"Ang aking paniniwala"
Tayo ay may iba't-ibang paniniwala o relihiyon na ating isinasabuhay. Mga relihiyong nagsisilbing gabay natin sa ating buhay.
Ako nga pala ay isang Seventh-day Adventist O SDA. Ito ay isang relihiyon na nagsisimba sa araw ng Sabado dahil naniniwala kami na ang ika-pitong araw ay ang araw na tayo ay dapat magpahinga at ipraise ang Panginoon at ang araw na ito ay Sabado. Ang aming relihiyon ay naniniwala sa ikalawang pagbabalik ng ating Panginoon dito at kami rin ay naghihintay na dito.
Ang mga turo sa aming relihiyon ay hindi namin gawa-gawa lang ngunit ang lahat ng ito ay galing sa Banal na Bibliya. Hindi namin binabasi ang aming mga gawa sa mga tao ngunit sa mga sinasaad ng bibliya. Maraming nagsasabi na marami kaming mga bawal na gawin at nasasabi nila na dahil dito hindi namin naeenjoy ang pamumuhay sa mundong ito. Ngunit mali silang lahat, dahil sa aming mga bawal, natuto kaming disiplinahin ang sarili, kilalanin ang aming mga hangganan at mas naenenjoy namin ang aming buhay dahil dito. Ang mga turong ito na aming sinusunod ay siyang nagpapatibay sa aming relasyon at panananalig sa ating Diyos.
Marami ang mga turo naming aming sinusuof o sinasabuhay namin. Bawat araw kailangan naming ipakita ang aming pagiging kristiyano sa mga taong nakakapaligid sa amin. Ipinapakita namin sa kanila kung ano kami at kung paano kami namumuhay sa pagiging kristiyano. Hindi talafa maiiwasan na maisantabi minsan ang mga turo sa aming relihiyon, ngunit aming ginagawa ang aming kakayahan na isabuhay ito. Dahil ang relihiyon natin ang nagsisilbing gabay natin patungo sa tagumpay at ang tagumpay na yan ay makukuha natin sa pagdating ng ating Panginoon.







