Si Christian Leo Fernandez- Barcelona ang aking first boyfriend. ❤️ ang ganda tingnan ng larawang ito sapagkat kasama namin ang aking pamangkin na si Collin. Unang dalaw ni Christian iyan sa aming bahay: Guimba, Nueva Ecija. Nakilala na siya ni Mommy sa Baguio at wala naman naging problema. Sa katunayan nga ay botong-boto siya kay Christian. Kaarawan ng aking Lola ng pinaimbitahan siya sa'kin. Gusto raw kasing makilala ng Lola ko si Christian. Hihi. Gustong-gusto rin kasi ng Lola ko si Christian kahit na hindi pa niya ito nakikilala at nakikita sa personal dahil sa mga kuwento ko sa kaniya at dahil na rin sa kuwento ni Mommy. Kabadong-kabado nga si Christian noong nagpunta sa'min. Paano ba naman, HALOS buong angkan ko ay naroon. Sinundo siya ng Tito Edwin ko kasi hindi sanay si Christian na mag-commute at hindi niya alam ang daan papunta sa amin. Masaya ako kasi nagkagusto sila ng pamangkin kong si Collin. Mas gusto nga ni Collin si Christian na maging kalaro kaysa sa'kin, kalokong bata. Haha! Nagustuhan din siya ng mga pinsan at ng kapatid ko, kinukulit na nga siya eh. Siyempre pati si Papa ko, gustong-gusto rin siya. Napakabait ba naman kasi ni Christian eh. Napakamapagmahal pa at nakita iyon ng aking pamilya. Hindi lang kasi siya sa'kin mapagmahal pati na rin sa kaniyang pamilya at sa aking pamilya. Nakita rin ng aking pamilya ang pag-aalaga niya sa'kin. Napakasuwerte ko, dahil lagi siyang nandiyan para sa'kin. Inaalagaan ako, pinagpapasensiyahan at minamahal ako. Thank you baby ko! You're the one and you're my everything. I love you so much!








