Kausapin mo naman ako. :( Miss na kase kita eh. Miss na miss. May pasok ka, bakasyon namin. Hinihintay ko pag vacant mo na itext ako, kaso ang bagal mo mag reply. Baka kumakain ka. Naiintindihan 'ko. Limitado lang kase time ng vacant. 2 hours vacant mo. Naiintindihan ko. Kaya hinihintay ko na lang hanggang sa mag dismiss na last class mo. Kaso, pagod ka. Magpapaalam ka sakin kung okay lang ba matulog. Syempre okay lang. Pagod ka eh. Naiintindihan ko. Kaya hinihintay kitang magising. Minsan pag inip na inip na ko gusto na kitang tawagan, gusto na kitang gisingin. Pero, kulang ka ata sa tulog kaya okay lang. Naiinitindihan ko. Pag gising mo may assignment ka pa pala. Gusto kong mag focus ka sa ginagawa mo kaya minsan ayokong itext ka pag gumagawa ka ng assignment kahit miss na miss na kita. Kaya minsan binabagalan ko ang pagrereply para magawa mo ng mas mabilis ang assignment mo at hindi tingin ng tingin sa phone. Naiintindihan ko. Kaya sa mga weekends na lang ako umaasa, kaso late na ang gising mo. Naiintindihan ko. Sinusulit mo lang ang araw na walang pasok. Kaya pag gising mo na lang. Hinihintay kong tanungin mo 'ko kung "pwede ba tumawag?" Kaso kakahintay ko, mauubos na oras. Kaya ako na lang magsasabi sayo ng "tawagan mo naman ako. Miss na kita eh. :(" Baka akala mo lang siguro kasama ko parents ko kaya di ka makakatawag. Naiintindihan ko. Sa gabi, dun kita pinaka gusto kausap o katext. Ewan ko ang sarap lang magusap pag gabi. Parang wala nang ibang nasa isip kundi yung pinag uusapan lang. Kaso bigla kang magpapaalam "Laro ako pwede? :*" Syempre papayagan kita. Kelan ba 'ko humindi? :) Never. Alam ko kaseng yun na lang libangan mo. Mag isa ka lang sa condo mo. Wala ka namang magawang iba. Kaya naiintindihan ko. Mahal kita. Naiintindihan ko. :)