Sinubukan kitang ayusin.
Ibalik ang bawat piraso sa tamang kalalagyan nito.
Tinahi ang bawat punit ng pagkawasak.
Tinapalan ang bawat butas ng kalungkutan.
Hindi ko napapansin.
Na sa bawat pirasong naibalik.
Punit na sinulsihan ng pisi.
Kalungkutang tinapalan ng pag-aalaga.
Unti-unti akong nalagas.
Sarili ko'y kulang na.
Mga retaso ng kaligayahan ay ubos na.
Ako ay nabutas na.
Sa pagbabaka sakaling maayos ka pa
Kapakanan ko'y isinawalang bahala.
Upang maibalik ang dating ikaw
Kahit na ang sarili'y hindi na makilala.










