Naalala ko sinabi ko sa’yo dati na
“ Lumaban ka para sa ating dalawa, dahil natatakot ka baka magkamali ulit.
Natatakot ka na maulit muli. Pero alam mo? Ito, nandito parin ako sayo.
Patuloy na lumalaban sayo.
Patuloy na lumalaban sa atin.
Sana tibayan mo puso mo para satin dalawa. “
Pagod na pagod kana sa magulong mundo.
Pero andito padin ako lumalaban at naghihintay sa’yo.
Kung ano man ang pagsubok na darating sa'yo, Tanggapin mo lahat. kapag pakiramdam mo hindi mo na kaya. Wag mong sarilinin, may daramay sa'yo. Upang ikaw ay makaahon sa anumang pagsubok na mayroon ka. Dahil kada hakbang mo ay bagong pag asa para sa'yo. Tiwala lang.
Laban. Wag tayo maging duwag sa'ting natitirang oras dito sa mundong ito, bawat segundong pumipintig ay hindi na maibabalik, lumaban ka hanggang sa huling sandali, sa ngalan ng pag ibig ikaw ay maging matapang.
Lumaban ka sa kinabukasang naghihintay para sayo.
Kada tingin ng iyong nakaraan ay mayroong bakas ng iyong talampakan na kahit takot kang masaktan ‘e kailangan mong umusad para sa panibagong kinabukasan.
‘yung liwanag ng bakas ng talampakan. Ayun ‘yung titingnan mo kapag napapagod, nasasaktan at pasuko na tayo. Isipin mo, nagawa mong malakaran yung ganoong sitwasyon. At nalagpasan mo.
Magiging inspirasyon at magiging kalakasan mo yung mga daang tinahak mo! Kaya sabi nga nila diba? Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan
HANGGA'T MAY UMAGANG MULING DARATING , TIBAYAN ANG PUSONG TAKOT SA DILIM
Dahil kasa umaga ay panibagong araw nanaman. Ngiti ka lang at magsimula muli. Makakabangon din tayo sa lahat ng problema.
Kapag pagod, magpahinga muna.
Kaya para sa lahat ng may problemang pinagdadaanan ngayon. Kaya niyo ‘yan. Malalagpasan niyo din ‘yan.
Para sa lahat ng frontliners, maraming salamat sa inyo. Kung wala kayo, lalong lala ang sitwasyon.
Para sa lahat ng may tinatahak na ibang landas, may panahon pa para magbago at matuto. Lagi ‘yan andyan. ‘di ‘yan mawawala.
Para sa lahat ng nasasaktan ngayon. Tangina, matatapos din ‘yan. Hindi ka man masaya ngayon. Bukas o sa susunod magiging okay din ang lahat.
Makakalimutan at mapapatawad mo din ‘yon.
At para sakin, kaya ko ‘to.
Lalaban lang ako. Oo tao lang din ako, napapagod din. Papahinga lang. Pero lalaban at lalaban padin.