<UNTITLED>
Nang makita ka ay sumaya Puso ko'y nagalak sa tuwa Unang ngiting saki'y binigay Tamis nito'y walang kapantay
Nagtataka at nagtatanong Isip ko'y lubhang nalilito Ikaw lang at s'yang pangalan mo Sambit ng pusong bumubulong
Ikaw lamang ang laging hanap Ng pusong kay tagal naghintay Bawat pintig ng pusong uhaw Ngalan mo ang s'yang sinisigaw
Araw-araw ay hinihiling Na sana'y nariyan kang muli Araw-araw ay nananabik Makita'ng tamis ng ‘yong ngiti
-hcn












