Julie Anne Jose still waiting for her chance to stage major concert in a bigger venue
Unang beses daw na makasama ni Julie Anne Jose si Marian Rivera sa weekly musical-variety show na Marian.
Kumusta naman katrabaho ang Kapuso Primetime Queen?
Sagot ni Julie Anne, âOkey naman po, sobrang saya.
"Siguro twice in two weeks po ang taping namin.
"More on singing naman ako dun, minsan dance din.
âFirst time talaga to work with her⊠Iâve been wanting to work with her.
"And I think, this is one of the opportunities na talagang hinding-hindi ko ire-regret.
"Kasi before talaga, gustung-gusto kong makatrabaho siya.
âNow that I am given the chance to work with her in one show, sobrang masaya talaga ako.
"Kasi, yun, aside sa sumasayaw, may hosting din na nagaganap.
"Itâs really, really funny.â
Gusto rin ba niyang magkaroon ng sariling show na tulad ngMarian?
âHopefully⊠I donât know, letâs see. Siguro kung may pagkakataon,â nakangiti niyang sabi.
Nakausap nga ng PEP.ph (Phillipine Entertainment Portal) si Julie Anne sa opening ng Morellato jewelry store sa Shangri-La Mall noong July 22.
MAJOR CONCERT?Bukod sa GMA shows naMarian,Sunday All Stars, atPepito Manaloto, abala rin ngayon si Julie Anne sa pagpu-promote ng kanyang second album.
Posible rin daw na magkaroon siya ng major concert ngayong taon.
âYun po ang pinag-uusapan ng management, sa November daw po.
"Hopefully po, matuloy siya.Â
"Yung last ko pa pong concert, last year po, sa Music Museum.â
Mas malaking venue na ba ngayon?
âHopefully, weâre still talking about it.â
Handa naman na siya kung sakaling mas malaking venue ng concert niya, tulad ng Smart Araneta Coliseum o MOA Arena?
Sagot ni Julie Anne, âSiyempre, hindi naman mawawala ang kaba, but still, you know, we have to take risk sometime.â
Nakakasiyam na Platinum na ang debut album niya kaya may mga nagkokomento na bakit pagdating sa concert, hanggang Music Museum lang daw siya.
Samantalang yung ibang singers na hindi kalakihan ang album sales ay nakakapag-concert sa malaking venue.
Saloobin ni Julie Anne tungkol dito, âYeah, sometimes it gets to me na parang sinasabi nila na naka-nine times Platinum, pero hindi pa nag-a-Araneta.
"Pero sa management po talaga, pinag-uusapan po talaga, and itâs all about the right timing din.â
Hindi naman daw siya frustrated.
âNo, kasi Iâm really enjoying what Iâm doing right now.â
Naniniwala raw siya sa right timing.
"We donât have to rush naman talaga."
Dagdag pa niya. âStill, itâs part of being a real artist na kailangan mong mag-grow sa craft mo, sa ginagawa mo.â
SOLO ACT.Pagdating naman sa teleserye, wala pa raw siyang alam, pero gusto raw niyang makagawa muli.
Ang huling ginawa niyang soap ay angKahit Nasaan Ka Mankatambal si Kristoffer Martin.
Nagkaroon din ng maraming following ang loveteam nila ni Elmo Magalona noon, lalo na sa social media.
Wala na bang planong pagtambalin silang muli?
âWell, yun nga po, I think, hindi po siguro possible. Heâs with Janine [Gutierrez],â sabi ni Julie Anne.
Mas gusto ba niyang mag-loveteam o solo na lang siya?
âSiguro, Iâll leave it at that. I want to be on my own in the meantime.
"Kasi ito yung phase na parang gusto kong mag-grow para sa sarili ko.
"Tapos na yung pa-tweetums stage, e, tapos na yun.Â
"But then, you know, Iâm not closing doors naman.
"And Iâm open to any possibilities na kahit naman sino makatrabaho ko, makakatrabaho ko rin, âdi ba?
âAt saka, wala naman akong problema, kahit sino, puwede.â
Kung sakaling pamiliin siya ng network sa tatlong lalaking naugnay sa kanyaâsina Elmo, Kristoffer o Alden Richardsâsino ang pipiliin niyang makasama?
âI donât know, I donât know⊠maybe a newbie will do.Â
"Siguro kung possible man, yung bago.
"Kumbaga kasi, nakatrabaho ko na sila, so why donât I try another.Â
"At saka, nag-iikutan lang âyan, e. Nag-iikutan lang, âdi ba?
âKumbaga, ayaw ko rin naman na masanay o ma-stuck sa isa lang.
"Since this is showbiz, I should get to explore or work with other people rin."
photo & article via pep.ph
iâm definite youâll conquer a bigger concert venue soon. ;)