BEING FRIENDS WITH AN EX
Bakit hindi MUNA (hindi ko sinabing forever) pwedeng makipagkaibigan ulit sa sa ex kapag hindi ka pa ok or completely moved on?
Hindi ko naman sinabing imposible, for me lang hindi muna pwede lalo na kung nasasaktan ka pa. Syempre mahal mo pa siya, may malisya ka pang nararamdaman. So everytime na makikita mo siya minsan maiisip mo na,
parang kelan lang nahahalikan ko ang lips niya
parang kelan lang ako ang dahilan kung bakit siya ngumingiti
parang kelan lang kausap ko ang taong to ng magdamagan sa fone
parang kelan lang sinasabihan niya ako ng I love you.
Hindi mo maiwasang magreminisce ng past niyo kapag nakikita mo siya, so syempre babalik ang sakit. So pano ka magiging ok nun? Lalo na kung meron na siyang iba, syempre makikita mo yun. Ang hirap kaya nun. Tapos kapag nagkaproblema sila ng bago niya tatakbuhan ka niya? Ano yon, bestfriend to the rescue ka? Parang awkward lang. Syempre andun na yung magiging bias ka kasi nga may feelings ka pa din sa kanya (kasi nga di ka pa nakakamove on), pwede kang mag-take advantage or sabihin sa kanya na “Maaayos din kayo ng gf mo”, pero sa isip mo nag-aala Basha ka na, “Sana ako na lang, ako na lang ulit.” Odba?
In the first place bat ka ba nakipagfriends kahit hindi ka pa ok? Ah alam ko na, kase namamag-asa ka na baka sakaling marealize niya na masaya parin na kasama ka at malay natin bumalik siya sayo ganon? Or kahit alam mong wala na talagang pag-asa mas pipiliin mong maging friends parin kayo huwag lang siyang tuluyang mawala? Mas mahirap yun. Desperada ang peg.
Kung hindi ka pumayag na maging friends kayo, hindi naman kabitteran yun. You’re just saving yourself na mas lalong masaktan. Pero pwede namang maging friends ulit eh, hindi naman mahirap yun lalo na kung friends naman kayo bago maging kayo. Basta ba dapat ok na ok ka na at pure friendship lang ang iooffer mo, walang halong malisya.
Yun eh sa side ko lang naman. Case to case basis.













