AP & TLE IPT TASK 1 & 2
Mabuti at di Mabuting Epekto ng mga isyung pangmilitar at kalakalan sa Ugnayang Pilipino-Amerikano
Matinding dagok ang naging dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino ng mga pinsalang dala ng ikalawang digmaang pandaigdig. Kailangan nitong harapin ang mga hamon at suliranin na mga sumusunod: matinding pinsala sa mga gusali, imprastraktura at pagka paralisa ng mga transportasyon, mabuway na ekonomiya at bagsak na produksyon sanhi ng pagkasira ng mga palayan at sakahan, pag-aalsa ng ilang pangkat sa pamahalaan, katiwalian ng mga opisyales sa pamahalaaan, pangangailangang patatagin ang ugnayang panlabas at pangangailangang maisulong ang kapakanan ng mga mamamayan. Napilitan ang Pangulong Manuel A. Roxas na tanggapin ang alok na tulong mula sa Estados Unidos kapalit ng ilang mga hindi pantay na kasunduan sa paniniwalang malaki ang magagawa nito sa pagbangon ng Pilipinas mula sa mga suliraning dulot ng ikalawang digmaang pandaigdig. Ito ang naging dahilan kung bakit hindi naging ganap na malaya ang ating bansa sa pagkakatali nito sa mga ilang hindi na pantay na kasunduan sa Estados Unidos kapalit ng tulong pinansyal na ibinigay nito sa Pilipinas. Ang mga hindi pantay na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ay ang mga sumusunod, Philippine Rehabilitation Act, Bell Trade Act, Parity Rights at Kasunduang Base Militar o Military Bases Agreement. Ang kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ay nagdulot ng isa pang suliranin. Ito ay ang pagkakaroon ng mataas na antas ng “colonial mentality” sa mga Pilipino o ang pagkahilig at pagtangkilik nito sa mga kultura at produkto mula sa Amerika at ibang bansa o “imported products” na lalong mas naka apekto sa ekonomiya ng Pilipinas.
@jerelcena













