Hello again Tumblr! I feel down this past few days not because of a heartbreak because of my partner but a heartbreak because of a friend. Sorry if I am seeking validation here but I just want to share what's going on to lessen "burden" (?) with my feelings.
I have this friend since elementary and I really thought we are still best of friends after graduating. We call each other "chummy". Actually we are a trio friendship but the other one was too possessive of us and does not want us to explore other things without her. Anyways going back to the main point, me and my chummy has the same trip with everything. (magtatagalog na ako) Pag usapan na katangahan lang at kung ano-ano walang dull moment saaming dalawa. Halos sa lahat ng milestone present naman kami sa isa't-isa. Mga nanay nga namin magkaka close narin.
Well, recently yung greatest milestone ng friend ko sa buhay niya bilang babae, ma-engage, magkaron ng bridal shower, ikasal, and mabuntis, ay parang dumaan nalang sa stories. Walang balita na dumating galing sakanya. Ako ay continuous nag re-reach out pero hindi na siya nag-eeffort like me. Pinalipas ko kasi di naman kami ganon ka high maintenance at magkakilala na nga.
Actually, di naman ako nagtatampo na di ako ininvite sa event. Kasi gastos nila yon, sila ang dapat mamili sa mga taong iimbitahan nila. For me lang as someone na super close, wala man lang formality na "di kita mapapunta sa ganito kasi may ibang priority papuntahin". Sa part na yon kaya kong maintindihan pero yung parang naiwan ako sa ere, di ko alam ano dapat maramdaman.
Nalulungkot lang naman ako kasi parang wala lang yung "friendship through thick and thin". Di mawawala sa isip ko lahat ng shared secrets at lahat ng mga pinagdaanan namin together. Nakakalungkot lang na we've been good friends naman pero di na nagclick kasi may ibang circle na? Siguro nasasaktan ako kasi hindi na me ganon ka relevant aside don sa mga pinapaunta. Yung iba nga don binabash pa namin together. HAHAHAHAHA toxic ba akong kaibigan? a lot of thoughts came to me pero di siya ganon ka linaw.
I know sa age ko nakaabot na dapat sa realization na "makikilala mo ang mga tunay mong kaibigan" pero di ko alam bat hindi ganon kadali mag move forward kasi parang ang sakit mabaliwala ng tinuturing mong bestfriend tapos para sakanya wala lang pala.

















