Siya ang bahala
Labing apat. Tama. Labing apat na araw na lamang at kukuha na ako ng pagsusulit upang maging lisensiyadong manggagamot. Hindi ako mapamahiing tao. Kaya ako na lamang ang magtatasa ng aking lapis, bahala na kung anong kulay ng panloob ang aking makuha, at hindi na rin siguro ako pipila para sa empanada. Dahil para sa akin, ang susi ng minimithi kong tagumpay ay dasal at disiplina. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya. At sa huli, Siya na ang bahala.









