Ang dali dali lang sabihin para sa iba na hindi natigil ang mundo ng isang tao the moment na mawalan siya ng mahal sa buhay. Ang hindi nila alam, hindi lahat ng tao magkakaparehas. Siguro sobrang lakas nila to the point na hindi natigil ang mundo nila the moment na mawalan sila ng minamahal.
Hindi lahat kagaya niyo. Merong mga tulad kong hindi nakakausad sa buhay matapos ng mga ganung kaganapan. Hindi dahil sa ginusto kong hindi makausad kundi dahil sa hindi ko talaga kayang makalimot at mamuhay.
Miss na miss na kita Mommy. Miss na miss na kita, Lola.






