DI KILALANG BAYANI
"TEODORO ASEDILLO"
Ang pagkakaroon ng sariling wika na sinasalita sa isang bansa ay tanda ng kalayaan. Ito rin ay nagpapahiwatig ng pag-angat at edukasyon. Hindi mapagkakaila na ang ating wikang "Filipino" ay nadaan sa iba't-ibang panahon at proseso bago pa ito naging ganap na wikang pambansa ng Pilipinas.
Mas kilala na tagapagtaguyod ng wikang Pilipino si Manuel L. Quezon. Ito ay tinagurian ding "Ama ng Wikang Pambansa". Ngunit alam niyo ba na bukod sa kaniya ay may isa pang natatanging bayani ang lumaban at nagtanggol sa wikang pambansa ng Pilipinas noong panahon ng mga Americano.
Noong panahon ng mga Americano ay lumaganap ang pagkakaroon ng kalayaang mag-aral at matuto ng mga Filipino sa paaralan. Ngunit, kaakibat nito ay ang pagbabawal na gamitin ang wikang pambansa or tagalog sa paraan ng pagtuturo sapagkat ang pinapayagan at dapat lamang na gamiting wika ay Ingles.
Si Teodoro Asedillo ay isang guro at kilabot ng Sierra Madre na patuloy na ginamit ang wikang Pilipino sa pagtuturo sa mga paaralan kahit na ito ay ipinagbabawal sa sistema ng edukasyon noong panahon ng mga Americano. Dahil dito siya ay pinarusahan at tinanggal sa pagiging guro. Sumali ito sa KAP o Katipunan ng mga Anak Pawis na naging wanted sa kapulisan at militar. Nang siya ay nahuli at napatay ipinarada ang mga labi nito sa bayan ng Laguna.
Dahil sa kagitingang ng di kilalanh bayani na si Teodoro Asedillo. Nirapat ng ilang mga taga ng pelikula na dapat makita at matunghayan ng madla ang istorya ng kaniyang buhay nilang isang guro at tagapagtanggol ng wikang Pilipino. Ang kaniyang buhay at kagitingan ay isinapelikula ni Fernando Peo Jr. sa pangunguna ng FPJ Productions.
Tandaan: Ang bawat isa sa atin ay maaaring maging bayani ng kaniya-kaniya nating panahon. Maari nating paghugutan ang buhay ni Teodoro Asedillo na mas mahalin at pagyamanin pa ang wikanh Pilipino bukod pa sa mga baniyang wika na umiiral sa ating bansa ngayon. Hindi man siya gaanong kilala sa mga libro at pahina mapasasaan pa at patuloy na kakalat ang kaniyang kagitingan.
Source: teodoroasedillo.blogspot
















