All rights reserved. No part of this may be reproduced without the permission of the author. PLAGIARISM is a crime.
Any resemblance of person or place is purely coincedential.
"Miss. Can I get your number?"
"Will you be mine and I'll be yours?"
Arrrggghhhh!!! Araw-araw na lang ba?! Hindi niyo pala alam kung bakit ako galit. Gusto niyo bang malaman?
Ang bestfriend/love of my life ay laging pinagkakaguluhan ng mga asong pangit! Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay hindi tumigil ang mga umaaligid sa kanya. Kasi bakit pa napunta sa kanya lahat. Siguro nung umulan ng perfection ay napunta sa kanya lahat. Hay. Enough of this. Ang dami kong sinabi tas hindi ako nagpapakilala. I'm Sean Kinnery Lozada, a 4th year highschool student, matangkad, gwapo, maputi, mabait at..... Basta lahat ng traits of an ideal man is on me.
Hindi ko pa naman natatanong sa kanya pero lagi naman akong nasa tabi niya. Lagi naman kaming magkasama. Lagi ko naman siya pinapasaya o ako lang ang nagbibigay malisya sa mga efforts ko. Sabi nga nila na hindi lahat ng bagay ng gusto mo ay makukuha mo. Pero bakit sa lahat ng gusto ko ay siya pa ang hindi ko makukuha? Hay...
"Okay ka lang Kin?" natauhan ako sa pagbanggit ni Haley ng pangalan ko.
"Ha?" yun na lang ang nasabi ko kasi may palapit na namang lalaki kay Haley.
"Hey." pacool na sabi nung Christian, isa sa mga patay na patay sa Haley ko.
"Yes?" walang ganang sabi ni Haley. Tama! Mawalan ka ng gana sa mokong na to.
"Can I invite you watch a movie after class?" kampanteng sabi ni mokong. Napaclench ang aking kamao.
Imbis na sumagot siya ay tinignan niya ako. Mukhang alam ko na ang gagawin ko. Inakbayan ko siya at humarap sa mokong.
"Sorry but my bestfriend is busy." sabi ko sa mokong at binigyan siya ng death glare.
"Oh. Okay. See you next time Haley." sabi ni Christian sabay takbo paalis. Tumingin naman sa akin si Haley with matching killer smile at umalis and here's me NGANGA sa ginawa niya. Ang lakas na talaga ng tama ko sa kanya kasi kahit ngiti niya ay natutulala na ako. Minsan nga nauutal na ako kapag kausap siya. Nakukuryente na nga ako kapag hahawakan niya kamay ko at napapalunok kapag tinitigan niya ako pero isang lang ang masasabi ko, BESTFRIEND ko siya.
-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/
Nandito ako ngayon sa katropa ko na si Ken. Siya lagi ang nakikinig sa mga problema ko.
"Alam ko kasi pre, ang hirap sa iyo ay NAPAKATORPE mo." binagalan at diniinan talaga ni Ken yung napakatorpe habang sinasabi yon.
"Eh sa pinanganak na akong ganun eh."
"Pero hindi yun hadlang para sabihin yung tunay mong nararamdaman sa kanya."
"Hindi naman ganun ganun lang yun pre. Marami akong tanong sa isip ko. Paano kung magalit siya? Paano kung hindi niya ako paniwalaan? Paano kung matawa siya? And the worst of all is Paano kung masira ang friendship namin dahil dun?" sabi ko sa kanya. Actually yung huli lang naman talaga ang pinoproblema ko. Ok lang sa akin mareject kasi part yan ng buhay. At least may dahilan ako para ibaon sa limot ang nararamdaman ko. Pero what if nga na masira ang friendship namin na umabot sa tumatagingting na 10 years lang naman. Mula Prep hanggang ngayon ay solid pa rin kami. Marami na kaming pinagsamahan, marami na kaming napagdaanan at marami na akong nalaman sa kanya. Mula ulo hanggang paa ko na siya kilala. Tila salamin na siya at kitang-kita ko lahat sa kanya. I know her all too well.
"Then take the risk. Kapag nagmahal ka marunong kang magsugal. Pero if you are afraid to take the risk ay bahala ka sa buhay mo at lalong ka lang magseselos sa mga "umaaligid" kuno sa BESTFRIEND mo." litanya at diniinan pa talaga yung mga salitang bestfriend.
"Sige na. I'll take the risk." wala nang atrasan. Kailangan ko ng gumawa ng paraan para maamin sa kaniya ang nilalaman ng aking puso. Ang bading lang. -_-
Maaga akong pumunta sa tapat ng bahay niya. Sabay kasi kami pupunta ng school. Inggit kayo no? Late nga ako kung tutuusin eh. Kadalasan kasi 30 minutes ahead ako sa goal time ko pero for the first time in forever 5 minutes ahead na lang ako. Ikaw ba naman ay maconscious sa looks mo dahil ko gusto ko magpaimpress kay Haley.
Natigil ako sa pagdedaydream ng may tumusok ng mahina sa pisngi ko. Tiningnan ko kung sino at tumambad ang mala-anghel na mukha ni Haley. Ang kanyang itim, mahaba at straight niyang buhok. Ang nakakaakit niyang itim na mata na kapag tinitigan mo ay kaligayahan ang katumbas. Ang matangos niyang ilong at siyempre ang mapupula at kissable niyang lips.
"Wui." Natigil ako sa pagdedaydream sa pangalawang beses, ang kinaiba lang ay nakakatitig ako sa maamo niyang mukha. Inalis ko kaagad ang tingin sa mukha niya at tumalikod ako, uminit kasi bigla mukha ko. Ramdam ko kasi eh.
"Alam mo Kin. Ang weird mo. Una, nagdaydream ka. Pangalawa, nagdaydream ka ulit sabay titig sa akin. At ngayon, tumalikod ka na lang bigla. Ok ka lang ba?" kahit hindi kami magkaharap ay mabilis akong tumango bilang tugon sa kanyang tanong.
"Ok ka lang pala eh. Halika ka na." sabi niya bigla at nagulat na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko at kinakaladkad papuntang school. Ako lang ba o nakaramdam ako ng kuryente nung hinawakan niya ako. Malala na ata to. Sa sobrang lutang ko ay nakarating na pala kami ng school ay hawak hawak niya pa rin kamay ko. Tumigil kami bigla sa garden ng school kung saan ay mangilan-ngilan lang ang tao. Ito ang pinakamagandang part ng school para sa akin, maliban sa magandang ambiance nito, napakapayapa at ang daming halaman at bulaklak.
"Sean Kinnery." napatigil ako sa pagdaydream for the third time ng magsalita na may halong inis si Haley. Ikaw ba naman kumausap sa lutang na tao, siguro naman maiinis ka diba? Inayos ko muna ang sarili ko at tinignan siya pero wrong move. Napagmasdan ko na naman ang mukha niya. Napalunok ako ng wala sa oras.
"Tell me Kin. What's wrong with you? You've been acting weirdly these past minutes. May sakit ka ba?" tanong niya.
"Wala akong sakit. May sasabihin lang talaga ako sa iyo pero hindi ako makahanap ng tiyempo."
"Ano ka ba naman Kin? You're my bestfriend kaya you are free to tell me anything and everything to me. Promise, I won't get mad on what will you say." sa sinabi niyang yon ay mas lalo akong kinabahan sa aking sasabihin. Huminga ako ng malalim and I mustered every strength as I could. Heto na. Handa na ako.
"Haley." tumingin naman siya sa akin, straight to my eye. "I know we've been friends for a very very long time and we have shared tons of moments together but all this time, I've been hiding a single information that's been here." turo ko sa puso ko. "Believe it or not I-------- Haley!!!" napatigil ako sa pagsasalita ng makita kong may humatak na lalaki kay Haley palayo sa akin. Kaya hindi ako nagdalawang isip na sundan sila para ibalik ang dapat sa akin.
"Believe it or not I------- Haley!!!" yan na lang ang huli kong narinig dahil may humatak sa akin na lalaki na I think ay daldalhin ako sa school quadrangle kung saan ay napakaraming tao ang nakatambay. Tinignan ko ang lalaki. Kilala ko siya. Siya si Christian. Yung isa sa patay na patay daw sa akin, ika nga ni Kin. Anong ginagawa namin dito? Bakit niya ako dinala sa napakaraming tao? Tsaka bakit nakatingin lahat ng tao sa amin?
(Talagang titingin sila eh tumakbo ba naman kayo papunta rito kaya malamang na pagtinginan kayo. Isip-isip din Haley.)
Kung di lang talaga matalino tong konsensiyang to, masasapak to sa akin. Teka. Nasasapak ba ang konsensiya?
"Haley." napatigil ako sa pagdedaydream (nahawa na ata ako kay Kin.) ng tawagin ako nung Christian. Actually kilala ko siya. Siya lang naman si Christian Grey Wilson. 4th year din katulad ko, isang varsity ng basketball, president of drama guild, magaling sumayaw at kumanta, gwapo, cute, mayaman, matalino, actually consistent overall 2nd honor siya sa buong school. 2nd honor lang no? Alam niyo kung bakit? Kasi si Kin lang naman ang consistent 1st honor dito kaya malamang sa alamang ay 2nd lang siya. Basta overall, isang ideal man tong si Christian, yun nga lang hindi ko type.
Si Kin kasi type ko. Gulat kayo no? Malamang hindi. Sino ba namang hindi maiinlove kay Kin. Nasa kanya na ang lahat, pati nga puso ko eh. Ang korny ko, alam ko. -_- . Pero ang masakit na katotohanan ay BESTFRIENDS lang kami. Ang sakit diba? Ang gulo diba? Ang cliché diba? Kung sang-ayon kayo sa lahat ng yan, sang-ayon rin ako. Ang sakit kasi may limitations kami sa isa't isa. Ang gulo kasi bata pa lang ay gusto ko na siya at simula nung highschool, nung nagbinata siya ay halos maglupasay ako sa kilig at saya nung makita ko ang mga pagbabago sa kanya at ngayong 4th year ay narealize ko na mahal ko na pala siya all this time.
Ang cliché dahil laman na ng stories even sa reality ang pagkagusto nila sa bestfriend nila at ang masaklap dun ay hindi lahat ay nagtatagumpay. Minsan iniisip nila kung saan mas tatagal ang kanilang relationship. As friends ba or as lovers. Minsan takot silang mahalin ang bestfriend nila dahil takot silang mawala ang kanilang friendship if ever na magbreak. Minsan hindi na nila naaamin dahil huli na ang lahat dahil nagkarelasyon na yung bestfriend nila. Kaya sumatotal ay hindi 100% ang chance na maging kayo ng bestfriend mo dahil baka hindi mutual, baka takot umamin yung isa o kaya naman ay mas inisip ang friendship. Pero sabi nga nila, It's worth to try. Pero worth nga ba kung maging kami ni Kin? I mean tatagal ba kami? sasaya ba kami sa isa't isa as friends o kaya naman ay kahit maghiwalay kami ay friends parin kami sa huli? Who knows what may happen diba? Kaya I'm ready to take that risk kung hindi lang mahaba ang speech ni Kin kanina at yung paghatak bigla netong Christian na to. Speaking of Christian...
"Haley." sabi ng isang pamilyar na boses. Sinundan ko yung boses at nakita kong nakatayo si Christian, nakangiti at may hawak na bouquet of pink, white and red roses. Waaaahhh!!! Paano niya nalaman na paborito ko ang mixture of red, pink and white roses eh si Kin lang naman yung nakakaalam niyan. Unless na nakikinig siya sa usapan namin ng mga kaklase ko nung isang araw tungkol sa mga bulaklak. Eto na talaga si Christian, desperado na talaga sa akin. Nakita ko siyang papalapit sa akin at inabot sa akin ang bulaklak.
"For you my lady." cool na cool na sabi ni Christian.
"Thank you pero----" naputol yung sasabihin ko ng niyakap ako ni Christian. Habang magkayakap kami ay may binulong siya.
"Unang-una, wala akong gusto sa iyo. Palabas ko lang na may nararamdaman ako sa iyo. Pangalawa, ginagawa ko ito para may pagselosin. Pangatlo, makisabay ka na lang, pramis, papasalamatan mo ako pagkatapos neto." Teka teka. sinong pagseselosin niya? Since ako ay dakilang kalog ay sinakyan ko ang trip netong si Christian. I think this will be fun.
"Ano pang gagawin natin?" bulong ko sa kanya.
"Kunwari sasagutin mo ako tas gagawa tayo ng fake kiss."
"Fake kiss?!" medyo pasigaw pero bulong kong sabi. Meron bang ganun?
"Simple lang. Magbebeso tayo pero yung parang magkadikit yung labi as distance." nagets ko naman kaya tumango ako. Mga ilang saglit ay kumalas na siya sa yakap.
"Let's start the show. Shall we?" tumango ako as response. Lumuhod siya at tiningnan ako sa mata. Hindi ako naaawkward sa pagtingin niya kundi sa mga tao na nakatitig sa amin at may isang taong pakiramdam ko ay ang talas ng tingin sa amin yun nga lang hindi ko makita yung taong yun.
"Haley Roe Lawson, I know that we are not so close to each other but as far I know I've been inlove with you all this time. So..." Bigla siyang tumayo at hinawakan ang kamay ko. Ang galing niyang gumawa ng palabas ah. Bigtime at mukhang pinaghandaan. "Will you be my girlfriend?" as what he said ay nilapit ko ang mukha namin na parang magbebeso pero ang distansya ay parang naghahalikan lang pero palapit pa lang ako ay may kumuha sa kamay ko at hinatid ako sa katawang hindi ko alam. Nasubsob ako sa isang matigas na katawan at hindi sinasadyang amuyin. Hmmmmm... Parang pamilyar ang pabango ah. Pag-angat ko ng ulo ay tama ang hinala ko sa amoy na naamoy ko. Mukha ni Kin ang bumungad sa akin. Isang malungkot na mukha ni Kin na ikinalungkot ko rin? Bakit siya malungkot? Siguro---
"Haley. Totoo ba na boyfriend mo ba si Christian?" nangingilid na sabi ni Kin. Hala ka! Iiyak ba siya? Sa harap ng maraming tao? Oh no! Pero since na may plano na ako ay pagpapatuloy ko na ito.
"Yes. Why?" Tipid kong sabi at yung ang hudyat na tuluyang pagtulo ng luha ni Kin. Waaaahhh! Bakit siya umiiyak? Dahil sa "sinagot" ko na si Christian? Ayaw ko mag-assume pero di kaya-----
"Oo Haley! *SOB* GUSTO KITA NOON PA! *SOB* ILAN TAON KO NA ITONG KINIKIMKIM! *SOB* WALA LANG TALAGA AKONG LAKAS NG LOOB PARA AMININ SA IYO KASI MARAMING AKO KINOCONSIDER NA FACTORS NA BAKA GANITO GANYAN! *SOB* " tumigil muna siya para huminga ng malalim dahil iyak pa rin siya ng iyak "*SOB* PERO MUKHANG HULI NA AKO. *SOB* HULI NA PARA SABIHING MAHAL KITA. *SOB* MAHAL KITA NOT AS A FRIEND OR BESTFRIEND BUT MORE THAN THAT. *SOB* I GUESS I HAVE TO MOVE ON FROM THIS VERY MOMENT. *SOB* SANA MAGING MASAYA KA SA KANYA. *SOB* WALA AKONG PAKELAM KUNG MASISIRA ANG FRIENDSHIP NATIN PAGKATAPOS KONG AMININ TO PERO I DON'T CARE. *SOB* AS LONG AS I HAVE EXPRESSED MY FEELINGS FOR YOU, I'M HAPPY AND CONTENTED WITH THAT." sigaw niya habang hindi tumitigil sa pag-iyak. It breaks my heart to see what I am seeing right now. My bestfriend/love of my life is in pain because of my stupidity kaya bago pa mahuli ang lahat ay gagawin ko na ito. Humarap ako kay Christian and mustered every single strength left to say what I am going to say.
"CHRISTIAN GREY WILSON!" sigaw ko. "I AM BREAKING UP WITH YOU FROM THIS VERY MOMENT FOR A VALID REASON. I'M INLOVE WITH SEAN KINNERY LOZADA AND NOT YOU! I'VE BEEN INLOVE WITH HIM FOR A VERY LONG TIME AND YES I'M PROUD TO SAY NA PAREHAS LANG KAMI NG DINARAMDAM ALL THIS TIME KAYA STARTING TODAY--------" natigil ako sa pagsisisigaw sa harapan ng maraming tao dahil sa pagyakap ni Kin mula sa akin likod. Tila nabato ako sa aking kinalalagyan. Parang kami lang ang tao sa buong quadrangle at bukod tanging pagtibok ng aking puso ang aking naririnig at this very moment. Tumalikod ako para masalubong ko ang yakap niya para mayakap ko rin siya. Sa isang iglap ay magkayakap kami ng mahigpit sa isa't isa at tila walang balak na kumalas. Pagkatapos ng ilang minuto ay kumalas siya at hinawakan ang kamay ko sabay taas para makita ng mga tao ang magkahawak naming kamay. Namula naman ako sa ginawa niyang eksena.
"AS WHAT HALEY ROE LAWSON SAID EARLIER." tumigil muna siya para tignan ang lahat ng tao na nakatingin sa amin at may samu't saring reaksyon na nakapinta sa kanilang mukha. "KAYA STARTING TODAY, SHE IS NOW MY GIRLFRIEND AND BESTFRIEND AT THE SAME TIME. SA MGA UMAALIGID SA KANYA ALL THIS TIME, SORRY NA LANG KAYO, SA AKIN TUMIBOK ANG PUSO NIYA." pagmamayabang niya sa mga tao. Kasing pula na ata ng kamatis ang aking mukha. Ang saya-saya ko lang talaga ngayon dahil kami na ni Kin kundi dahil kay Christian.
I let go of Kin's hand and walked towards Christian and gave him a thank you hug. "Thank you Christian for everything you have done this day." sabi ko while looking at him. Napangisi siya at may binulong sa akin. "No problem, magaling ata ako sa dramahan na yan. Pero kumalas ka muna sa yakap natin. Mukhang unang araw pa lang ay nagtatampo na si Sean mo." napatingin naman agad ako kay Kin na nakapout at nakatingin ng matalim kay Christian. Possessive talaga kahit kailan kaya kumalas na ako yakap at nilapitan si Kin.
"Ako naman yakapin mo." sabi niya na halong tono ng pagtatampo. Haha. Cute niya magtampo. Mas lalo akong naiinlove eh. Tiningnan ko siya at nakaextend na ang arms niya na tila hinihintay niya ang pagyakap ko sa kanya pero laking gulat niya ng mabilis akong tumakbo sa kanya and I wrapped my arms around his neck and closing the distance of our lips. When our lips met, I felt the most breath taking moment, literally because he began moving his lips and due to the burst of emotions I kissed back and pulling him closer to deepened the kiss. After a few moments, we ended the kiss and we are catching our breaths like there's no tomorrow. He's very good when it comes to this. I bet--------
"First kiss ko to ah. Sadyang magaling lang ako. Hahaha." sabi niya habang hinahabol ang kanyang paghinga. Kailan naging mind reader to.
"Ako rin naman eh." Sabi ko. Yep. This is my first kiss and I gave it to him on this faithful day. Nang makabawi na kami ng paghinga at niyakap niya ako at may binulong.
"I LOVE YOU TOO." and we kissed again.