1. Nung sinabi nyang napapagod na sya para sa relasyon namin, grabe, parang deja vu. Parang nangyari na to sakin dati. Yung hinihiwalayan ako dahil pagod na daw sa akin. Putang ina. Ano na naman bang nagawa ko? Ako, pagod lang kasi kagagaling ko lang din sa travel. Sya, pagod sa amin. Ako, gusto ko lang ng pahinga, tulog or me-time ganun. Pero pinili nyang tapusin kami. Nakakalungkot na humantong kami sa ganito. Wala akong nagawa kundi pumayag na makipagbreak sa kanya. Ayoko kasing maging pabigat sa mga tao. Pasensya na sa lahat ng pagkakamali ko.
2. Paggising ko, nakapatong yung phone ko sa dibdib ko. Walang music. Yep, big deal sakin na walang music kasi usually, nagigising ako na tumutugtog pa yung phone ko sa umaga. Pero hindi. Kasi nakatulugan ko yung pag-iyak. At feeling ko, umiiyak pa din ata ako habang tulog kasi basang basa yung unan ko at buhok ko. Napakamiserable ko. Pumasok ako ng trabaho na namumugto pa yung mata ko. Hinang hina. Walang almusal. Pero dahil preschool teacher ako, kailangan ko piliting wag maiyak. Kailangan kong piliting maging masaya. Kada breakdown, nagtotoilet na lang ako. Punas luha tapos retouch, ganern. Salamat nalang talaga at nakasalamin ako, hindi masyadong mahahalata na namumugto na pala ang mga mata ko.
Pagsapit ng gabi, iyak na naman. Sa sobrang pagod sa pagiyak ko, napapaaga tulog ko. Wow, thanks heartbreak.
3. Nagising na naman ako na basa ang unan ko. Buti sana kung laway yung dahilan e, pero hindi. Nanghihina ako sa mga nakita ko. Nagdelete na pala sya ng pictures namin. Grabe. Desidido na nga talaga ang loko. Naligo ako na umiiyak. Nagtoothbrush na umiiyak. Naglakad ako papuntang work na umiiyak. Punyetang luha to, di maubos. Pagdating sa work, punas luha. Derecho agad sa locker, retouch-retouch. Tapos yung co teacher ko, tinanong ako kung okay lang daw ba ako. Di ako nakapagsalita agad. Sabi nya maysakit daw ba ako. Umagree naman ako. Putek, totoo naman. Angsakit sakit na kasi. Pero syempre ang universal na sagot, "Don't worry, I'm okay." Para di na nya ko tignan ng matagal. Punyeta, nakalimutan ko palang maglipbalm, angputla at angngarag ko tuloy. Kaya napapagkalang maysakit e. Yung lipbalm na gamit ko, may tint na yun tapos masarap. Bili kayo sa innisfree. Charot.
Paguwi ko ng bahay, pagod na pagod ako. Inistalk ko na naman sya. Tapos di na pala sya nakafollow sakin. Chinat ko nga e, sabi ko iunfriend na din ako. Putek.
4. At totoo nga, inunfriend ako ng loko. Edi iyak na naman po tayo. Walang katapusang pagiyak. Kagabi pa ko walang kain. Tinatry ko kumain ng almusal pero naisusuka ko lang. Alam mo ba yung feeling na parang nagaaway away yung mga intestines, kidneys, appendix at tyan ko sa loob. Parang anghirap lumakad. Anghirap kumilos. Gusto ko na lang magkulong ng bahay at umiyak. Gusto ko na ng pahinga pero anong ginawa sakin ng lokong yun, di ako makapagpahinga ng maayos. Maaga nga ako natutulog, pero pagod naman ako kinabukasan dahil sa pagiisip kung san ako nagkamali at sa pagiyak. (Usually 2 or 3am talaga ako natutulog, dahil sa pagiyak ko, magiging 12 or 1am na lang. Lol.)
5. Walang pasok. Pero ang-aga kong nagising. Pinipilit ko ulit matulog pero binabangungot ako ng memories namin. Putang ina. Ganito talaga ako kadrama mabroken. Napakamiserable ko. Pag tinitignan ko sarili ko sa salamin, kitang kita yung pagkabagsak ng mukha ko. At syempre, umiiyak na naman ako. Humiga ulit ako sa kama, umiyak ng umiyak. At dahil masokista ako, nagpatugtog pa ako ng sad music. Tama nga sila, pag broken ka, mas naiintindihan mo yung lyrics. At angsakit-sakit na talaga. Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na gusto ko lang naman ng pahinga. Pahinga lang gusto ko. Hindi break up. Putangina talaga! Hindi ba talaga ako worth it ipaglaban? Di ba ako worth it mahalin? Angsakit sakit. 2 mos lang naman kami, pero grabe yung impact. Pinaniwala nya ako na sya na talaga pero iiwan lang din naman pala ako sa ere. Angtanga tanga ko kasi napaniwala na naman ako. Putang ina talaga!
6. Ok, since Thursday night pa ako walang kain. Puro tubig na lang ako. Ayoko na nga dapat magtubig e, kasi iiiyak ko lang din naman. Naaawa na ako sa sarili ko. Hindi ako talaga ako OKAY. Niyayaya ako ni Badet na lumabas pero wala talaga akong gana makakita ng mga tao. Ayoko muna ng tao. And trivia, sobrang hilig ko maligo ever since. Twice a day ako maligo. Pero guess what, di pa pala ako naliligo mula kahapon. Kadiri. Putang ina. Itinulog ko lang. Tapos paggising ko umaga na. Kita mo na kung gaano ako kamiserable ngayon. Anong salita ang mas miserable sa salitang miserable? Sagot, SHEM. This is hell.
7. Isang linggo na kong miserable. Lunes na Lunes, pero di ako pumasok. Dinidysmenorrhea kasi ako. Gusto ko man isisi sa PMS ko kaya emosyonal ako, pero hindi e. Masakit kasi talaga tong puson ko, at lalong nangingibabaw yung sakit sa puso ko. Wala pa din akong kain. Tinry ko magyogurt pero as usual sinusuka ko lang din. Para akong bata, walang gana kumain kapag maysakit. Sobra na akong nanghihina. Gusto ko nang magmakaawa sa kanya. Charot. Hinding hindi ko gagawin. Hindi dahil sa mapride ako. Kundi ayoko nang maghirap sya sakin. He deserves someone better. Gusto ko man magpakabetter kaso pano, hindi yung personality na meron ako ang gusto nya. Introvert ako pero outgoing yung gusto nya. Sige, mas maige na sabihin nalang natin na he deserves someone who is a totally opposite of me. Okay na ba?
Kung tinatanong mo kung umiiyak pa din ako, hahahahahahahaha, syempre! Isang Linggo na akong umiiyak. Putang ina, di naman ako ganito dati. Lagi kong sinasabi sa sarili ko nuon na isang beses lang dapat umiyak tapos kinabukasan, life must go on ganern. Puta, kaya nga ata ako busog at walang gana kasi kinain ko lang lahat ng sinabi ko nuon. 😅
So ayun. Napagdesisyunan ko nang ibalik sa kanya lahat ng binigay nya sa akin. Nagsulat din ako ng letter. Nung nagkita kami, bnalik nya yung picture ko. Binalik ko din sa kanya yung isang malaking paper bag na naglalaman ng mga binigay nya sa akin. Nag-usap kami. Sinabi ko na sa kanya lahat ng hinanakit ko. Di na din talaga ako nakipagbalikan. Alam kong madami nang nakialam kaya mas humantong kami sa ganito. Ayoko nang madagdagan yung galit nila sa akin, lalo na yung mga taong malapit sa kanya. Hindi ko naman sila masisisi kasi kahit ako sa sarili ko, hindi ko din maipaliwanag kung anong tumatakbo sa utak ko. Ito yung mali sa akin e, yung sa sobrang daldal ko, hindi ko naman kayang iexpress yung saluobin ko. Parang wala na kasing nakakaintindi e. Si Tsmrts lang. Kaso nahihiya na din ako sa kanya. Ayoko lang talagang maging pabigat sa ibang tao. Kaya mas okay siguro na lumayo na lang ako.
For the last time, hinatid nya ako sa bahay, at nagpretend kami na kami pa. Bittersweet. Masakit man kasi huli na, at least naiparamdam ko sa kanya kahit papa’no na mahal na mahal ko sya.