Definition: Sa pagpapaliwanag ni Hymes (1972), nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa sistema ang wika na nakikipagnteraksyon. Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito. Isa itong kasanayang panlipunan at makatao.
Ano ba ang ibig sabihin ng salitang WIKA? Para sa isang estudyante? Guro? Magulang? Pulube? Undergraduate? Para sa’yo, ano ba ang depinisyon mo sa wika mo?
Ang wika ay isang parte nang pagkakabuo ng isang indibidwal, kung saa'y kinikilala ang kanyang pagkatao. Tipong saan siya nagmula, ano ang kanyang mga paniniwala't mga kasanayan.
Ngunit sa kasaysayan ng ating bansa'y nagkakataon na sa maraming paraa'y sapilitan isinasaksak sa ating kaisipan na ang Ingles ay pangkaraniwang lengguwahe na kung saan naging sosyal na istraktura na ang Ingles ay batayan na isa ka ng higit na mataas sa iba.
Kapag ba marunong ka mag-Ingles, matalino ka na? Magaling ka na? Siyempre, ang isasagot ng pangkaraniwang Pilipino ay oo. Manghang-mangha na marunong ka magsalita ng banyagang pananalita. Ngunit kung ika'y aking tatanungin kapatid, kilala mo pa ba ang sarili mo pagkatapos kang maimpluwensiyahan ng kolonyal na pag-iisip?
Ang masasabi ko lang para sa istrakturang 'yon na ito'y malaking kainutilan para sa ating sarili sa kadahilanan na hindi ba dapat mas inuuna natin ang sariling ati'y bago ang iba?
Para lang sa isang relasyon na kung saa'y 'di mo na magawang maging masaya dahilan na hindi mo na kayang maging sapat sa iyong kabiyak. Hindi ba dapat mas alamin mo kung ano ang dapat para sa'yo at hindi para sa tao na 'yon? Matuto kang tumanggi at hindi lang tanggap nang tanggap na "ganito na pala ngayon, susundan ko na lang." Dahil hindi lahat ng tao'y pare-pareho.
Ang pambansang wika nati'y Filipino, kahit kailanman, hindi Ingles!
-------------------------
Kahit kailan 'di magbabago,
Kahit nabahiran ng kolonylismo.
"Ang 'di marunong lumingon sa pinanggalingan,
'Di makakarating sa paroroonan."
Lahat ng hanap nating kasagutan,
Ay nasa Perlas ng Silanganan.
Halaga ko'y maglingkod para sa mga tao.
Tangkilikin ang sariling atin,
Kahit kaila'y huwag pawiin,
Sa kasaysayan, tayo'y inalipin.
-------------------------
BILANG PILIPINO, MAHAL KO ANG BAYAN KO.
BILANG PILIPINO, MAGLILINGKOD AKO PARA SA MGA TAO.
BILANG PILIPINO, NAGPAPATAWAD NGUNIT 'DI NAKAKALIMOT.
[Inilatha noong ika-13 ng Agosto, narebiso noong ika-11 ng Oktubre.]