Dear Puso,
Oo ikaw. Alam na man natin pareho na natagal ka nang nagmamahal. Matagal ka nang tumitubok para sa isang taing hindi naman kayang suklian an pagmamahal na nararamdaman mo para sa kanya. Kaya ngayon pakiusap. Itigil mo na yung pagmamahal na meron ka para sa kanya. Dahil masasaktan at masasaktan ka lang. Hindi ikaw ang gusto nya. Hindi ikaw ang pag ibig nya. At hindi ikaw ang kokompleto sa pagkatao nya. Bigyan mo na man ng kunti pagmamahal sarili mo. Tama na. Dahil ako. Pagud na pagod na akong mag antay na isang araw babalik sya at mamahalin nya ulit ako. 😥 move on na tayo ha? Kaya natin to. Tiwala lang. Hindi natin kelangan gumamit ng ibang puso para makalimot sa una nating minahal. Siguro, kaylangan lang natin ng panahon para mabuo ulit tayo. Kaylangan lang natin ng kunting panahon para matanggap na hanggang doon na lang yun. Kaylangan lang natin ng panahon para makaahon at matanggap na hindi naman sa lahat ng oras kaylangan natin ng pagmamahal galing sa ibang puso o sa kanya mismo. Kaya pakiusap ko lang din. Kunting panahon na lang matatanggap din natin na okay na tayo kahit wala sya. 😥













