Ala Siete ng umaga nang mapadaan ako sa Arrupe. Malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa aking balat habang naglalakad-lakad ako sa pasilyo katapat ng aking silid-aralan. Napaka-bilis nga naman talaga ng panahon. Parang kalian lang, ayaw na ayaw kong tumungtong sa aking nilalakaran ngayon dahil kinakabahan ako na pumasok sapagkat ako ay baguhan pa lamang sa paaralan na ito. Ngunit ngayon, para bang ayaw ko nang umalis pa rito. Mga alaalang babaunin ko sa aking pag-alis. Masaya man ito o may lungkot, ayos lang. Ito ay naging parte ng aking paghubog sa aking pagkatao. Naisipan ko na making ng musika habang naglilibot sa aking mga paboritong lugar sa paaralan na ito. โNakasimangot ka na lang palagi, parang ikaw lang ang nagmamay-ari ng lahat ng sama ng loob, pagmumukha mo ay hindi maipinta, nakalimutan mo na bang tumawa, eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupaโฆโ Isa-isa kong pinuntahan ang mga lugar na nagbigay ng magandang alaala sa buong pananatili ko sa paaralang ito. Bonoan. Ang lugar kung saan kami tumatambay ng aking mga barkada tuwing nakakaramdam kami ng kulo sa aming tiyan. Hindi maiwasan na hindi ka bumili dahil sa dami ba naman ng mga PT niyo, wala ka nang magagawa kundi ang mag stress eating. Napag-isipan kong bumalik sa dati naming silid-aralan sa Arrupe at umupo ako sa dati kong upuan. Ang aking upuan. Ito ay kulay kahel na medyo may kalawang na dahil sa kalumaan nito. Ang paligid ay napaka-tahimik pa rin. Wala pa ring nagbabago. Naririnig ko pa rin ang mga pagpukpok, paggigiba, at pag-aayos ng bahay sa may malapit sa gusaling ito. Lumabas ako at pumunta sa pinakapaborito ng lahat, ang Library. Kung saan malamig at may libreng Wifi. Ang lugar kung saan palagi kaming tumatambay kapag wala kaming klase o kapag nais naming magpalamig pagkatapos kumain sa Bonoan. Tawanan, kuwentuhan, halos mapagalitan na kami ng librarian sa sobrang ingay. Walang pakialam sa paligid, bastaโt kami ay magkakasama, walang problema. Sa paglabas ko ng library ay Nakita ko ang batibot. Minsan lang kami tumambay dito, pero hindi ko makakalimutan ang tawanan na naganap noong ako ay nahulugan ng ipot ng ibon sa aking ulo sa tapat ng batibot na ito. Walang katapusan na tawanan ang nangyare. Hindi ko na rin napigilan na mapa-ngisi dahil sobrang linaw pa ng mga pangyayare. Dumako ako sa bagong gusali na ginawa para sa aming mga Senior High School students. Maraming alaala ang bumalik. Noong una, ayaw naming sa gusaling ito sapagkat napamahal na samin ang Arrupe. Hindi nagtagal ay napamahal na rin sa amin ang Belardo. Maraming kuwentuhan at mga asaran ang nangyari kasama ang aking mga barkada. Hindi rin maiiwasan ang problema. Mapa academics man, pamilya, barkada o love life, natutuwa akong hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko. Sinamahan at sinuportahan nila ako sa kung ano man ang nais ko. Maraming asaran man ang nanganap, naramdaman ko pa rin na sila ay tunay na barkada. Sabi nga sa kantang pinakikinggan ko, โNandirito kami ang barkada mong tunay aawit saโyo, sa lungkot at ligaya, hirap at ginahawa, kami kasama moโฆโ At nandito kami ngayon, nakatapat sa maraming tao, sabay sabay na mamartsa dahil sabay sabay naming hinarap ang mga pagsubok. Kaya ngayon, sabay sabay din namin tatahakin ang hinaharap.