Nananalangin ako.. Sabihin mo..
Kadalasang panalangin ng mga tao ay ang kalakasan.. Na sana hindi sila mapagod. Na sana hindi sila manawa. Na sana bigyan sila ng ibayong kalakasan.. Pero ako? Nananalangin ako na mapagod na.. Nananalangin ako na manawa na.. Nananalangin ako na sana tumigil na sa pagtibok ang aking puso.. Nananalangin ako na huminto na ako.. Mapagod na habulin ka. Manawa na intindihin ka. Tumigil na sa pagtibok ang aking puso para sayo. Huminto na sa pagmamahal sayo. Sabihin mo nga.. Na mapagod na sana ako.. Na manawa na sana ako.. Na tumigil na sana ako.. Mapagod nang umiyak. Manawa nang magmakaawa. Tumigil na sa kabaliwan na ito. Sabihin mo na ayaw mo na. At pagtapos non, ako'y bibitaw na talaga. At hindi na muling babalik pa.. #hugot101















