So here’s the catch. Nag-aabang ako ng jeep sa Patindig Araw going to SM Bacoor. Sa kabilang side, may mga nag-aabang para makatawid, and may isang guy na naka caught ng atensyon ko kaso naka school uniform so ‘no-no’ na. Nung mga nakatawid na sila, biglang may sumulpot sa harapan ko na guy, naglalakad sya at huminto few inches away from me then lumingon siya then our eyes met, at first wala lang, normal naman yun eh, kaso bigla siyang nag-second look. (Of course agad-agad yun.) But since I’m not used to eye to eye contact, I look away. Pero dahil nasa bandang unahan ko siya at nag-aabang kami ng jeep, I got the chance na tingnan siya. Sinipat ko. Matangkad, maputi, maganda yung built ng katawan… Tapos tinigil ko na kasi may dumating na jeep. Hahaha! Sabay pa kaming naglakad, hoping na makasakay but it didn’t stop kahit na maluwag pa. Napangiti ako kasi lakas makapa-hopia nung moment. Tapos may dumating din agad and nakasakay na kami. Nauna siya kasi nga bandang harapan ko siya. Pag sakay ko, we’re on the same row, sa right side, but merong dalawang ale na nakapagitan sa'min. Pareho kaming hindi maayos na naka-upo, as if we’re both on the edge of the seat. So nagbayad na ako. And as usual, tingin sa may estribo (I dunno, nakagawian ko na yung ganun kapag ganun na alanganin ang upo ko.) I usually stare outside, pero nasakto nanaman na nagkasalubong yung tingin namin. Tapos may ibang effect na sa'kin. Very unusual thing for me. Yung tipong parang may lump sa throat ko as if its hard to breathe. Weird, eh? Then umiwas ako ng tingin, may nagbayad pero hindi ko nilingon, yung katapat ko yung nag-abot, pero nung inabot na ni manong driver yung sukli, hindi na inabot kaya ako na lang ang kumuha at lumingon sa kaliwa, shems! It’s him! So inabot ko na, yung pag abot ko nagkadikit talaga yung mga kamay namin pero deadma na lang. (Pero napatanong ako bakit ganun yung boses niya? Haha! Kung iko-compare kasi sa looks niya, parang hindi tugma. Kaso naalala ko si bunso na ganun din. Hehe.) Tapos bumaba yung katabi ko na malapit sa dulo kaya nagkaron na ako ng space so I sit properly. Then dun na ako tumingin sa window behind me and from time to time, sa harap ko (nakakangalay kasi lumingon) Then napansin ko yung mirror na mahaba above the window, nakita ko siya nakatingin sa labas at naka-shades na brown. (Yung type ng shades na favorite ko.) Oh no! I can’t believe it! Hokage moves ako sa pagsipat sa'kaniya! Hala lang! Anyare? Then paunti-unti lumuluwag yung row sa kabila. Nung bumaba yung pasahero na malapit sa estribo, lumipat siya dun. So basically, tanaw na namin ang isa’t isa. At ayun na nga! Nagtama nanaman yung paningin namin! Mga naka-ilang beses pa ulit nagtama yung paningin namin pero ako yung unang naglalayo ng tingin. I can’t manage to maintain the eye contact. Kahit pa naka shades siya, hindi tinted so kita ko yung mata niya. I don’t know but I take the chance na i-scan siya at una ko talagang napansin, yung hair niya. Ganun yung tipo ko. Yung naka-bagsak lang. (I dunno kung nag-wax siya, basta for me ang ganda ng hair niya, ang neat tingnan.) Tapos yung biceps niya, mukhang firm (Naisip ko baka nagbubuhat or something kaya ganun.) Tapos the way siya umupo, manamit (nasabi ko sa sarili ko, he seems so prim and proper. Rk siguro?) Then yung kamay niya, ang linis. Wala din ring! (Naisip kong baka single siya. Kaso single nga ba or iba ang gender preference? Hala lang! Hindi naman sa jinudge ko siya pero napatanong ako na ganun kaya siya? Parang ang vain kasi niya.) Tapos naka-shorts kasi siya, ang linis din ng binti niya. Yung fine and hindi malago yung balahibo.) Tapos naputol, kasi may biglang pumara na babae sa row ko na tulog yung anak. Nung bumaba sila, nasagi yata nila yung left toe niya, tapos pinunasan niya. Ohmy! Ang linis ng nails!!!! Tapos umakyat yung tingin ko sa face niya, hala! Mas mapula pa yung lips niya kesa sa'kin? Nasan ang hustisya? Pero ang matindi pa, nag-shut siya ng lips as if he licked it tapos lumabas yung dimple niya!!! For goodness sake!!!! (Then I died! Charot!) Napa-gasp ako and then I closed my eyes and shut my mouth, as in I’m biting my lips just to hide the kilig 'coz I can’t stop smiling! Napa-pray ako. Kasi naman! Bakit ganun? Why on a short jeepney ride?? And it was my first time to feel that way! “Why Lord? Why? Pinapakita mo ba sa'kin ngayon yung ibinibigay mo na makakasama ko? Siya ba 'yon Lord?” Yan eksakto yung sinasabi ko kay Lord nun. Kaso bumaba na kami. Nauuna siyang naglalakad. Ako habang nasa likod, tinitingnan ko lang siya. Pero ang weird kasi kinikilig ako at nagka-vision ako na kasama ko siyang naglalakad. So napa-pray ulit ako kasi it feels weird and very pathetic of me. Grabe lang! Magkakaron ka lang ng crush, sa nakasakay mo pa sa jeep at hindi mo alam kung magkikita pa kayo ulit.
Then I realized, he’s good looking, baka taken na siya. But then a voice within me keeps on telling me that every thing that is meant to be, bound to happen. Whew! Lakas maka aldub! But ayoko ng ganito… nakaka inis na kinikilig ka sa taong ilang minuto mo lang nakita!