“Bakit naman ako nakakaipon”
“Ay hindi pa rin nagoopen hospital”
“Si ano nga sakin pa rin ang asa”
“Tara gala tayo. Kape tayo”
Iba talaga ang nagagawa kapag magisa ka. Bigla biglang nagsasama sama yung mga words na narinig mo which either make or break you or makes you feel that feeling na di mo maexplain, na winish mo nalang na sana di mo nalang narinig yung mga salitang yun.
It’s been 5 months seen umalis ako ng Sanlo. Yes, nakakahappy ng heart kasi bukod sa nakaalis ako sa napakatoxic na environment, I met new people. Madami kami sa department, got to know new people, though di pa nagduduty basta iba yung feeling na andami nyo sa department (well sanlo setup kasi isahan sa duty, 3 o 4 na radtech rotate rotate, di manlang kayo magkakitaan) Namiss ko Yung ganito na madami sa dept parang sa first work ko, parang nun intern lang. I always look forward sa gantong setup e, sa gantong feeling na andami mong kachikahan ba. Pero dahil di pa operational, consequence, di pa buo ang sahod.
Struggle sobra. Kulang yung sahod. Pero iisipin mo nalang na ginusto mo yan. Though nakakastress magbudget, Iba naman yung happiness pag napasok e. Iba pa rin yun effect nun sakin. Badtrip lang talaga pag nakakarinig ako from other people na sila pa disappointed na di pa kami nagooperate, may narinig pa ako from one of the fam members “Aba nagpapalaki ng p*ke” Which is hello nasahod naman ako di lang buo. Kala mo ba magreresign ako ng walang mapapala, e alipin ako ng salapi. Marami akong bayarin. Makacomment ka kala mo naman ikaw nagbabayad ng mga bills at namomroblema sa judith.
Everything happens for a reason ika nga. Last May-June umuwi nanay ko. Since di pa ganon laging may pasok I got the chance to spent more time dito sa bahay and with her. Running errands, taga drive and all. Pahinga pahinga tapos ayun stress pag tanggap sahod kasi kulang pa para sa bills. E sympre breadwinner kuno ang ferson though di fully breadwinner kasi asa pa rin kay mudra.
And there you go that feeling na it really hurts kasi kelan ba matatapos yung obligasyon ko na’to. Oo nagrereklamo ako, nagkukwestyon pero good daughter ang ferson kaya kahit gipit laban lang. Kahit wala ng natitira para sa sarili ko, bigay pa rin. Wala naman actually problema sakin na magbigay, ever since naman nagbibigay na ako, ang tanong kasi kung may mabibigay ba.
Ang sakit at ang hirap ng walang pera pramis. Andaming hindi mo magawa. May magyayakag sayong friends mo na simpleng kape lang di mo maOohan. May gusto ka sana iachieve, di mo magawa kasi wala kang pera e. Mapapaisip ka bakit yung iba nagagawa nila yung gusto nila, ako eto ultimo pagbili ko ng panty at bra pagiisipan ko pa. Titimbangin ko pa kung mahalaga ba talaga kasi baka wala kaming pangkain e. Gustohin mo man magawa lahat, magawa ng sabay hindi kaya e. Di mo kayang mapagsabay yung tutulong ka sa pamilya tapos naaachieve mo rin yung goal mo sana sa buhay mo.
Si Mark, buti anjan si Mark. Ang laking bagay sakin ng taong to. Takbuhan ko. Hiraman ko ng anda. Taga salo ng problema. Sakanya ko nga natutunan na bakit kailangan mong problemahin at iyakan ang mga bagay na alam mo naman na hindi na mababago, na alam mong walang solusyon. Motto ko na nga din yan e, pag problemado ako iniisip ko kung worthit ba kung iiyakan ko.
Ngayon na lang. Ngayon nalang na biglang naiyak ako ulit kasi sa ilang buwan na stress ako sa pera, sa bayarin, sa pagcocompute pano pagkakasyahin yung pera ko na hindi ko pa nasasahod ubos na, matatag ako e. Stress ang ferson pero di naiyak. Laging looking forward sa sahod, sa miracle, sa biglaang blessing na dadating sa oras na walang wala na talaga pero biglang ayan meron.
Ang hirap pero kinakaya pa rin naman. Lavarn lang ba. At sana jusko sana talaga magoperational na itong hospital, kasi di na sumasapat yung happiness na nafefeel ko pag duty. Dapat achieved din yung happiness every payday.