LIFE IS..
The tagalog of pencil
Monterey Bay Aquarium

tannertan36

pixel skylines
occasionally subtle
noise dept.
🪼
The Stonewall Inn
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Cookie Run:Kingdom Official!

Origami Around
Fai_Ryy
Not today Justin

blake kathryn
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
Noah Kahan
official daine visual archive
★
EXPECTATIONS

Product Placement
macklin celebrini has autism
seen from Indonesia

seen from Colombia

seen from Netherlands
seen from Chile

seen from Argentina

seen from France
seen from Netherlands
seen from United States

seen from United States

seen from Malaysia
seen from South Korea
seen from India

seen from Türkiye
seen from Venezuela
seen from United States
seen from United States

seen from China

seen from Moldova
seen from Brazil
seen from United States
@jkftpo-blog
LIFE IS..
The tagalog of pencil
Ung Feeling Na..
nagbrake bigla si manong drayber!
“Ayy, Law of INERTIA!"
walang kasinungalingan dito!
Ako: Ate pabili po ng pain reliever
Tindera: Ilang pain reliever?
Ako: Isa lang po, Ako lang naman nasaktan saming dalawa.
Ang Gusto kong...
MUSIKA NGAYON!
Ibabahagi ko sa inyo ngayon ang magugustuhan kong mga musika ngayon. Halo-halo ito! May OPM, K-POP, American Music at J-OST!
· K-POP
o Playing with Fire – BLACKPINK
o L.I.E – EXID
o Lucky One – EXO
o Monster – EXO
o Sing for You – EXO
o Destiny – Lovelyz
o Once Again – NCT 127
o Switch – NCT 127
o Without You – NCT U
o Dumb Dumb – Red Velvet
o Ice Cream Cake – Red Velvet
o One of these Nights – Red Velvet
o Red Dress – Red Velvet
o Time Slip – Red Velvet
o Russian Roulette – Red Velvet
o Check-In – Seventeen (Hip Hop Unit)
o TT – Twice
o Very Very Very – I.O.I
o Love Paint – NU’EST
o Thank You – NU’EST
o All In – MONSTA X
o Awake – BTS
o Wings – BTS
o Butterfly – BTS
o Lie – BTS
o Blood, Sweat and Tears – BTS
o Very Nice – Seventeen
o In the Same Place – Produce 101
o BeBe – WSJN
o Secret – WSJN
o Step – Kara
o On the Road – DIA
o Somehow – DIA
· American Music
o Honeymoon Avenue – Ariana Grande
o Sit Still, Look Pretty – Daya
o Middle – DJ Snake ft. Bipolar Sunshine
o Ugly Heart – G.R.L
o Starving - Hailee Steinfeld ft. Grey and Zedd
o Shout Out to my Ex – Little Mix
o Alone – Marshmello
o Someday – Michael Bublé ft. Meghan Trainor
o Kids – OneRepublic
o Strangers – Seven Lions, Myon and Shane 54 ft. Tove Lo
o All We Know – The Chainsmokers
o Inside Out – The Chainsmokers
o Roses – The Chainsmokers
o Closer – The Chainsmokers
o Can’t Help Falling in Love – twenty one pilots (Cover)
o Waterfalls – TLC
o Say My Name – Destiny’s Child
o My Heart Will Go On – Celine Dion
o I Want it that Way – Backstreet Boys
o Beautiful – Christina Aguilera
· OPM & J-OST
o Paano na Kaya – Bugoy Drilon
o Ika’y Akin Lamang – First Circle
o Sadness into Kindness – PelleK and Raon (Cover)
Mapapansin niyo na ang dami ng sa K-POP. WAla na tayong magagawa dun. HAHAHAHAHA. Tapos baka sabihin niyo: “Di mo naman naiintindihan eh.” Totoo naman HAHAHAHA. Mapapansin niyo din na may mga luma at sobrang luma na mga musika sa American Music na listahan ko. Wala eh. Maganda eh. YOUUUUUUUU’RRRRREEEEEEEEE HHHEEEEEEEEERRRRRRREEEEEEEE~ Ang konti ng sa OPM at J-OST no? Madami pa talaga akong mga alam diyan kaso nakalimutan ko na yung mga pangalan ng kanta HAHAHAHAHA. Ibahagi niyo yung tipo niyo sa musika sa aking ask box o di kaya ay mag-comment or mag-reblog kayo!
English movie tittle na hindi dapat i-translate sa tagalog:
1. Black Hawk Down - Ibong Maitim sa Ibaba
2. Dead Man’s Chest - Dodo ng Taong Patay
3. I Know What You Did Last Summer - Uyy… Aminin!
4. Love, Actually - Sa Totoo Lang, Pag-ibig
5. Million Dollar Baby - 50 Milyong Pisong Sanggol (depende sa exchange
rate)
6. The Blair Witch Project - Ang Proyekto ng Bruhang si Blair
7. Mary Poppins - Si Mariang May Putok
8. Snakes on a Plane - Nag-ahasan sa Ere
9. The Postman Always Rings Twice - Ang Kartero Kapag Dumutdot Laging
Dalawang Beses
10. Sum of All Fears - Takot Mo, Takot Ko, Takot Nating Lahat
11. Swordfish - Talakitok
12. Pretty Woman - Ganda ng Lola Mo
13. Robin Hood, Men in Tights - Si Robin Hood at Ang Mga Felix Bakat
14. Four Weddings and a Funeral - Kahit Apat na Beses ka Pang Magpakasal,
Mamamatay Ka Rin
15. The Good, the Bad and the Ugly - Ako, Ikaw, Kayong Lahat
16. Harry Potter and the Sorcerer’s Stone - Adik si Harry, Tumira ng Shabu
17. Click - Isang Pindot Ka Lang
18. Brokeback Mountain - May Nawasak sa Likod ng Bundok ng Tralala
/Bumigay sa Bundok
19. The Day of the Dead - Undas
20. Waterworld – Pista ng San Juan
21. There’s Something About Mary - May K’wan sa Ano ni Maria
22. Employee of the Month - Ang Sipsip
23. Resident Evil - Ang Biyenan
24. Kill Bill - Kilitiin sa Bilbil
25. The Grudge - Lintik lang ang Walang Ganti
26. Nightmare Before Christmas - Binangungot sa Noche Buena
27. Never Been Kissed - Pangit Kasi
28. Gone in 60 Seconds - 1 Round Lang, Tulog
29. The Fast and the Furious - Ang Bitin, Galit
30. Too Fast, Too Furious - Kapag Sobrang Bitin, Sobrang Galit
31. Dude, Where’s My Car - Dong, Anong Level Ulit Tayo Nag-park?
32. Beauty and the Beast - Ang Asawa ko at ang Nanay Nya
33. The Lord of the Rings - Ang Alahero
34. Die Hard - Hindi Mamatay-matay
35. Die Hard, With A Vengeance - Hindi Na Mamatay-matay, Nag-higanti Pa
35. Lost In Space - Mga Tangang Naligaw sa Kalawakan
36. Paycheck - Sweldo
37. What Lies Beneath - Ang Pagsisinungaling sa Ilalim
38. Superman, The Return - Si Superman Bumalik, Naiwanan Ang Brief
39. Cinderella Man - Bading si Cinderella
40. Charlie and the Chocolate Factory - Nag-trabaho si Charlie sa Goya
41. Blade Runner - Magnanakaw ng Labaha
42. Schindler’s List - Mga May Utang kay Schindler
43. Men In Black - Mga Lalaking Namatayan
44. X-Men, The Last Stand - Mga Dating Lalaki, Huling Tinayuan
45. Wedding Crashers - Mga Bwiset sa Kasal
46. The Day After Tomorrow - Sa Makalawa
47. Three Men and a Baby - Ang Tatlong Yayo
48. Catch Me If You Can - Habulin Mo ‘Ko
49. A Bug’s Life - Ang Buhay ng Isang Surot
50. Die Another Day - Mamatay Ka Uli Bukas
51. The Rock - Ang Shabu
52. Jaws - Panga
53. Back to the Future - Sa Likod ng Hinaharap
54. In the Line of Fire - Tumulay ka sa Alambreng may Apoy
55. Saturday Night Fever - Sabado ng Gabi, may Trangkaso
56. Stepmom - Tapakan si Inang
57. Brother Bear - Kuya Oso
58. Police Academy - Paaralan ng Mga Buwaya
59. The English Patient - Ang Pasyenteng Inglesera
60. Man on Fire - Nasusunog na Mama
61. The Horse Whisperer - Ang Tsismoso ng mga Kabayo
62. Dante’s Peak - Ang Bumbunan ni Dante
63. Legends of the Fall - Ang Kasaysayan ng mga Lampa
64. The Forgotten - Ewan
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA anuna
SA LASALLE:
Ang ganda sa Lasalle! Pagusapan natin yung kapaligiran. ANG DAMI NG PUNO AT HALAMAN! Nakakatuwa na andaming puno kaya presko yung hangin kapag mahangin. Ang linis rin sa mga litrato na nakuha ko. Ang galing kasi may pakialam sila sa kalikasan! May Hardin pa sila na may mga paru-paro! Tapos may Botanical Garden pa na pwedeng lakaran. Hindi rin mawawalan ng basurahan! Halos kada isang daang metro ay may basurahan kaya konti lang ang mga kalat sa daanan at mas nasasanay yung mga estudyante na huwag magkalat.
Ganun din sa dati kong paaralan eh. Napapalibutan rin ng mga puno at halaman. Pati nga yung isang gusali sa gilid ay may mga pumupulupot na halaman sa mga pader. Yung pangalawang litrato yung dati kong paaralan! (Di ako yung kumuha ng litrato.)
Ngayon, tungkol naman sa mga gusali at ang mga itsura at disenyo nito. GRABE! Yan talaga yung reaksyon ko nung una kong nakita yung mga gusali. Ang gagaling nung mga nagtayo at nagdisenyo! Tulad na nung ERS o yung Electronic Resource Services. Ang ERS ay ang namamahala sa paggamit ng mga kompyuter para gumawa ng mga asaynment, magsaliksik at iba pa. Meron din silang koleksyon ng mga pelikula at mga silid na ginagamit sa mga pagpupulong at mga pag-aaral. Ang disenyo ng ERS ay hawig sa bahay ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Ang isa pa ay yung kopya ng mga bahay ng mga mayayaman nung panahon pa ng pananakop ng mga Kastila sa PIlipinas. Nagsilbi na itong museo at ipinapakita nito ang mga bagay na ginagamit ng mga mayayaman noon at sinamahan pa ito ng mga estudyanteng nagsilbing gabay para mas mapalalim pa ang kaalaman namin.
Balik tayo sa usapang kalikasan! Sinabi sa amin na BAKA magkaroon kami ng proyekto na kung saan magrerecycle at magtatanim kami ng sabay! Hindi pa naman yun sigurado pero kung gagawin talaga yun, edi maganda! Makakatulong pa kami sa kalikasan!
Kahapon:
Nanuod kami kahapon sa sinehan! Nagyaya si Ate Bianca (dati kong kaklase sa dati kong school) na manuod ng Fallen. Apat lang kaming nanuod. Si Ate Bianca, Sam (kaklase niya), si Nath (yung nasa litrato sa itaas), at ako. Pero siyempre dahil iba-iba yung ginagawa naming, edi di kami sabay-sabay pumunta doon at naghintayan na lang kami sa Starbucks. Sayang at kami lang nakapanuod! Masaya sana kung nandun din mga dati kong kaklase. Pero tungkol sa pelikula, maganda naman kaso nakakabitin! Tapos medyo nakulangan ako sa Character Development (pagdebelop ng mga tauhan sa pelikula)! Parang biglaan kasi yung ibang pangyayari. Pero para makasunod kayo storya ko, bibigyan ko kayo ng maigsing balangkas tungkol doon. Tungkol sa mga anghel ang pelikula! Nagkaroon daw ng digmaan sa kalangitan noon at may mga fallen na anghel at may tatlong pwedeng mangyari. Pwede silang pumanig kay satanas, pwede silang pumanig sa diyos at may isang rebel angel na walang papanigan dahil gusto nitong magmahal. Nahalo yung ideya na yun sa modernong panahon. Pero sinabi ni Ate Bianca na apat na libro daw yung istorya na yun at unang libro pa lang yung pelikula na pinanuod namin. Naghanap ako sa Google, at sabi ay pinagplaplanuhan na yung pag-fifilm sa tatlo pang pelikula na base sa tatlo pang libro at isang pelikula na base sa isang spin-off o yung pandagdag lang ng dating ng pelikula. Hays! Madadagdagan na yung mga papanoorin ko sa susunod na mga taon! HAHAHAHA.
Pagtapos naming manuod, nag-take-out kami sa McDonalds kasi hindi kami nakakain ng lunch ni Nath. Tapos si Ate Bianca at yung kaklase niya ay nauna na kasi pupunta pa sila sa National Bookstore at may pupuntahan pa sila siguro. Edi nakuha na naming yung binili naming. Tapos habang naglalakad na kami kumain. Tapos mali yung nalabasan naming pero may mga jeep naman dun so binaliwala naming na mali. Tapos walang pa-Imus so naglakad kami papunta sa labasan sa harap. Pero naka-stop yung sign ng guard pero di nakita ni Nathalie so tuloy-tuloy siyang naglakad pero nahila ko naman siya bago pa man umandar yung mga sasakyan. Akala tuloy nung guard na magkarelasyon kami AHAHAHAHA. Edi yun, tawa kami ng tawa habang naglalakad.
Tungkol sa Akin!
Pangkalahatang Impormasyon:
· Justin Kyle Francisco Trono ang buo kong pangalan.
· Ipinanganak ako noong ika-23 ng Disyembre, taong 1999.
· Ibig sabihin nun 16 pa lang ako! Ang tagal ng paghihintay para dumating ang karawan!
· Nasa 5”2 o 5”3 siguro ako. Pahingi po ng katangkaran!
· Tiga-Dasma ako nung bata pa ako pero lumipat kami sa Imus noong 2007 ata.
· Pero nung mga isa o dalawang taon pa lang ako, nasa probinsya muna ako. Nag-iipon kasi sila Mama nun ng pera. Kaya yung mga nag-alaga sa akin nun ay mga kapamilya ko sa panig ng aking nanay.
· Ang dati kong school ay Ann Marris Montessori School sa loob ng Golden City, Imus, Cavite.
· Nagsimula akong mag-aral doon nung 2005 noong nasa Preparatory na lebel na ako. Yung Preparatory Level ay yung kasama sa pre-school at ito yung huli na lebel bago tumungtong sa elementarya.
· Yung mga seksyon roon ay mga scientist ang gamit. Ito ang mga nagging seksyon ko: Prep-Daphne, 1-Archimedes, 2-Copernicus, 3-Darwin, 4-Faraday, 5-Hooke, 6-Lister, 7-Moseley, 8-Pasteur, 9-Rutherford at 10-Watt.
· Grabe no? Mahigit 11 taon ako sa paaralan na yon! Kaya nabigyan tuloy ako ng dalawang Loyalty Award.
· Nung nasa elementary ako, wala akong Honors o Tops man lang. Ang honors at tops ay binibigay sa mga estudyanteng nagsikap mag-aral.
· Pero nung high school na ako, nagsikap akong makabalik sa honors at tops at nagtagumpay naman ako.
· Madalas na may mga okasyon sa aming paaralan noon kaya madalas rin ako nakakasali sa mga pagsayaw! Aaminin ko na di ako magaling sumayaw pero nakakasaya naman habang ginagawa ko yun.
· Pero siyempre, di mawawala yung mga nakakahiya na pangyayari sa high school! Tulad nung napakanta ako sa isang pang-paskong pagdiriwang naming nung 2013. Walang kaemo-emosyon pagkanta ko nun kasi may stage fright ako noon. Ang stage fright ay nangyayari kapag ‘di ka na makagalaw ng ayos o makagawa man ng kahit ano dahil sa kaba at hiya dahil nasa harap ka ng madaming tao.
· Pero dahil nasa loob ng subdivision yung school namin, ‘di ito gaano kalaki at ‘di ganon kadami ang mga estudyante. Pero parang nagging maganda epekto nito! Kasi madaling makipagkaibigan sa kahit kanino man!
· Isa pang rason kung bakit masaya sa dati kong paaralan ay yung dami ng mga pagdiriwang! Halos buwan-buwan may isinasagawa na pagdiriwang. Nakakamiss tuloy!
· Ngayon naman, lumipat ako sa De La Salle University – Dasmariñas para makakuha ng bagong karanasan at para makakilala ng mga bagong kaibigan.
· Pero sa totoo lang, kapag nasa bago akong lugar, nahihiya ako. Tahimik ako tapos magsasalita lang ako kung may kakausap sa akin. Pero ngayon, ka-close ko na halos lahat ng kaklase ko!
· Ako ay nasa STEM-ICT12! Adviser namin si Ma’am Nerissa Monzon!
Karagdagang Impormasyon:
· Mahilig ako sa MATATAMIS at MAALAT! Tulad ng Keyk, Juice, Quek-Quek, Waffle, Tsokolate at iba pa.
· Wala akong kayang gawin na isports! Kahit basketball man lang! HAHAHA.
· ‘Di ako palabas ng bahay! Pero nung medyo bata pa ako, lumalabas pa ako kasi may mga kalaro pa ako.
· Kaya kapag walang pasok, nanunuod lang ako ng mga bidyo ng musika at mga drama.
· Ang gusto kong dyanra ng musika ay K-POP! Nagsimula ako nung 2012 nung naririnig ko yung mga pinapatugtog ng kaklase ko. Kaya kung fan ka rin, Hi sa iyo!
· Pero siyempre nakikinig pa rin ako ng musikang Pilipino at Ingles.
Salamat sa pagbasa hanggang dito! Maari rin kayong magbahagi ng inyong mga opinyon o kung ano man ang inyong nais.
UNANG NILALAMAN
Eto ang simula ng aking blog! Ang blog ay websayt o sityo sa web na parang isang talaarawan. Ang saya sa pakiramdam. Parang nakakasabik! Pero sa totoo lang…di ito yung unang blog ko. Pero dun sa isa ko pang blog, di rin naman ako nagpopost. Puro re-blogs lang. Kaya ito talaga yung una! Susubukan mag-update ng madalas para hindi masayang itong account ko! At susubukan ko na rin makipagkilala sa iba pang bloggers! Kahit dayuhan o Filipino rin!
Mga pangyayari kahapon!
Nasa school kami para mag-video ng tungkol sa mga pangyayari tulad ng pagsabog ng bulkan. Kasama sa video namin yung kung ano ang dapat gawin bago ang pagsabog, habang sumasabog at pagkatapos ng pagsabog. Pero siyempre hindi kami yung unang gumawa ng ganito. Hindi ako ganun kasanay sa video kasi medyo nakakalimutan ko yung mga dapat sabihin eh. Kaya ang dami ng retakes namin. Kaya medyo nakakahiya kay Emman kasi siya yung nagvivideo. Kapag natapos namin, ibabahagi ko sa inyong mga followers ko at kung may oras kayo, panoorin niyo!
Pagkatapos nun, sinabihan ako ng aking tatay na pumunta ako sa Robinson’s Imus para doon kami kumain. Pero galing pa siya sa trabaho nun kaya mas mauuna ako. Kaya pumunta muna ako sa arcade dun. Dumalas na nga pag-punta ko sa arcades eh! Meron kasing mall na malapit sa amin. Kaya minsan kapag galling sa school, dumidiretso kami dun. Nag-kakaraoke lang naman kami dun. Ang saya saya kapag kumakanta kami kasi walang masyadong hiyaan. Pero aaminin ko na ‘di ako magaling kumanta. Pero ang totoong habol ko talaga sa arcades ay yung Claw Machines.Ang claw machines ay mga makinarya na ang layunin eh makakuha ng premyo tulad ng laruan. Nasubukan ko na halos lahat ng mga claw machine dun kaso sa kasamaang palad, wala akong nakuha. Kaya sa mga larong may ticket na lang ako naglaro. Masaya naman kasi nadagdagan iniipon kong tickets kaya naka 2,129 na tickets na ako! Dumating yung tatay ko nung ipapadagdag ko na yung tickets. Siguro kukuha na ako ng prize sa susunod na bisita ko dun.
Tapos ayun! Kumain kami sa Greenwich. Ang Greenwich ay isang kainan na ang pinakakilala sa kanila ay ang pizza nila. Umorder yung tatay ko ng isang buong hawaiian pizza tapos isang pitsel ng pineapple juice. Gusto ko yung Hawaiian na pizza kasi di masyadong marami yung nginunguya. Naka-lima o anim yata ako na pizza kasi di naman ako nakakain ng ayos nung tanghalian.
Tapos nung uwian na! Sa bus na walang aircon kami sumakay. Nasubukan ko na sumakay kanina sa bus na walang aircon! Di naman ganon kainit kasi bukas naman halos lahat ng bintana at pagabi na kaya medyo malamig na. Pero ang iigsi ng agwat ng bawat upuan kaya medyo masikip. Kaya siguro mura yung pamasahe sa ganong bus at kung bakit mahal sa mga naka-aircon na bus. Tapos grabe bumaba yung ibang pasahero! Tumatalon yung iba kapag baba na sila pero hindi pa naman ganon kabilis yung takbo ng bus pero nakakatakot pa rin yung ganun! Baka mamaya masubsob ka pa.