KABATAAN
Ano nga ba ang kabataan? Ang kabataan, na tinatawag ding tinedyer, tin-edyer, adolesente, o lalabintaunin ay ang panahon, edad, o gulang na nasa pagitan ng pagiging isang bata o kilaw at hustong adulto, o kaya ang yugto ng panahon kung kailan ang isang tao ay biyolohiyal o pisikal na adulto subalit emosyonal o makapandamdaming hindi pa husto ang maturidad.At ang kabataan ay ngayong kinikilalang pag asa ng ating bayan upang umunlad, ngunit sila din marahil ang magiging dahilan upang mapahamak ang mahal na bayan.
Napakalayo na ng ating narating simula kina Dr. Jose Rizal at iba pang kinikilalang bayani sa loob ng pilipinas. Bagong henerasyon ika nga, mga gamit na marikit at otomatikong gumagalaw o sumusunod sa iyong gusto o nanaisin, o tinatawag na TEKNOLOHIYA.Napakalaki at dami ang tulong ng teknolohiya sa bawat isang sangkatauhan, Ngunit napansin ba ang negatibong epekto nito lalong lalo na sa mga kabataan? Oo’t mas napaunlad natin ang ating bansa sa mga bagay na materyales ngunit ito ang unang dahilan sa pagbago ng mga ugali ng sangkatauhan na madalas ang kabataan,sa pagagwa ng mali o kasamaan sa kapwa para lang mahangad ang sariling kapakanan at kagustuhan. Masasasabi pa ba nating kabataan nga ang pag asa ng bayan, kung sa habang tumatagal ay lalong dumadami ang kaso sangkot ang mga minor de edad ?









