Sabihin mo kung saang parte ako magsisimula, Ibulong mo, iparamdam mo, kasi nakikinig ako. Nakinig, nakikinig, Simpleng mga salitang sayo ko’y ibinigay Simpleng mga salitang unti-unti nang nawala Mula sayo, mula sa akin at mula sayong muli Simpleng mga salitang nagsasabi na hindi ako magsasawa Paulit ulit kong ibibigay kahit matapos ang kasalukuyan
Sabihin mo kung bakit ka nabingi Mula sa tatlong salitang aking laging binibigkas Mula sa malakas na pagtibok ng puso ko na sayo laging kumakatok Mula sa mga tanong na pilit kong hinihingan ng sagot mula sayo Sabihin mo kung saan ako nagkulang Kahit masakit, kahit magiging mahapdi Ipaintindi mo Handa akong bumalik para sayo Sabihin mo lang kung saang parte ulit magsisimula. Saang parte ko maibabalik ang dating pagtingin?












