“Nagmahal, Nasakatan, Nagmahal ulit hanggang sa paulit ulit na lang ulit.” sabi nga sa kanta nila Sarah G. at Papa P. “Paano ba ang Magmahal, palagi bang nasasaktan, umiiyak na lang palagi . . .” tapos sabi naman nang The Script “How can I move on when I’m still in love with you.” Oo tama sila, hindi ko alam kung paano bang magmahal! kung palagi bang masasaktan kapag nagmahal ka o parang parusa na yun sa lahat ng nagmamahal ng higit, tapat at totoo, aaminin ko hindi pa nga talaga ako nakakamove on, hindi pa ako get over sa kanya, hindi ko pa binibitawan lahat ng pwedeng bitiwan. Oo umaasa pa rin ako na baka isang araw pag gising ko ako naman ang maganda sa paningin niya, na ako naman ang magpapasaya sa araw niya, na ako naman ang hahanapin niya, na sasabihan niya ng mga sweet words niya, na ako naman ang kakamustahin niya, na hindi lang ako ang BEST FRIEND niya kundi ang BEST GIRL FRIEND niya ever, masarap mangarap hindi ba? yung tipong parang wala nang katapusan, hahaha hindi ko alam na magkakaganito ako sa isang lalaki, na best friend ko pa. Mahal ko siya, Mahal niya ako pero bilang kaibigan lang, yung kaibigan na masasandalan, makakausap, makakainitindi, makakatawanan, makakabiruan, kasama niya sa lahat ng bagay, AKO LANG NAMAN TOH YUNG KAIBIGAN MO HINDI YUNG KA-IBIGAN MO, kung ako na lang sana yung mahal at gusto mo, kung ako na lang sana yung babae para sa’yo, kung ako na lang kasi sana... Masakit man pero kailangan tanggapin, na ikaw at ako ay hanggang dito lang, yung storya na meron tayo ay hindi magiging katulad ng ibang storya, hindi ko man matanggap ngayon baka naman sa paglipas ng panahon matanggap ko na rin toh, bigyan mo lang ako ng ka-onting panahon. Kung mababasa mo man toh, MASASABI KONG MAHAL PA RIN KITA, MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA BAY, kahit na nakakasakit ka na at nasasaktan ko na rin ang sarili, Mahal pa rin kita, dahil sa mahal kita...