✨ Tickets for BTS Arirang in Bulacan please ✨
NASA
I'd rather be in outer space 🛸
todays bird
Three Goblin Art
will byers stan first human second
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
🪼

Love Begins

#extradirty

ellievsbear
noise dept.
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
macklin celebrini has autism

roma★

oozey mess

No title available
Peter Solarz
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
taylor price

No title available
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from Georgia
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Türkiye
seen from Malaysia

seen from Brazil

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from Malaysia
seen from Venezuela
@mirandagianelli
✨ Tickets for BTS Arirang in Bulacan please ✨
Life Update No. 012026-01
Andito ako ngayon sa unang byahe ko sa trabaho para sa 2026. Sumakay kami sa barko ng BFAR para sa "locked in" writeshop para sa amendment ng Fisheries Code. In fairness, productive kami. Di ko lang talaga bet ung cr na malayo na, dadaan sa mga matatarik na hagdan. :(
Had a complete 2-week vacation for the holidays at naging punong abala gumastos HAHAHA Since puro handaan naman, isda at gulay lagi naming ulam ng almusal at tanghalian.
Wala man sa plano, pero nagpagawa na din ng cabinet sa kwarto nila Nanay kasi di ko na kinakaya ung kalat ng mga damit huhu
Blindedly hiked Mt. Ulap nung December 27-28. Mali na weekend kami pumunta dahil ang daming tao. Nasanay na din siguro na DIY kami lagi magbakasyon ni Troy kaya may-pademand na mgbayad kami ng extra para magkaroon kami ng sariling kwarto. Maling-mali at natuto na ko.
Lastly, returned to Sagada for Troy's birthday. At dun na din sya nag-propose sa Marlboro Hills. Nung time na yun, kami ung pinakamatanda sa grupo kaya pinigilan ko syang lumuhod. Basta kako sabihin nya bakit gusto nya ko pakasalan tapos sinuot nya na ung singsing sa akin. Ang gondo!!!
Nanood kahit may trangkaso.
Wala man lang freebies sa SM Sto. Tomas
Di ko akalain na iiyak ako kay Akaza. Shuta, daming luha eh.
people who watched promising young woman and are like "she should have been a serial killer murdering all those guys who took her home" fundamentally misunderstand the movie!!! cassie's desperate hope is for people to prove her wrong and that people can change for the better, that's why she gives those guys dozens of opportunities to make the right decision and actually take her home when she's pretending to be drunk, that's why she tells them off and hopes that they'll turn over a new leaf, that's why she gave every person she went after on her revenge spree the opportunity to do the right thing!!! it's also why the scene outside the lawyer's house is so important, why hearing her bf's voice on the tape is so heartbreaking, why she doesn't actually physically harm anyone in the movie!! and all but the lawyer let her down!!!!!!!
HIGH POTENTIAL 1.12 | Partners
I'm a ladybug organizer
"A woman is missing. Please... help us find her."
Finally finished watching it. It feels good na may matapos na magandang show.
Nowadays, mas maganda panoorin ung mga alam kong interested ako. Disappointing kasi pag di na-meet ung expectation pag pinanood ung 1 hyped na show. Sana di to matulad sa Bones na kahit fave ko, torture ung part na pinaglaruan sila ng 1 genius.
Ganon pala un no? May resources ka na mamili ng shows na panonoorin mo, restaurants na kakainan, at lugar na pupuntahan, pero either pagod ka o hati yung attention mo dahil sa adulting matters. Kaya din siguro hirap na ko magbasa, kasi I don't have all the freedom (oras, mental space) to get lost in what I'm reading. Nagmamanifest na din sa katawan ko ung hig cortisol level dahil sa stress, lalo na sa bilbil :(
Idk this my first time living this life too
#SmallWins
Nakakakain na sa labas pag may birthday.
I think deserve ng blog na to malaman na may desktop na ako hehe
Sa wakas!
2021 pa ako lumipat, pero di ako binigyan ng laptop or desktop man lang. Syempre, di ako prio ng mga naging bosses ko bigyan ng suppport. Thankfully, na-upgrade ko pa ung 2018 laptop ko.
Pagdating ng 2022, sa akin napunta ung macbook air in a way na si Lord lang talaga ang may kayang gumawa. Three years ko din itong kasama. Nagtyaga ako sa meetings at pagrereview ng maraming documents sa kahit anong byahe ko na ito kasama ko. Di talaga ako pinabayaan ni Lord.
At ngayong February 2025, nagpaalam na ako sa kanya. Need ko na siya ipamana kasi may desktop na ko. May tablet at laptop din. Sobra-sobrang biyaya ung natanggap ko. Kaya kahit hb ako sa mga staff, at inaatake ng impostor syndrome, bigla ko na lang marerealize na di naman ako pinapabayaan ni Lord. Na hanggat gusto kong mag-excel sa trabaho ko, lagi Syang may support na pinapadala.
Updates since my last post/rant:
1. Developing better habits ain’t easy, but satisfying for my self worth. Mas gusto ko maging productive sa bahay pag madaling araw, tapos magluto at mag-destress sa gabi.
2. Got accepted for a JICA training last November. Awesome experience with other Filipino young leaders.
3. I am trying to be less stressed and snarky whenever something comes up at work with my teams. YES, teamS. I can’t complain with my staff, tho.
4. Sometimes when I’m lost with reklamo, I remind myself that my problems now are way better than before. Pondo? ICT equipment? Recognition and trust from bosses? Staff? Dati ang konti, ngayon nag-uumapaw na.
5. Medyo naging vulnerable ako kahapon nung marealize ko na ung mga hinihingi lang dati ng mga taga-field, natupad ko na kahit papano. Ibang division at mga kasama nga lang. I allowed myself to think of what if kami pa din nila Mam Mary Anne at Mam Nelia ang magkakasama sa work tapos mga ganito na pondo and influence ko? I guess, I just miss being the youngest one and not the one people ask for instructions and decisions.
6. In a gentle voice, Troy didn’t ask for anything this vday. Wag ko lang daw sya pagdudahan. And I felt guilty. Kasi medyo nag-overthink ako bakit sya pumunta ng ATC mag-isa nung Thursday and asked him several times about it. Yun pala, bumili sya ng succulents lego as vday gift for me. Na binigay nya na din nung Saturday kasi excited din sya HAHA
7. Went to Iloilo with my whole fam. Thankful for all the learnings from my stay here in college, that helped me be who I am today. Dati survival mode palagi, pati kaming mga anak iniisip paano kami mabubuhay kinabukasan na 100 na lang pera ni Tatay. Ngayon, nakabisita kaming kumpleto sa Iloilo via airplane. I love my mother more kasi despite everything, di sya sumuko. Kami pa din inuna nya.
Sobrang agang post neto, unexpected din. Pero yun. I chose to post this here instead of creating a new tumblr acct kasi deserve un ng 22 year-old self ko na unang nagpopost dito. This was my escape. Thank you, self!
Rant
Mas gusto ko mag-celebrate ng birthdays nang kumakain sa labas kasama ang buong pamilya. Hindi ako pabor ung mag-iimbita ng maraming tao tapos sa bahay na lang magluluto ng panghanda para "makatipid." Kasi di sya tipid at nakakapagod pa.
Nung birthday ng Tatay ko last month, sila-sila sa bahay ang nagdesisyon na maghahanda. Kuya ko gumastos, at alam na alam ko kasi ilang beses nya na un sinabi kada magkakausap kami sa messenger o kahit nung umuwi ako nitong September.
Ngayon, gusto din pala ng nanay ko maghanda. Wala silang sinasabi sa akin na ang expectation pala nila ay ako DAPAT ang gumastos kasi nga gumastos na kuya ko nung nakaraan. So ako, the usual na cash gift lang. Tapos kagabi, tumawag ako sa nanay ko to invite her sa accom ko sa Seda ng Friday night para ma-experience nya naman ung ganon. Syempre, di lumampas na sabihin ng kuya ko na gumastos na sya nung nakaraan, ako naman daw.
Nagpantig talaga tenga ko kasi parang utang na loob kong naghanda sya at mali ko pag di ako mag-aambag next week. Kasi huli na ako nakakaalam, pero bakit parang mali pa din pag di ko nameet expectation nila?
Kinwento ko mga gastos ko this year sa mga biglaang lakad ng mga magulang ko, to express na di naman ako nagkukulang. Na sana isama nila ako sa mga plano nilang gastos lalo na kung may expected na ambag ako. Kasi di ako umuuwi, di ako nakikinabang sa bahay. Ni hindi ako napaglulutuan ng nanay ko. Puro silang lahat. Libre sila ng tirahan at perks na kasama mga magulang sa bahay, pero parang bilang na bilang dapat ang ambag ko.
Pero ang sagot is, "E di wag mo gastusan para walang sumbatan." Which is bullshit coming from him. HAHAHAHA
Wala ka talagang equality na makukuha sa paboritong anak. Pag may mali na nakikita sa iba, ok lang daw magsabi sya ng masasakit na salita kasi "totoo naman e." Pero pag mga mali nya like manakawan kami ng 4 na cellphone sa bahay, di sya pumasa sa board kahit todo gastos sa kanya, o mambuntis ng babae at iuuwi sa bahay, "wag na ungkatin yun, tapos na un."
Nakakawalang-gana talaga mga ganyang tao. Pati sistema sa bahay. Lalo ako ginaganahan wag umuwi ng holidays. :(
Maligayang kaarawan, Min Yoongi! 💜
Celebrated yesterday sa Purple 7 Café with my Ate.
Medyo matagal ung serving ng order namin na kimbap, chicken tenders at yogurt drink. Since second time na namin (the first was in 2022), di na kami masyadong natagalan mag-ikot at mag-picture-picture. Looking at the displayed album, nagulat ako to realize na naka-apat na pala akong album: BE, Butter, Proof at yung LY:Speak Yourself. Ang lakas talaga pala makabudol ng HYBE! 🤣
Mas ni-look forward namin yung food. Busog kasi kami nung unang punta namin kaya hindi namin na-enjoy. Kaya di talaga nagpa-gutom talaga ako bago pumunta dito.
Masarap ung chicken tenders, nabusog kami. Iniwasan na namin magkape kaya yogurt drink inorder namin. We were expecting na may yogurt talaga pero juice na may yakult pala siya.
For dessert, ung naka-display nang purple cupcakes ung inorder namin para kako di na abutin ng 30mins, pero inabot pa din ng 10 minutes bago na-serve. Masarap ung cupcake kasi di overwhelming yung tamis kahit madaming toppings.
At ikaw naman Yoongi, sana na-enjoy mo ung 2024 birthday mo. Kahit masyado mong sineryoso ung "See you in 2025." Niliteral mo man siya, I still wish you good health, joy, peace, and safety hanggang sa pagtapos ng enlistment mo. 🫶🏼
{ Words by Megan Fernandes, from "Fabric in Tribeca," in Good Boys / Silas Melvin, from "Twenty," Grit }
It's getting bad again. And my need to isolate and process this all by myself is kicking in. I don't want to fight. I'm done with all the urgent deliverables, and I think I deserve some kind of peace and quiet for myself.
Sila: Willie Revillame
Groupmate ko: Pepper Smith :D
"Pupunta nga ng Canada sila Daddy next year....Naunahan na tayo ng pinsan ko," sabi niya kagabi sa bus pauwi. Ako naman itong natulala at di makaimik.
Pinag-uusapan kasi namin kung panong gusto pala ng parents nya bumyahe byahe within Pinas. Yun ung isa sa mga take-away ko nung pinakilala niya ako sa parents niya. Nag-suggest ako na sila naman isama nya kasi twice na kaming bumyahe. Akala ko kaya niya ako gusto kasama hindi naman gusto ng parents niya, na ganon sila ka-lowkey.
At yun nga nasabi niya. Na pupunta ng Canada ang parents nya next year para umattend ng kasal ng pinsan niya. So meaning, iniisip niya na un para sa amin? Don't get me wrong. Kung assurance lang, consistent naman niya binibigay yun in his own way. Na naa-appreciate ko ng todo. Iba talaga pag lumaking secured. Ganon kasi siya sa parents niya.
Blame it on my unstable childhood naman kaya lagi ako may fallback na thought at the back of my mind na kontra para ma-balance. Like mahihirapan ako mag-move on pag naghiwalay kami nito.
Ayun, ganon pala yung feeling kahit mapag-usapan man lang un. May kilig pero may panic. Kaya matatameme ka talaga. Syempre gusto mo yun, pero ayaw mo ding umasa kasi ayaw mong masaktan.
Ayun lang. Good night!