.
Ngunit bago tayo dumako sa mga argumento, linawin muna natin ang ibig sabihin ng mga salitang gagamitin. Una, kapag sinabing sining, tumutukoy ito sa medyum upang ipahiwatig ang ating nararamdaman sa mga bagay na nakapalibot sa ating buhay. Maraming uri ng sining: pagsusulat, pagsayaw, pagkanta, pagarte, pagpinta, iskultura, at marami pang iba.. Pangalawa, tumutukoy ang panitikan sa isang paraan upang itala ang nakaraan o ang kasaysayan ng nakararami; isa itong behikulo upang buksan ang katotohanan ng nakaraan sa lente ng mga saksi nito . Pangatlo, tumutukoy ang salitang lipunan sa mga taong nakapasaloob sa isang pamayanan; maaaring may iba’t ibang paniniwala subalit mayroon pa rin silang iisang pagkakakilanlan. Ngayong nalinaw na ang konteksto ng argumento, dumako na tayo sa mga patunay.
Una, masasabing palansak ng mga karanasan ng isang pamayanan at paalala ng mga pagkakamali ng nakaraan ang sining. Sa pamamagitan ng sining, natatawid ng mga kaisipan ang layo ng panahon. Ang mga sining na ginamit upang isiwalat ang kaharasan noon, maaaring gamitin upang ihayag ang patuloy na kaharasan ngayon. Isang halimbawa nito ang Spoliarium ni Juan Luna. Sa kanyang obra, isinalaysay ni Juan Luna ang pagtrato sa mga mandirigmang pinaglalaban noon sa Roma. Ikinakaladkad ang kanilang bangkay papalabas ng entabladong pinaglabanan nila para paghandaan ang susunod na sagupaan.
Masasabing representasyon ang Spoliarium sa marahas na pagtrato ng mga Kastila sa Filipino. Sinasalamin ng obra ang mababang pagtingin ng mga Kastila sa sinakop nitong kalupaan. Ang obra ni Luna ay ngayo’y nakapaskil sa Pambansang Museo kung saan maaari siyang masaksihan nang sino mang pumasok dito. Tunay na maaari paring ilapat ang mensahe ng Spoliarium sa kasalukuyang panahon. Hindi man mga Kastila ang umaapi sa karamihan ng Filipino, maaari paring sabihing ang mga mapangabusong indibidwal na may kapangyarihan naman ang umasam ng posisyon ng mga Kastila. Hanggat mayroong mas mababa ang pagtingin sa kapwa, patuloy na lalaganap ang mapangabusong kaugalian.
Pangalawa, nagsisilbing lente and sining at panitikan upang isiwalat ang kaugaliang hindi agarang natatanaw ng ating mga mata. Sa pamamagitan ng sining, nagagawa nating usisain ang mga nakasanayang kaugalian na hinahayaan nalang nating lumaganap. Maaaring maging mapanganib ang mga kaugaliang ito dahil sa kanilang implikasyon sa mga piling indibidwal. Isang halimbawa nito ang mga konsepto ng toxic masculinity at victim blaming. Tinalakay ang konsepto ng toxic masculinity sa tula ni Jonel Revistual na pinangalanang “Biyaheng Malandi”. Sa tulang ito, isinasalaysay ang kultura ng pagtrato sa kababaihan bilang bagay na maaaring gamitin, husgahan, at manipulahin. Inilalarawan nito ang kultura sa biyaheng patuloy nating sinasakyan kahit na alam nating wala itong mabuting kinahahantungan. Sinasabi niyang dapat natin pandirihan ang ganitong ugali at magsikap tayong baguhin ang nakasanayan nang kultura ng kaharasan.
Sa Belgium, matatagpuan ang museo na nagpaskil ng mga damit ng mga taong ginahasa upang talakayin ang konsepto ng victim blaming. Iginigiit nila na maling itanong sa biktima kung ano ang suot nila noong sila’y ginahasa na parang nakabase rito ang kanilang seguridad. Malawakan nang tinatanggap ang kaisipang ginagahasa lang ang tao kung sila’y nakasuot ng “malaswang” damit. Ngunit, sa pamamagitan ng pagsasalaysay na ito, inililinaw ng manlilikha na hindi nakadepende sa kasuotan ng tao kung sila’y magiging biktima. Datapwat ang manggagahasa lang ang dapat sisihin para sa krimen.
Pangatlo, masasabing katalista ang sining at panitikan bagkus hindi ito maituturing na proseso. Kapag hinarap ang indibidwal sa isang uri ng panitikan o sining, may sarili siyang mahihinuhang interpretasyon galing dito. Samakatuwid, naaapektuhan ng sining at panitikan ang kalagayan ng indibidwal. Ang indibidwal rin ang humuhulma ng kalagayan ng lipunan. Nagkakaroon ng pagdaloy ng kaisipan sa pamamagitan ng sining at panitikan kung saan kinakausap ng manlilikha ang mga nakakakita o nakakabasa ng kanilang obra. Naipaparating ng manlilikha ang kanilang saloobin tungkol sa iba’t-ibang paksa. Nang sa gayon, nagkakaroon ng pagkakataong pagnilayan ng indibidwal ang nais iparating ng manlilikha. Sa ganitong paraan din, nahuhusgahan ng indibidwal ang kanilang sariling moralidad at kakayahang makarating sa sarili niyang solusyon para sa ibinahaging paksa. Ang sining ang nagpapakita o nagsisiwalat ng “bakit” samantalang ang tao ang tutuklas sa “paano”. Mahihinuha rin dito ang konsepto ng imagined communities ni Benedict Anderson. Isa sa mga diskusyon ni G. Jethro Tenorio ang kahalagahan ng nasabing konsepto sa panitikan. Isinaad niya na dahil sa mga mumunting pagsisikap ng maraming manunulat ng panitikan lalo na yaong mga nilikha ni Gat. Jose Rizal, maraming Filipino napukaw sa realidad na kanilang tinatahak araw-araw. Subalit, hindi iginigiit ng mananaliksik na ang sining at panitikan ay ang nag-iisang nagbibigay pwersa sa pagyabong o kahit lamang sa pagbago ng lipunan na ating kinagagalawan.
Naiintindihan ng pangkat na magkaiba na ang konteksto ng mga problema noon at problema ngayon. Maaari ring ipangontra ang argumentong walang konkretong paraan ang aisning at panitikan upang baguhin ang kalagayan ng lipunan. Para sa unang kontra argumento, kahit na magkaiba na ang detalye at konteksto ng mga tunggalian sa lipunan, nananatili parin ang pangunahing sangkap ng tunggalian: ang tao laban sa sistemang mapang-api. Tumutugma rin ito sa sagot ng pangkat sa pangalawang kontra argumento. Sa pangatlong patunay ng aming sanaysay, kinilala na namin ang kahinaan ng sining upang maging konkretong paraan ng pagbabago sa lipunan kung kaya’t kinikilala ito bilang katalista at tagabigay ng saysay habang ang tao na mismo ang gumugugol kung paano makakamit ang napagtanto niyang mensahe ng kanyang nasubaybayan.
Samakatuwid, ang sining at panitikan ay sumasalamin sa karanasang kolektibo ng komunidad kung kaya’t maaari nitong husgahan ang mga mapanganib na kaugaliang nakasanayan na. Tulad na lamang ng nabanggit ng mga mananaliksik, isang kolektibong karanasan ang sining at panitikan at ito’y patuloy na nabubuhay dahil ito’y nagsisilbing paalala ng mga pagkakamali ng nakaraan. Ibinida rito ang Spoliarium ni Juan Luna na siyang patunay na ang sining ay tumataginting sa modernong lipunan. Lente rin ang sining at panitikan upang isiwalat ang kaugaliang hindi agarang natatanaw ng ating mga mata. Dito naibanggit ang konsepto ng toxic masculinity kung saan sa kasalukuyan paunti-unting nababawasan ang ganitong mapanganib na kaugalian. Sa huli, sinuri ang kaisipan na ang sining at panitikan ay nagsisilibing katalista kaysa mismong proseso ng pagbabago. Naisaad na visual aid ang sining at panitikan sapagkat mas ipinapakita nito ang sanhi o ang iba’t ibang suliranin ng lipunan at ang tao ang sasagot kung paano nito matutugunan ang mga isiniwalat nitong realidad. Hindi sa sining o panitikan babagsak ang responsibilidad ng pag-unlad, kung hindi sa taong nasaksihan ito.
“YES, MASTER”
larawan:
•instagram(AlphaKappaOmegaTA)
•esquiremagazine.com
Magkabilang Mundo (Blog 1)
Paghahambing (AKO at Batch ‘81)
Dahil sa pangangailangang bumagay ng isang sining sa pinalolooban na panahon, nagkaroon ng pagbabago sa pagitan ng pelikulang Batch ‘81 ni Mike De Leon at sa dulang AKO ni Guelan Luarca. Mahalagang isaisip na tatlumpu’t pitong taon ang agwat ng dula sa pelikula kaya gumagalaw na sa ibang kultura at panahon ang kabuuang konteksto ng dula. Iilan sa mga halimbawa nito ang pagpalit ng naging pagtatanghal ng frat na AKO mula sa isang imitasyon ng kabaret sa “Upakan ‘81”, patungo sa isang ‘Miss Universe’ na paligsahan sa dula kung saan nanalo ang bansang Tsina, na pahapyaw na patama sa kasalukuyang administrasyon dahil sa pagpalagpas ng pag-abuso ng Tsina sa West Philippine Sea. Sumasalamin din sa kasalukuyan ang pagbago sa naging eksena nina Pacoy at Susan kung saan hinalina ni Susan si Pacoy upang magtalik sila. Sa pelikula, kinuhanan ng “video” ang dalawa habang pinapanood sila ng iba pang “neophytes” at “masters” ng AKO. Ngunit, sa dula, naka “Facebook live” ang kanilang pagtatalik kaya napanood ito ng ibang mag-aaral. Bukod sa mga eksenang binago at pinalitan, nagkaroon rin ng pagtanggal sa iilang eksena sa pelikula na hindi ipinakita sa dula. Isa na rito ang naging pag-uusap ni Sid at ng kaniyang ina. Sa pelikula, ipinakita ang isang eksena kung saan nag-uusap ang mag-ina sa loob ng kwarto ni Sid. Sinusubukang hikayatin si Sid ng kaniyang ina na lumipat at mag-aral na lang sa Amerika ngunit tumanggi si Sid dahil sa kaniyang pagnanasa na ipagpatuloy ang kaniyang pangunahing layunin na maging parte ng Alpha Kappa Omega. Ang pagbisita ng buong “fraternity” sa doktor ang isa pang eksena na tinanggal sa Batch ‘81. Dito, ipinakita ang pagpapatingin ng mga “neophyte” sa doktor ng “frat”, at ang ginawang pag-ipit ng doktor sa dibdib ni Sid gamit ang dalawang “surgical scissors”.
Isa sa makabuluhang eksenang idinagdag ang naging kabuuang papel ni Santi Santillan. Sa Batch ‘81, isang propesor si Santi sa Ateneo at ang pinakamatanda sa mga “neophytes” ng Alpha Kappa Omega. Subalit, sa dula, binigyang diin ang pagiging saksi ni Santi sa lahat ng pinagdaanan ng batch at ng “frat” sa kabuuan. Dahil dito, naging papel ni Santi ang pagiging isang tila tagapagsalaysay ng dula. Isa pang eksena na idinagdag ang pagkakaroon ng isang “party” na may kinalaman sa ilegal na droga. Dito ipinakita ang pagkalulong ni Tina sa droga kung saan sinusubukan ni Arni na patigilin siya sa kaniyang bisyo. Bukod pa rito, idinagdag rin sa dula ang eksena kung saan nagtatalik sina Pearl at Vince habang nag-uusap tungkol sa hindi paggamit ni Vince ng wikang Ingles tuwing nagtatalik sila. Dahil dito, nauwi sa isang away at sagutan ang kanilang pagtatalik na napadpad sa iba’t ibang usapin katulad ng peminismo at ang pagkukumpara ni Pearl kina Vince at Ronnie. Panghuli, ang pinakahuling eksena ng dula kung saan sina Sid, Pacoy, at Ding ang nangangasiwa na ng mga interogasyon sa mga bagong “neophytes” ang isa pang eksenang idinagdag sa. Sinisimbolo ng eksenang ito ang naging hantungan ng mga natitirang “neophytes” kung saan sila na mismo ang pumalit sa kanilang sariling “masters” na sina Vince at Gonzales at sila na rin ang namumuno sa mga interogasyon sa mga bagong “neophytes”.
Paglulugar ng Teksto
Naganap ang kwento ng pelikula sa panahon ng Batas Militar kaya’t tinawag na isang alegorya ang Batch ‘81 sa Batas Militar dahil sa pagtanghal nito sa isyu ng bansa sa pamamagitang ng mga “fraternities” bilang “campus-style fascism” (Torre, 2014). Isang malaking indikasyon ng Batas Militar sa pelikula ang paggamit ng “Stanley Milgram’s electrocution experiment” (Interaksyon, 2017) o “electric chair” sa nagkusang si Ronnie Roxas. Tinawag na “brilliant” ng direktor ng dula na si Mike De Leon ang paggamit ng “electric chair” sa pelikula dahil patama ito sa administrasyong Marcos na gumagamit rin ng “electric chair” bilang isang paraan ng karahasan sa mga nakakulong noong Batas Militar. Samakatuwid, malimit ang mga suot na polong masikip na mayroong tubong na hindi nakabutones, pantalon na maluwag sa lulod o “bell-bottoms”, at mayroong bigote at “curtain hair” o cachupoy na buhok, na mismong estilo rin ng mga aktor sa Batch ‘81. Sa dako naman ng kapaligiran ng pelikula, makikita na ginanap ang karamihan sa mga eksena sa pamantasang Ateneo, at makikita na noon, iisa pa lang ang silid aklatan nila na tinatawag na ngayon na “Old Rizal Library”. Sa unang tingin, hindi makikilala ng kasalukuyang mag-aaral ng Ateneo ang entablado kung saan nagsasanay ang AKO para sa Upakan ‘8. Sa katunayan, sa Blue Eagle Gym ito ginanap ngunit wala na ang nabanggit na entablado ngayon at “basketball court” at “bleachers” na lamang ito ngayon.
Sa dulang AKO na ginanap sa taong 2019, makikita ang paggamit ng iPhone nina Sid, Ronnie, Santi, at iba pang mga karakter kapag mayroong kailangang kausapin. Nanonood din ng pornograpiya si Pacoy gamit ang kaniyang “gadget” at ang internet, kung saan nagkalat din ang naging pagtatalik nina Pacoy at Susan sa “Facebook”. Sumasalamin ang mga eksenang ito sa kapangyarihan ng teknolohiya at ang mga posibleng pang-aabuso na maaring mangyari gamit ang mga ito. Sa eksenang pinatay si Arni, tinaniman siya ng droga sa kamay upang ipakita na pinatay siya dahil sa droga. Sumasalamin ito sa “Oplan Tokhang” ng gobyerno na pumapatay sa kahit sinong may kinalaman sa droga. Ang panahon na pinalolooban ng bawat kwento ang pinakamalaking pagkakaiba ng pelikula sa dula dahil sa pangangailangang maiugnay ang mga gawa sa manonood. Sa AKO, laganap ang “social media”, teknolohiya, at usapin sa mga suliraning panlipunan tulad na lang ng peminismo. Ang pagiging ‘pelikula’ ng Batch ‘81 at ang pagiging “dula” ng AKO ang isa pang mahalagang pagkakaiba ng dalawa. Pagdating sa pelikula, paiba-iba ang lugar na pinupuntahan ng mga tauhan habang sa dula, iisa entablado ang ginagalawan ng tauhan. Sa dula, labis ang emosyon at lakas ng boses ng tauhan upang marinig at maramdaman ng manonoood nito kumpara sa pelikula na hindi kailangan ang dalawang elemento dahil sa tulong ng teknolohiya. Higit pa rito, importante sa dulaan ang pagkakaroon ng koreograpia at “stage direction” sa mga eksena upang mapuno ang entablado at malinis tignan ang galaw ng bawat isa. Tungkol sa “frat” na Alpha Kappa Omega ang parehong pelikula at dula. Ngunit iba man ang ginalawang panahon ng dalawa, nanilbihan ang mga ito bilang salamin sa lipunan ng panahong kinalalagyan nila. Ipinakikita ang buhay ng mga estudyante at pati na rin guro sa isang “frat” at ang naging pisikal, emosyonal, at sikolohikal na epekto nito sa bawat indibiduwal. Sinundan ng parehong kwento ang tauhan sa mga naging implikasyon ng kanilang buhay sa “frat” tulad ng karahasan sa “hazing” at tunggalian ng mga “frat” tulad na lang sa pagpatay kay Arni at ng iba pang miyembro. Namuhay ang parehong pelikula at dula sa kasabihang “Ang simula at wakas ay kapatiran, kaya hanggang sa dulo, sa kabila ng pagkamatay ng iilang miyembro at karahasang dinanas, nagpatuloy pa rin ang sistema ng karahasan.
Ebalwasyon
Tunay na naangkop at napapanahon ang mga modipikasyon na ginawa ng Tanghalang Ateneo sa dulang Alpha Kappa Omega sa pelikulang Batch ‘81. Ang pagkakaroon ng isang manonood na nakasasabay at nakaiintindi sa mga pangyayari sa dula ang pangunahing indikasyon ng pagiging angkop at napapanahon ng AKO. Ipinakita ito ng dula sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga samu’t saring isyu sa lipunan na hinaharap ng mga Pilipino ngayon. Isa na rito ang isyu sa ilegal droga. Bilang isa sa mga pangunahing isyu na patuloy na tumitindi at lumalawak sa mga pamantasan, minarapat ng AKO na isama sa kanilang produksiyon ang isang eksena na kung saan nakatuon sa sensitibong usapin na ito. Marahil, nais iparating ng dula ang repleksyon ng isang pangkasalukuyang realidad at kalagayan ng mga kabataan sa ilalim ng mga ilegal na gamot na mabilisang kumakalat at ibinebenta sa loob at paligid ng ilang paaralan (Grande, 2018). Nagbibigay rin ang dula ng kamalayang nakapalibot sa pisikal na resolusyon na nanghihikayat sa mga kabataan na iwasan ang lahat ng mga ipinagbabawal na produkto. Halimbawa ang paggamit ng iPhone bilang isang uri ng komunikasyon ng mga mag-aaral sa dula. Gayundin ang pagbabago na ginawa ng AKO sa pagtatalik nina Pacoy at Susan. Sa pangkalahatan, naging matagumpay ang Batch ‘81 sa layunin nitong itanghal ang mga kontemporanyong isyu sa isang masining na paraan. Kung ihahambing ang paralelismo ng kontemporanyong usaping panlipunan at ang mga isyu na tinalakay sa pelikula, angkop sa kasalukuyang panahon ang mga usapin na natalakay ng pelikula. Kabilang na rito ang sensitibong paksa ng “hazing”, at ang isyu ng mga “frat wars”, na mas lumitaw noong Nobyembre ng 2018, sa pagitan ng Upsilon Sigma Phi at Alpha Phi Beta (APB) sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas (Tomacruz, 2018). Malapit sa puso ng mga Pilipino ang sining ng pinilakang tabing o pelikula, kaya naman matagumpay ang Batch ‘81 sa pagtataguyod ng isang koneksyon na umaaatake sa emosyon ng mga manonood sa pamamagitan ng pagpapalabas ng maseselan ngunit detalyadong mga eksena na nakapaloob sa isyung panlipunan kagaya ng “hazing” at “frat wars”.
Sa kabilang dako, matagumpay rin ang AKO sa pagiging isang masining na pagtatanghal ng kasalukuyang usaping panlipunan. Importanteng aspekto ng mga dula ang “live performance” ng mga aktor kaya naman kinakailagan ang malakas at malinaw na boses kada palabas. Dahil dito, mas malakas ang dating at damdamin na ipinapahayag ng mga aktor, na siya namang nararamdaman ng mga manonood. Dagdag pa rito, bilang isang dula na saklaw ng isang organisasyon sa pamantasang Ateneo, kasapi sa mga layunin ng pamantasan ang pagbibigay impormasyon at kamalayan tungkol sa usaping “hazing”, droga, isyu sa relasyon ng Pilipinas at Tsina, at iba pa. Samakatuwid, isang nararapat na sining ang pagpapalabas ng dulang AKO upang humikayat at maging malay ang mga manonood.
Isyu ng lipunan o isyu ng pamahalaan?
Larawan:
•instagram(AlphaKappaOmegaTA)
•esquiremagazine.com
Mga publicity materials na ginamit ng Tanghalang Ateneo para sa kanilang tinanghal na dula, Alpha Kappa Omega.
Sanggunian:
https://www.behance.net/gallery/77927349/Alpha-Kappa-Omega-Visual-Identity …