Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli
Ang pelikula na ito ay patungkol sa naging buhay ni Hermano Puli. Nababagay ito na panoorin ng mga Bosconian dahil may mapupulot na mga aral tungkol sa pananampalataya at ito ay makakadagdag kaalaman ng mga Bosconian sa kasaysayan ng Pilipinas.
Maayos ang pagkakakwento ng pelikula ngunit medyo nakakaantok dahil kadalasan sa pelikula ay puro dayalogo ngunit kinakailangan na makinig at intindihin ang mga ito upang lubos na maintindihan ang istorya.
Ako ay nalito lamang sa huling bahagi ng pelikula dahil si Hermano Puli ay nanampalataya sa Diyos ngunit gumamit ng mga “anting-anting” at hindi ko masyado nagustuhan ang pagtatapos nito.












