Monday night, umuwi si Ate dito sa bahay. Normal lang. Di kasi nagpapansinan, walang kibuan. Kasi irita talaga ako sa kanya dahil sa nangyari dati. Tapos nagkkwento sya sa Lola namin na nag patreatment sya ng buhok dun sa CSS (pricey don) tapos sabi niya hihingi na lang sya ng pera kay mama para pambili ng sapatos. Ako, lalo nairita kasi tngna, may business na sya, palagi pa din sya naka hingi kila Mama. At alam naman niyang mahal don sa CSS, tuloy pa din sya, tapos hihingi hingi pag wala na pera. So di ko pa din sya pinapansin. Tapos nung nasa simbahan na, nilayo ko upuan ko sa kanya. Napansin ni mama, so alam ko na nagalit si mama. Tuesday night, pumunta si mama sa kwarto namin. Kakausapin daw niya ako at hindi papagalitan. Yes pinag sabihan ako. Pero lalo lang ako nagalit sa kanya/kanila. Ang sama ko daw anak, sa future daw pag dadamutan ko sila. W-O-W lang. Sobrang WOW. Lahat ng gusto nila sinunod ko. Lahat ng utos, ako nagawa. Binibigyan ko sila ng mataas na grades. Hindi ako palagi nalakwatsa tapos MASAMA pa din. Edi wow. Tapos to si ate, lahat kabaliktaran ko, ano sya pa din bida, sya pa din mabait. Sobrang unfair niyo ho! Pagdadamutan sa future? Eh ngayon ngang may pera ako, pag nanghihiram kayo, pinapahiram ko kayo tas pag tagal hindi niyo na binabayaran, hindi ko naman sinisingil. Pag nga may babayaran sa school, hindi na ko nahingi kasi palagi kayo nagpaparinig na walang pera. Pero nung si ate nanghingi, agad agad niyo bibigyan ah. Thursday night, ayoko talaga umuwi sa bahay. Ayoko silang makita. Pero kailangan umuwi so umuwi pa din ako. Pag dating ko, kinausap ako ni papa. Kung ano ano sinabi, hindi ko na masyado inintindi kasi ayoko intindihin mga sinasabi niya. Ang naalala ko lang, kung pwede daw na kausapin ko si ate, makipag kwentuhan ganon, at sa isip isip ko, ang sagot ko ay HINDI. Ayoko na dito. Ayoko na sa bahay na to. Ayoko na sa buhay ko.