Si Jill nga pala, ang babaeng ka height ko, ka size ng bewang, kasing bigat, pero hindi nga lang naging kasing ganda. Hays. Haha. Sobrang bait ng babaeng ‘yan lalo na pag dating sa mga kaibigan nya. Sa una, sobrang hinhin nyan na hindi nawawalan ng panyo sa bibig nya, pero pag nakasama mo na, sya pala ‘yung pinakaluka. Hahaha. Walang waley na joke dyan kaya masarap mag joke sa kanya. Kahit waley ‘yung joke hindi ‘yan agad makaka get over. Yung tipong kahit ang tagal na nung joke na yun tapos pag naalala nya, tatawa pa din ng tatawa. Ganyan ‘yan eh. Kaya mamimiss ko talaga ‘yan ng sobra sobra. :(
Panong hindi mamimiss? Eh s’ya lang naman ‘yung lagi kong kasama sa mga pinakamasaya at hindi ko malilimutang pangyayari sa buhay college ko.
Vacant namin nun nung naisipan naming magpagupit. Ako lang naman dapat ‘yung magpapagupit nun eh, pero dahil mabait nga ‘yan, sinamahan nya na ako. Napamahal pa kami nyan dahil tatanga tanga ‘yung bakla tapos nalate pa kami eh may exam pa naman kami nun. Pagpasok namin ng room wala nga pala kaming dalang booklet at ballpen kaya tatakbo kami nun papuntang bookstore. Haggard na haggard ang mga lola n’yo habang nag eexam. Pero ays lang, masaya naman eh.
Papunta sana kami nun sa boarding house dahil ang haba ng vacant namin. Eh nainitan ‘yang lukang yan kaya napaswimming ng wala sa oras. Hahaha. Tas hindi na kami umattend nun ng math dahil late na din.
Nagrunning kami dahil lang ng uniform. Libre ‘yun eh pati yung mga pagkain. Nadulas pa nun si Jill habang tumatakbo. Hahaha. 4th naman sya dahil apat lang sila. Galing no? Tas ako 3rd nun. Hahahaha. Hiyang hiya talaga kami nun eh. Sabi namin sa 2nd year ulit kaso hindi na yun matutuloy. Duga nyan eh. :(
Tapos nag overnight kami ay ako lang pala kina Sulit. Dapat kase kaming dalawa kaso sinundo naman sya ng ate nya. Hindi kase sya nagpaalam dahil hindi naman sya papayagan. Mag isa lang tuloy akong babae nun. Hindi din kami nag enjoy masyado dahil wala sya. Naks.
Kulang pa lahat ‘yan eh. Madami pa kong gustong ikwento, katulad nung mga trip namin sa sementeryo pag vacant, pag absent, yung pagliban namin ng gate ng Lyceum at yung gate ng Capitolio. Hahaha. Kaso ang haba na neto eh.
Happy Birthday Jill! Daya mo. Iiwanan mo na kame. Wala na ‘kong kasama, hindi ko na magagawa lahat ng mga naikwento ko. Alam mo namang ikaw lang yung maaasahan pagdating sa mga ganyan eh. Drama ko. Haysz. De, mamimiss lang kase talaga kita. Nung bigla kang umiyak nung monday, muntik na din akong maiyak nun. Pinigilan ko lang, kase yknow. Alam ko namang magkikita pa tayo, hindi nga lang madalas. Mas matatanggap ko pa sana kung mag shishift ka lang eh, kaso lilipat ka din ng school. Pero ge ays lang, naiintindihan naman kita. Nalulungkot lang talaga kami. Di na tayo buo, wala nang powerpuff girls, wala nang taga tawa sa waley na joke namin. Hahaha. Ang dami ko pa sanang gustong sabihin kaso wag na lang dahil alam mo na naman yun. Ayun, mamimiss talaga kita eh. T.T Wala na ‘kong kakwentuhan tungkol sa kayabangan ni ano, wala na yung babaeng laging napapahiya. Hahaha. Basta ingat ka dun ha, shunga ka pa naman. Dejokelang. Pag kelangan mo kami, itaas mo lang ‘yung Iron man. Hahaha. Susulat ka din madalas ha. Puntahan mo kami lagi sa Lyceum tas pupuntahan ka din namin sa Lasalle. Happy Birthday ulit! Di ako makakapunta mamaya eh, kaya dito na lang ako bumawi. Hahaha. Joke lang. Loveyou <3