Intindihin mo maigi ‘to
Ikaw, kung babalik ka sa buhay ng taong mahal mo, siguraduhin mong hindi mo siya paaasahin o sasaktan lang. Matindi ka rin eh no, may nagpapasaya na sayo na iba tapos babalik ka pa sa buhay niya? Para ano? Para ungkatin ulit ang sugat na pahilom na? Paasahin ulit ang pusong malapit ng mapagod? Malapit ng maka-move on yung tao tapos babalik-balik ka, sasabihan mo ng “mahal pa rin kita” pero kapag naiipit ka na, bigla ka na lang aalis at mawawala na parang bula. Dahil ano? Wala naman daw karapatan kasi hindi na kayo. Anak ng pitumpu’t pitong tupa naman. Masyadong playing safe eh. Ginagawang fall back option yung isa dahil sa “hindi siguradong nararamdaman”. Mahal? Mahal mo pero hindi mo kayang ipaglaban? Mahal pero hindi kayang bitawan ang “hind kuno na kaligayahan”? Dahil ano? Magulo ang mundo? Dahil natatakot isugal ang nasa harap mo? Pagmamahal ba yan o gusto mo lang bigyan siya ng maling pag-asa at pagmukhaing tanga?
Palibhasa kasi alam mong hindi pa ganung nakaka-recover kaya madali lang sayo magpabalik-balik sa buhay niya. Palibhasa kasi walang “commitment” kaya pwede ka mamangka sa dalawang ilog. Sarili mo lang iniisip mo hindi mo inisip na masasaktan mo ulit siya. Yan kase hirap sa mga tao, may bago na pero hindi pa marunong makuntento. Bago ka masaktan sa mga mababasa mo sana naisip mo muna na may masasaktan ka sa desisyong ginawa mo. Sana naging masaya ka sa pagpapaasa ulit sa kanya. Sana masaya ka kasi malapit na siya sa finish line pero pinabalik mo ulit sa umpisa. SANA MASAYA KA SA GINAWA MO SA KANYA. SANA MAINTINDIHAN MO ANG SINASABI AT NARARAMDAMAN NIYA.






