S E M E S T R A L B R E A K
36 hours ago ko na 'to natype. Gusto ko na sana 'tong burahin kaso gusto ko ring itabi parang diary. Kaya naisipan kong dito nalang sa tumblr ilagay hehe :)
October 27, 2014
Eto, mag-isa sa bahay. Nakabukas ang laptop, tv, tablet at electricfan para di mabored.
Sembreak is fun. Kasi walang klase, walang teachers, walang seatworks, walang quizzes. In short, walang stress!
But at the same time, sembreak is boring. And I MEAN IT.
Buti kung magkakapitbahay lang kayo ng mga kaibigan mo.
Edi tambay dito, tambay don. Movie marathon all day long. Food trip anywhere, anytime. And those unexpected gala moments.
Hay nako, swerte nung iba jan na ganyan ang eksena ngayon.
Kasi yung iba, like me, walang ibang kasama kundi si gadget, internet, pagkain.
Oo masaya kasi may pagkain, pero iba pa rin yung may kasama kang magfoodtrip. U get me?
Tapos eto pa eksena tuwing sembreak. Panay ang aya ng mga kaklase mo na swimming, gala, nuod sine.
Pero asahan mo, hindi matutuloy yan. Either hindi magkasundo sa date.
"May pupuntahan ako nun eh, ibang araw na lang." "May family outing kami, kinabukasan pwede?"
Magkakatamaran, *insert any reason here*
At syempre, walang pera. "Wala akong pera eh, libre ba?"
Tulad ng mga kaklase ko ngayon. Nung una, nagkaayaan sila na pumunta sa iisang bahay. Pero walang pumunta.
Sumunod naman, nag-aaya ng swimming. Sumige naman sila. Pero wala ng update ngayon sa swimming kung tuloy o hindi. Kung kailan at anong oras.
Tapos ngayon, nag-aaya magsine. Let's see kung matutuloy o hindi. Let's see kung may talkshit. Haha!
This days, I should've missed my classmates already. Ewan ko ba kung bakit hindi pa.
Siguro kasi it's just 4 days nung huli kaming nagkita-kita.
Ewan ko ba kung bakit yung iba, isang araw lang di nagkita-kita, nagkakamissan na agad.
Miss ba talaga? O eme lang? *ehem* anyways, di ko pa rin miss mga kaklase ko.
Siguro konti. Kasi right now, gusto kong magpunta sa bahay ng kaklase ko. Tapos mag-aaya pa ng iba. Para magmovie marathon at foodtrip at the same time.
Gusto ko lang mag-enjoy. Magchill. Masyado na kasing stress yung mga nangyari nung nakaraan eh.











