Life update after a long time
Hola! It’s been so long since I last updated this account. Napagod na siguro ako mag share ng mga paulit ulit na bagay kaya tinamad na’ko mag update. So, ano’ng bago? AND DAMI BEH. Halos lahat ng tropa ko kinasal na, nagka anak, nakabili ng sariling bahay, nagka kotse, na promote. Ako? Okay naman ako. I’ve seen some progress. I’m so proud of myself! Akalain mo magagawa ko yung bagay na sobrang kinatatakutan ko noon. My 21 year old self would be so proud! Hindi nga lang ako kasing bilis ng usad ng tulad sa iba, pero at least ang layo na ng narating ko.
Sa hinaba haba ng paghahanap sa sarili, finally nahanap ko na kung ano yung gusto ko gawin for life. Kaya ito ako ngayon, kahit halos masiraan ng ulo sa trabaho, hindi ko idedeny na may mga araw na napanghihinaan ako ng loob pero kinakaya ko kasi ito yung tutulong sa’kin para maabot ko yung pangarap ko. SANA KAYANIN KO, SANA TAMA AKO. KAKAYANIN KO AT TAMA AKO.










