habang dumadaan sa kalsada
imbis na magmukmok at magdrama
masakit, mahapdi ang mga sugat na natamo
katangahan ang sanhi, oo inaamin ko
minadali ang lahat kahit na alam kong mali ito
gusto ko man magsisi ng husto
ngunit wala namang magbabago.
maraming lubak ang naapakan
halos paa na ay masugatan
ngunit walang maikling daan
ito lamang ang tanging paraan
upang makaahon mula sa nakaraan
sa pangakong mong hindi pinanindigan
sa pag ibig mong walang katotohanan,
masakit, mahapdi ang mga sugat na natamo
katangahan ang sanhi, oo inaamin ko
minadali ang lahat kahit na alam kong mali ito
gusto ko man magsisi ng husto
ngunit wala namang magbabago.
onting tiis nalang ay mararating ko na
ang kastilyo ng kalayaan na gawa sa:
pagtanggap, pagpapatawad, paglimot,
pagtanggap sa pagkakatalo,
pagpapatawad sa nagawa mo,
paglimot sa sakit na dinulot nito
at ang huli ay ang bagaheng pinadala
yon ang naging pundasyon ng kastilyo talaga,
ang bagahe na iyong pinadala,
ang magsisilbing aral na gagamitin
ang leksyon na di kailanman lilimutin
sa susunod na muli akong magmamahal at makahanap ng iba.
masakit, mahapdi ang mga sugat na natamo
katangahan ang sanhi, oo inaamin ko
minadali ang lahat kahit na alam kong mali ito
gusto ko man magsisi ng husto
ngunit wala namang magbabago.
at sa oras na makita ang tugatog
na nagtatago sa likod ng mga ulap
ako’y dagling tatakbo upang makapasok
dahil sa dami ng sugat sa pag yapak
at pipilitin kong wag muna bumagsak
pagkat ipapanalangin ko pa na sana wag pumatak
naalala mo kung pano kita ipinaglaban
ngunit mas pinili mong ako imbis na siya ang umuwing luhaan at umiiyak.