Mahal ko, naaalala mo pa ba? Ang mga araw na tayo’y magkasama? Ako’y gusto mong patawanin, mahalin ako’t lambingin. Walang araw na ika’y bumitaw, laging nandyan, laging pinasasaya ang aking mga araw. At nang nabigyan ng pagkakataon, ako’y iyong hinalikan, aking masakit na nakaraan iyo nang tinapon.
Ngunit ako’y biglang naglaho, ‘di mo na alam kung saan tutungo. Naghihintay ng mga sagot sa tanong, naghihintay mula gabi, umaga at hapon. Mahal ‘di ko nasabi, naghihintay lamang ng tamang sandali. Para ika’y aking mahalin, ng higit pa sa’yong hinihiling.
Mahal ko, naaalala mo pa ba? Ang mga makukulay na rosas na iyong itininta? Tanging gusto ay ako’y pangitiin, mahal ika’y nagtagumpay sa isang pusong mahiyain. Ang iyong mga akap ang aking kalakasan, mahal, ano nga bang nagawa ko, at ako’y nabiyayaan ng isang tulad mo.
Ngunit ako’y biglang naglaho, ‘di mo na alam kung saan tutungo. Naghihintay ng mga sagot sa tanong, naghihintay mula gabi, umaga at hapon. Mahal ‘di ko nasabi, naghihintay lamang ng tamang sandali. Para ika’y aking mahalin, ng higit pa sa’yong hinihiling.
Mahal handa na ako, sa panibagong yugto ng buhay nating ‘to. Hindi na magdadalawang isip, sapagka’t ikaw lang ang makaaalis ng sakit. Mahal ako’y nagbabalik, sana’y iyong patawarin at muling bigyan ng halik. Hindi na malilito, hindi na mawawala, andito lang sa tabi, naghihintay sa’yo.
Maghihintay nang walang hanggan, aasa’t magmamahal. Mahal nandito na ako, huling pagkakataon, sana’y muling makita mo. Sana’y muling iyong mahalin, pangako’t ikaw lang ang aking mamahalin.