"There is more to life than Love"
sabi ni pareng Ramon Bautista.
Pero, gusto kong i-modify ito kaunti.
"There is more to life than Romantic Relationships"
Hindi ba't mas ok? Nothing is better than Love. Binigay nga yan ni Lord sa'tin unconditionally eh. Pero pag usapan natin ang ibang uri ng Love.."romantic love".
Kapag eto ang topic, parang lahat ng tao interesado. Aminin! Lalo na ang mga (PBB) Teens. Mga kabataan. Mga tulad ko.
Oo, ako rin dati akala ko ang saya saya magkaron ng ka-relasyon. Parang ang sarap ng kayakap sa gabing malamig, may laging mag aalala sayo at kung anu ano pang chuwariwap. Masaya nga naman. Masarap magmahal. Masarap umibig. Wala namang masama eh. Pero ang mahalaga ay ang "tamang oras".
13 yrs. old ka pero pinoproblema mo yung crush mong hindi ka pinapansin? 16 yrs. old ka at sinagot mo yung manliligaw mo kasi lahat ng kabarkada mo eh may mga karelasyon na rin? 22 yrs old ka pero pumayag ka nang isuko ang iyong Bataan kasi sabi ng boypren mo patunay iyon ng iyong wagas na pag-ibig? Blehhhhh.
Ang dami dami kong nakikita sa Facebook..sa Twitter..dito sa Tumblr..sa school at kung saan saan pa..lagi nalang pinoproblema ang pag ibig. Ang nakakaloka lang ay, halos ka-edad ko lang o mas bata pa sakin ang mga taong ito.
Uulitin ko, HINDI MASAMANG UMIBIG ngunit DAPAT ITONG ILAAN SA TAMANG PANAHON AT SA TAMANG TAO.
Bakit ba lagi nating minamadali ang mga bagay bagay? Noong bata pa ko, ayokong natutulog kapag tanghali, ngayong kolehiyo na ako, gagawin ko para lang makatulog ng maayos. Dati, gustong gusto ko na makatapak ng kolehiyo para magawa ko na ang gusto ko pero ang hirap pala. Dati, gustong gusto kong makahanap ng magiging Popoy ng buhay ko.
Pero ngayon, nag bago na ang lahat. Isang sampal ng realidad, at ito na ko ngayon. Kanya kanya naman tayo ng purpose sa buhay diba? Para sa akin, ang purpose ko ngayon ay mag aral ng mabuti at maka-graduate.
Walang masama sa pag mamahal ng isang tao. Paulit ulit kong sasabihin sayo, kung sino ka mang nagbabasa nito. Pero tandaan mong mas marami ka pang dapat problemahin kesa sa lalakeng/babaeng bumasag ng puso mo.
Sabi nga ni Sir Ramon Bautista, mag aral daw muna tayo. Tama yon. Problemahin mo muna kung magiging regular ka pa o madedelay ka na. Isipin mo muna yung problema sa pamilya mo na sobrang tagal nang hindi nareresolba. O kaya naman, pagtuunan mo muna ng pansin kung ano ba talagang mahalaga sa buhay mo ngayon.
There is more to life than romantic relationships. Mas bagay siguro sabihin ito sa mga kabataang tulad ko. Wag magpadalos dalos mga iho't iha. Darating din tayo dyan. Maging halaman muna tayo. :))
Always remember: God loved us first. God is always on time. God never fails. ;)