3:1
So dapat lastweek pa itong meet up na âto. Tho natuloy naman kami ni Dada, di nga lang naman nakasama si Chester dahil busy sya.
Pumunta dito si Dada para ipa- CAV yung highschool credentials nya. Di na ako sumama sa kanya sa DepEd, nagkita na lang kami sa mall at tumambay. Well, nagbayad utang na din ako kasi natalo ako sa pustahan namen. (Libre nya ko ng large fries pag di kami natuloy kila Chester and vice versa)
Nung nasa mall kami, tntext na namen yung ibang naka duty sa hotel na gusto pumunta. Ayun kasamaang palad walang pumunta dahil malayo daw, tapos yung iba 2ndshift.
Nag text na samen si Chester na pumunta na daw kami sa kanila. Nasa bagong Sta. Lucia kami, on the way sa lumang building nasalubong namen sila Kuya Sho at Rodel. Hahahaha. Gulatan kaming lahat e, may basketball daw sila sa Worlds of Fun, sinabi namen na may inuman kila Chester at kung gusto nila sunod sila after game.
Nagkita na kami sa shell station sa labas ng village nila. Ang sabi nya kay Dada â..akala ko ba chick yung kasama mo?â sagot naman ni dada âbaket chick naman yan ah, chick chick sa taba!â Hahahahaha. (Taena talaga netong dalawa). Pag sakay namen sa kotse nya, bumungad agad saken yun amoy ng car freshener nya. Ganun yung amoy sa Iscreamist, exactly the same. Di ko na sinabi sa kanya na yun ang naalala ko. Pero sabi nya gnun daw yung amoy pag new car. Hahahaha. (Mejo di ko ma take yung amoy)
Pumunta kami ng HyperMarket para bumili ng iinumin. After nun nag jollibee kami. Ang kuripot talaga nun samen, burger steak lang pinakaen samen. Hahahahaha. (Samantalang sa ibang tropa nya sosyalin). Well anyways, kala namen malapet na si jenn kasi nag papahintay, yun pala nasa tropical pa. Ayun nauna na kami.
Nag simula na kami kahit wala si jenn. Pero mamaya dumating din sya. Simula palang nang inuman nag tanong sya agad saken.
Him:âAlam mo na ba nangyari kay mommy?â
Me:âbaket ano nangyari?â
Him: may breast cancer.
Me: kelan pa? Anung stage na?
Him: mejo matagal na, stage 3b. Kasi may nakapa daw syang (his mom) bukol, ayun pinatignan nya agad. Yun meron nya. 3rd chemo na nga nya e.
Me: edi hindi na sya pumapasok? Ano yun naka-leave or nag resign?
Him: leave lang, nung nalaman pinatignan nga rin agad si ate e.
So ayun na nga kwento2 about sa mga pinagdaanan ng mom nya.
And to break the ice, sabi ko na lang na â.. Tigilan mo na kasi pangbababae mo, kahit lilo ka muna.â He was like â..gago hindi yun, kawawa naman si junjun. Diba junjun?â Sabay tawa lahat.
Patago kami uminom nung una, kasi dadating daw yung churchmate nila para i-pray over mommy nya.
Edi ayun kwento-kwento, syempre ang topic namen mga babae. (Well anong asahan ko) 3 is to 1 kami. Kasi 3 silang lalake tapos mag isa lang akong girl.
Pag alis nung churchmate nila, ako na tangera, tapos kwento ALL ABOUT sa mga happenings namen sa hotel, mga kalokohan, kulitan. Basta puro tawanan kami. E si jenn, may pasok talaga.. Kaso umabsent para lang sumama samen. Hahahahaha. Dahilan nya may saken daw sya. Tuloy ang kwento, e yung mga kwento namen wala pa si jenn nun sa hotel..pero tawa sya ng tawa.
Pinaka highlight ng mga kwento namin e yung nag tagaytay kami, antipolo, lalo na yung experience namen nung pumunta kami sa laguna para sa bday ng anak ni Glaiza.
Mukhang lahat kami di makakalimutan yung experience na yun. :)
Malapet na maubos yung 1L na empi, tinamaan na ako.. Mayamaya na ako tayo para nag CR, pero bumili pa kami ng maliit na empi. Hahahahaha. (Yabang ko pa nung una nung 1L lang binili namen sa Hyper)
Halo halo na mga kwento namen may green jokes (Di namen sila nahihiya mag kwento about sa mga âextra curricular adventuresâ nila e pag ako kasama, at sanay na din ako. Hahahaha) about girls, about sa hotel, about sa bahay nila Chester, sa biking nya, ang saya talaga. Laughtrip kumbaga.
Etong Chester, himingi ng candy kay jenn. So nabangit ko yung bigay na lollipop saken ni fhey dati na until now di ko pa kinakain. Sabi ko pa chupachups yun.
Edi umandar na naman sila, tumayo si jenn at Chester at binubuksan yung pants nila, â..ah lollipop ba, oh eto mananawa ka. Hahahaha.â Tawanan naman. Pero syempre tumalikod ako sa kanila. (Mga siraulo talaga!)
Earlier pala, otw na kami kila Chester, nag kwento na naman sya. Lumabas sila nila Lael, Klehm at Joko saktong inuman lang. Ayun, nag check-in, kumuha ng 2 rooms. So nangyari na nga. Tapos niloko nya si joko, palit naman daw.. Aba pumayag! (Hay jusko, talaga nga naman)
Nung kalahati na yung maliit na empi, di na umiinom dada, so 3 na lang kami. Sabay banggit naman âtong Chester na naeâLâ daw sya. (Kingina ang awkward ng pakiramdam ko nun. Hahahaha) anyway, ung konti na lang, siguro 3shot na lang yung natitira, umayaw pa si Chester, so kami na ni Jenn yung umubos.
Ligpitan na!! Nagpahatid kami ni Dada sa may SeaOil sa junction, para madali na lang ako makasakay pag sakay ni Dada ng Crossing. Aba lintek iniwan nga talaga kami, umariba na sila.
Pag kauwi ko, nag text ako agad kay Chester.
Uwian Text Convo.
Me: hoy! Uwi na! Wag na mag side duties pa! May pasok ka pa bukas. :)
Him: opo mommy. quiky lang nmn eh. saglit lang yun. Hahaha.nakasakay na kayo?
Me: quiky pa kau? Bhala kau. Hahaha. Nakauwi na ako c dada nakasakay na crossing. Ingat kau ni hanni pauwi. Hahaha.
Him: haahahaha. Hanni ha. Sasabihin ko yan kay arthur! Hahahaha.
Me: alam nya yun tange. Wag na mag puyat may pasok ka pa bukas. Ingat kayo. (07.04.2014)âš-end of convo-
All in all, masaya naman kahit 4 lang kami. Hahahaha.












