Mahal hihinga lang ako saglit Ilalabas ko lang ang galit Yung mga ngiting pilit Ayoko nang ipilit Mahal hihinga lang ako Para kalimutan ang mga pangako Mga salitang napako Na tila'y parang kutsilyo Paulit ulit na parang tayo Sumasaksak sa puso't isipan ko Mahal magpapahinga na ako Ayoko ko ng umulit pa Ng mga bagong pahina Pero kung ikaw rin naman ang kasama Sana tapusin na Hindi dahil hindi kita mahal Ngunit dahil mahal na mahal kita Palayain na natin ang isa't isa Mahal, ayoko na Sapat na ang sakit Na nadulot natin sa isa't isa Sapat na ang luha Wala na muling magbabadya Sapat na ang mga salita Maglalaho na, parang bula










