Ang pagkakaroon ng crush is a natural thing. Normal sa isang tao na magkaroon ng crush sa kaklase, katrabaho, katropa, kabarkada, at kahit pa nga sa isang taong hindi mo lubos na kilala. Ito ay isang emosyon na bigla na lamang sumisibol nang hindi mo namamalayan. Marahil sa unang kita mo pa lang sa kaniya ay naging crush mo na siya dahil cute, matalino, matangkad, gwapo, maganda o di kaya'y may taglang siyang kakaibang karisma. Pwede rin na naging crush mo siya dahil nakita mo ang kagandahang loob niya. Tuwing nakikita mo siya or kapag tinitingnan ka niya eh talaga namang kinikilig ka at di mapagsidlan ang iyong tuwa lalo na kapag napapansin ka niya. Masarap sa pakiramdam ang pagkakaroon ng crush pero kailangan rin maging maingat sa pagdadala nito dahil siyempre involve jan ang puso mo. Kaya narito ang ilang mga paalaala sa pagkakaroon ng crush:
1. Wag assuming. Hindi porket mabait siya sayo eh crush ka na rin niya. Malay mo sadyang mabait lang talaga siya hindi lang sayo kundi sa lahat ng taong kilala niya.😁
2. Wag over acting. Pag nag like o nag comment siya sa status o picture mo eh chillax lang. Ang OA mo naman kung kiligin ka. Bakit sa status at picture mo lang ba siya nag comment at nag like? Hindi naman diba? 😛
3. Wag praning. Madalas pag may crush ka sa isang tao, nabibigyan mo ng ibang kahulugan ang mga ginagawa o sinasabi nia kahit sa kaniya eh wala lang naman pala yun. Kaya iwasan mag overthink. Leave it as it is. Wag nang bigyang kulay ang mga biro o hirit niya para di ka mabaliw sa kaiisip kung may gusto ba siya sayo o wala.😆
4. Wag kang ilusyonada. Eto yung tipong crush mo pa lang yung tao pero sa isip mo ay boyfriend or girlfriend mo na siya. Iniisip mo na kung anong magiging tawagan nio or kung paano nio isi celebrate ang first monthsary nio. Kaya ang ending, nung na reveal kung sino talaga ang gusto ni crush (at hindi ikaw yun!), eh gumuho ang fantasy world mo at nadurog ang iyong puso. 😭
5. Wag kang seloso/selosa. Tama bang magselos ka kung may nagpapapansin sa crush mo or kung malaman mong iba ang crush niya? Siguro nga di maiwasang maramdaman mo yan pero kung magseselos ka man, sarilinin mo nalang. Wag mo nang sabihin, ipakita or iparamdam sa kaniya dahil wala ka rin namang mapapala.😝
6. Wag kang mag expect na magiging crush ka rin ng crush mo. Kahit anong pa cute at papansin pa gawin mo kung wala talagang gusto sayo yung tao eh wala talaga. Anong magagawa natin eh hindi natin hawak ang kaniyang isip at damdamin? Subukan mo nalang manalangin. Baka dinggin ni God ang iyong dasal na ikaw ay maging crush niya rin. 😁
7. Wag desperada. Hindi lang siya ang ka crush crush dito sa mundo. Marami pa jang iba. Wag magtiis na ikaw lang umiibig mag-isa .Try mo kayang ibaling ang atensyon mo sa iba. Malay mo yung next na magiging crush mo ay crush ka na din so meron na kayong mutual understanding at baka siya na ang iyong happy ending.😄
8. Wag hayaang masira ang pagkakaibigan dahil sa crush crush na yan. I personally think that this one is the most important thing to remember when having a crush on someone especially if that person is a friend. Having a crush on someone is just like appreciating that person for his/her admirable qualities so I don’t understand why it becomes such a big deal when the identity of your crush is revealed. Suddenly, when your friends or other people get to know that you have a crush on someone, they would tease you to each other and if you’re not mature enough to handle it, that would lead to awkwardness between the two of you. Hindi na kayo nag-uusap or nagpapansinan gaya ng dati. And it’s sad when it turns out that way. So please be very careful not to let your feelings get in the way of your friendship. Tandaan na ang pagkakaibigan ang nagsisilbing pundasyon sa isang matibay na relasyon. Kaya sana kahit magkaalaman o magkaaminan man eh mapanatili pa rin ang pagkakaibigan.😊
Sabi nga ng isa sa mga spiritual leaders ko: Appreciate your feelings but always lay them down before God. Hindi pwede na puro puso lang pinapairal natin. Kailangan natin ng wisdom at guidance ni God dahil ang puso ay mapanlinlang. Wag lang puro feelings dahil di yan tumatagal. Para yang switch na may turn on at turn off. Hindi consistent. Walang commitment. Ang totoong pag-ibig hindi nawawala, hindi natitinag, at hindi kumukupas. Kaya kung magka crush ka, okay lang yan. Normal ka. Masaya din naman magkaroon ng crush diba? 😍
Photocredits: http://www.thethingswesay.com/img/90.jpg
















