TESTIMONY: YOUTH CAMP 2016
Isa ito sa mga pangyayaring hinding hindi makakalimutan ng bawat isa sa amin. On the 1st day sobrang nakakakaba kase pagkakaing pagkakain pa lang grinoup na agad kami by tribe. Sobrang nakakakaba kase hindi naming mga kakilala ang magiging kasama naming pero maganda narin to kase nagkaroon kami ng mga bagong kaibigan. Nong grinoup kami pinakuha kami ng kartolina at inilagay kung ano ang dapat na ilagay. Then after that nagproceed naman ng mass na pinangunahan ni Bishop Pabillo. At pagkatapos nagkarron kami ng Talk kay Fr. Ronnie, ipinaliwanag ni Fr. Ronnie ang kahalagahan ng word of God. Pinaliwanag din nya ma hindi lang sa bible nagmumula ang word of God kundi pati rin sa atin. Then after ng talk ni Fr. Ronnie nagkaroon ng confession na kung saan pinabilog muna kami sa labas tapos pinapunta sa chapel. Sobrang mararamdaman mo talaga ang presence ni God pagpasok na pagpasok pa lang sa simbahan, wala kang maririnig kundi iyakan at makikita mo lahat ng nagdarasal. Pinagnilay nilayan naming lahat,nagsisi sa mga kasalanan at pagkatapos ng confession ang sarap sarap sa pakiramdam.
On the 2nd day mas maraming activity ang ginawa namin. By 6:00 nagkaroon kami ng mass na pinamunuan ni Fr. Tony. Natutuhan naming kung paanp gawin yong Body Prayer yata yon na kung saan we praise God by Body movement. Then after that nagkaroon ng talk si Fr. Tony about Adam to Jesus. Pinaliwanag don kung paano nagmula at kung paano sila naging magkakonektado. Then pagkatapos ng talk ni Fr. Tony nagtalk naman si brother Karlo ipinaliwanag nya ang tungol sa lectiodevina then isa isa itong ipanaliwang. Ang lectiodivina ang pinaka effective sa lahat dahil sa lectiodivina hindi mo lang babasahin ang gospel kundi nandito narin yong pag ninilay,pagdarasal at pagsasabuhay. Then pinagawa nya rin sa amin yong text mapping. Binasa muna ni Kuya Karlo yong gospel tapos pinalabas nya kami at isa isang naglakad sa hagdan. Sa bawat paghakbang may mga nakusalat na word about sa gospel then pagninilay nilayan mo tapos pipili ka ng isa na pinakatumatak sa isip mo. Effective ang text mapping dahil hindi lang basta babasahin ditto yong gospel kundi pagninilay nilay mo bawat word. Then pagkatapos mg talk ni kuya Karlo nagmass kami at natapos ang talk sya sa pamamagitan ng pagdarasal. Nong gabi nagkaroon naman kmi ng drama about Adan, Noah, Abraham,Moses and david. Makikita mo na lahat magagaling at sobrang creative. Sobrang ang dami naming natutuhan, natuto kaming humugot at natutuo kaming magdrama ng on the spot, natutong makipagsocialize to others at higit sa lahat natuto kaming kilalanin si Jesus ng lubusan.
On the 3rd day nagkaroon ng talk si Fr. Syl at Kuya Karlo. Ipinaliwanag ni Fr. Syl ang walang hanggang pagmamahal ni Maria kay Jesus. Tapos may isang tree don na kung saan binigyan kami ng leaf at fruits tapos ilalagay mo don yong mga wishes mo. Tapos unang pinalagay yong leaf tapos nong sa alay na isa isa naming nilagay ang fruits sa tree. At pagkatapos non nagkaron kami ng picture taking at namahagi ang Archdiocese of Manila ng Ignite books sa lahat ng mga youth. Sobrang saya and daming experience na hinndi ko pa naeexperience dati. Mas natuto akong makipagsocialize to other person and mas nakilala ko pa si God.
HANAH BEA TORIANA, YOUTH AMBASSADOR













