Kinidnap daw kami ng bunso kong kapatid. Family friend daw sya, pero hindi namin sya kilala. Kinulong nya kami sa isang kwarto.
Dahil nga family friend e nagpunta daw doon sila mama at papa gamit yung tricycle. Nakita ko daw sila sa bintana. Umiiyak kaming dalawa ni Lali. Sabi ko sa kanya "Nandyan sila Papa!"
Lumabas yung kidnapper para batiin sila. Hindi nya ni-lock yung kwarto kaya nakalabas kami. Yung main door ang naka-lock. Nasilip ko sya sa bintana at pabalik na sya. Nagkatamaan pa yung mga mata namin. Dun nya nalaman na nakalabas kami ng kwarto.
Napaatras ako habang nagpapanic sabi ko kay Lali "Le pabalik na sya, pabalik na sya!"
Dumapa ako sa gilid ng sofa at may nakita akong babasagin na bote ng Mountain Dew. Sinabi ko ulit "Le, pabalik na sya", expecting na idi-distract ni Lali etong kidnapper saka ko babasagin yung bote sa ulo nya.
Binuksan ng kidnapper yung pinto, umiiyak lang si Lali. Sa isip ko "Shit, okay ako na". Tinry ko syang sikmuraan pero nakaatras sya. Umatras din ako nang mabilis para hindi nya ako mahablot. Iniisip ko paano ko sya mahahampas ng bote.
Nagpahablot ako sa kaliwang braso at hinila nya ako papalapit. Saka ko hinampas hampas yung ulo nya pero hindi mabasag yung bote. Si Lali binuksan na yung pinto at tinatawag sila Mama at Papa pero hindi kami marinig.
Chinoke ko sya gamit yung natutunan ko sa Jiu Jitsu. Dahil di na sya makahinga, nilakad nya palabas habang sakal sakal ko sya, para makahingi ng tulong kila Papa. Ako din naman pasigaw na tinatawag na sila Papa pero hindi pa rin kami marinig kahit na malapit na kami.
Hanggang sa nakita na nga kami nila Papa pero sabi nya ay kaya ko na daw yon. Gusto ko na daw patayin yung kidnapper. Ang tibay ng Mountain Dew. Pinukpok ko sya sa ulo, sabi ko "Para sa pagkulong mo samin!"
Inambahan ko ulit sya pero naawa na daw ako. Nagyaya na sila Papa na umalis pero napansin ko wala pa si Lali. Sabi ni Mama ayaw nya daw sumama kasi nandito daw si Oreo. Sabi ko "Dahil lang dun?"
Pumasok ulit ako sa bahay at sinabihang dalhin na lang yung aso. Sumama sya at sumakay na kaming lahat sa tricycle.
Dream ended there. I woke up exhausted.