Directions kung pano makakapunta ng Max’s Scout Tuazon branch sa Tomas Morato:
I guess halos lahat naman sainyo, alam kung paano sumakay ng MRT/LRT diba? I’ll just give directions na maguumpisa sa mga stations ng MRT/LRT, or mga usong landmark na alam niyo. Maraming ways para magcommute papunta sa Max’s Tomas Morato, but I’ll give directions na madaming landmark para di kayo maligaw.
A. Roosevelt/Muñoz station (LRT1)
1. From Walter Mart, tanong niyo kung san yung sakayan ng jeep papuntang Fisher Mall. Most probably, mga didiretso ng Quiapo or España yung mga jeep so para di kayo maligaw, baba kayo sa Fisher Mall.
2. From Fisher Mall, hanapin niyo yung overpass na pinakamalapit sa SOGO Hotel na may Jollibee sa baba.
3. Yung street na nasa gitna ng Jollibee and 7Eleven, yun na yung Roces Ave. tapos hanap kayo ng jeep dun na papuntang Cubao. Para Sure, ang nakalagay sa route nung jeep is Patranco/Roces - Cubao.
4. Ask the driver kung dadaan ba sila ng Scout Tuazon para sure.
5. If ever na hindi naman kayo sure kung saan kayo papara, pinakausong landmark sa Tomas Morato na madadaanan nung jeep is McDonald’s.
Alam ko may jeep na masasakyan dito na byaheng Project 2-3 or dadaan ng Tomas Morato, but if ever na wala kayong alam sa mga lugar na yun, it’s safer na dumiretso nalang kayo ng Fisher mall or Araneta Center Cubao (Gateway/Farmer’s Plaza).
C. Cubao Station (LRT2 and MRT)
1. Sa Gateway, malapit sa LRT2, sakay kayo jeep papuntang Patranco, then baba kayo sa Scout Tuazon, and if di niyo alam, again, sa McDonald’s Tomas Morato nalang.
2. When in doubt, huwag mahiyang magtanong sa mga security guard, or kung sino mang hindi mukang hindi katiwa-tiwala kung saan sakayan ng jeep papuntang Patranco.
D. Kamuning Station (MRT) / Kamuning / Kamias Road
1. Jeep papuntang Patranco, then baba kayo sa Scout Tuazon, and if di niyo alam, again, sa McDonald’s Tomas Morato nalang.
1. Sumakay ka doon ng jeep papuntang Quiapo.
2. Baba ka sa may Timog at sumakay ka ng jeep papuntang Proj 2&3 at dadaan yan ng Sct Tuason pero maglalakad ka nga lang papunta sa Max’s.
3. Pwede ka din mag tricycle or taxi from Q Ave tapos diretso na sa Max’s Scout Tuazon baba mo.
Para sa mga taga di ko alam kung bakit ko pa ipopost to, basta if ever MRT/LRT lang naman para madali:
Cavite - Bus papuntang Pasay Rotonda, tapos MRT papuntang Cubao, tapos instructions sa taas.
Alabang / Las Piñas - bus papuntang Lawton or Cubao, tapos bahala na kayo dumiskarte sa MRT/LRT
Bulacan - punta kayong Trinoma/SM North or sa Caloocan.
Caloocan - may LRT sa Monumento, duh -___-
Others - TA nalang kayo, ako na bahala sa diskarte niyo. Ganun naman talaga eh, ihahain mo na lahat ng pwede mo ibigay, para madaling maunawaan, pero hihingin padin kung anong natitira sayo. Okay lang, sanay na naman ako.
Medyo malayo ang lalakarin pag sa McDo kayo bumaba, pero landmark lang yun kung sakaling maligaw kayo.
When in doubt, huwag mahiyang magtanong.
Kung rich ka, magtaxi ka nalang.