Naranasan mo na ba ‘yon? Yung bigla ka na lang maiiyak? Yung sa sobrang lungkot mo bigla na lang tutulo ang luha sa mga mata mo. Hindi mo alam exactly kung bakit ka nai-iyak basta ang alam mo lang nakakaramdam ka ng lungkot. Alam mo yung pakiramdam na bigla bigla na lang may tumusok sa puso mo at nakaramdam ka ng sobrang sakit, para bang pakiramdam mo nag iisa ka. Siguro nga sa pag patak ng luha mo mailalabas yung kung anu mang lungkot ang nararamdaman mo. Wala kang magagawa kundi umiyak na lang. Wala din namang makikinig sayo kaya mas mabuti pang iiyak mo na lang mag isa. Minsan mas mabuti na din yun kesa ngumiti ka at mag kunwaring ayos ka lang at wala kang nararamdamang lungkot. Na sa pag tigil ng luha mo may matira mang sakit sa puso mo, ang mahalaga kahit papano nawala yung bigat na nararamdaman mo kasi nga naibuhos mo na sa pag iyak.


















